Chapter [16.]

783 37 8
                                    


Chapter Sixteen

Taehyung

--

"Teka lang! Aren!" Lumingon siya sa akin habang bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Naudlot ang pag bukas niya sa gate namin. Tipid naman siyang ngumiti sa akin.

"Akala namin ni tita, 'di ka na bababa kaya nagpasya na akong umuwi sana." Malumanay na sambit niya, lumunok ako't umayos ng tayo tsaka siya tinitigan lang.

Para saan nga pala ulit ang pagpunta niya dito?

"Bakit ka nagpunta dito?" Tanong ko sa kanya.

"'Yung tungkol kasi 'yun sa na assign sa atin. Wala kasi akong nahanap na karton, sabi kasi ni mama tinapon na daw niya lahat." Aniya, akala ko may susunod pa siyang sasabihin pero ilang segundo na rin ang nakalipas pero wala na siyang sinabi.

"'Yun lang sasabihin mo?" Tumango siya. Tsk, akala mo naman kung anong importanteng bagay.

"Tsk." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob tsaka ko isasara na sana 'yung pinto ng bigla akong itulak ni mama palabas.

"Ano? Hindi mo man lang ba siya ihahatid sa bahay nila?" Heto na naman si mama. Nasapo ko na lang ang noo ko, sawa na akong makipag away sa kanya kaya napilitan akong lumapit kay Aren.

D'yan lang naman kasi ang bahay nila. Tatawid lang siya tsaka andun na siya sa bahay nila. Nakakainis talaga si mama oo! Para namang mawawala si Aren 'pag 'di ko hinatid.

"Sorry naabala ka pa yata." Sabi niya pagkalapit ko sa kanya. Hindi ko na lang siya sinagot, hinawakan ko na lang ang braso niya tsaka kami nagsimulang maglakad.

Sa awa ng Diyos ligtas naman kaming nakarating sa bahay nila. Pakitake note ang salitang sarcasm please lang.

"Salamat na lang." Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng saktong bumukas ito at bumungad sa amin si tita Arian.

"Oh hijo? Anong ginagawa mo dito?"

"Ah hinaㅡ" Naputol ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni tita papasok sa bahay nila.

"Mag meryenda ka muna, tutal nakapasok ka na sa bahay namin." Sambit ni tita Arian. Napakamot na lang ako sa ulo ko't binalingan si Aren na gulat na gulat sa ginawa ng mama niya.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya yumuko siya't humingi ng pasensiya sa akin dahil sa ginawa ng mama niya.

"Mama, baka may gagawin pa si Taehyung." Sabi ni Aren, minatahan siya ni tita Arian.

"Naku anak, magmemeryenda lang naman siya. Mga ilang minuto lang naman." Wala ng naisagot pa si Aren ng biglang umalis sa harap namin si tita Arian. Papunta siguro sa kusina, habang kami ni Aren, nandito lang sa tapat ng pinto nila, tahimik na nakatayo.

"Kayong dalawa sumunod kayo sa akin!" Sigaw ni Tita Arian. Imbes na sumunod kami ni Aren ay nanatili lang kaming nakatayo doon. Ewan ko kung anong ginagawa niya kasi nakatalikod na ako sa kanya, habang ako pinapasadahan ang buong bahay nila. Matagal tagal na rin akong hindi nakapasok sa bahay nila simula ng maghiwalay kami.

★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]Where stories live. Discover now