Chapter 1: SABRINA

1.6K 19 1
                                    

CHAPTER 1: SABRINA

"Anong problema ng mga tao ngayon?" natanong niya sa sarili. "Bat pinagtatawanan nila ako?"

"Ahahahhahah! Hoi! SAB!!!" Tawag ng isang lalaki. "Sigurado ka bang, gising ka na? Hahah. Tignan mo nga yang suot mo!"

"Ha? Eh ano bah!?" Pagkakita niya sa sarili sa isang glass door, "NOOOOOO!!"

"Nak! Nak?! Gising ka na! Nananaginip ka eh!"

"Ma! Grabeh! Yung panaginip ko, lupet!"

"Bakit bah? Ano ba yon?"

"Eh! Ha? Wag na ma. Nakakahiya eh. Oh! Ba't andito pop ala kayo? Diba Sunday ngayon, wala akong pasok Ma!"

"Baby! Magsisimba tayo. It's a Sunday nga diba. Kaya mag ready ka na at ready na kami ni Papa mo. Tumawag din yung bestfriend mo, kita nalang daw kayo dun."

"Ayh! Oo nga pala. Cge ma, 15minutes." Pagkatapos maligo ni Sab, napansin niya na may damit na sa kanyang kama.

"MA!!!!!!!!!! AYOKO TO!" Sigaw niya.

Pagbaba.

"Ano ba naman yan, be! Mag e-eighteen ka nah sa mga susunod na taon, tas ganyan parin suot mo. What about yung dress na binilo ko sayo." Sabi ng kanyang papa.

"Eh, Pa! Hindi naman ako nagsusuot ng ganun dibah. Baka mahanginan pa ako, tas hikain ako, tas yun nah! Alam mo na yun!"

"Nagdadahilan ka pa! Eh ang sabihin mo nahihiya ka lang. Ganda ganda mo tas suot mo lagging pants and shirt. Cge na please nak, ngayon lang." Anya ng kanyang mama.

" Ma naman! Ma le-late na tayo eh."

"PLEASE!" Sabin g mama at papa niya.

....

Pagkatapos ng misa. Nahihiyang lumabas si Sab at panay hila sa maikling dress na suot nito. At nagtatago sa likod ng kanyang mga magulang.

"Ano ba naman to, sana wala akong kakilala, sana hindi na lang dumating si bestfriend. Sana!" Bulong ni Sab sa sarili. Nga biglang,

"HOI! Anong binubulung mo jan ha, Sabrina!" Tinignan nito si Sab from head to foot at napasipol, "Ganda natin ngayon, Sabrina ah! Baka mahulog na ako nyan ha! haha" Biro nito.

"SAB!! Sab nga, Sabrina ka ng Sabrina eh!" Sabay palo sa braso ng kausap. "Alam ko maganda ako noh! Matagal nah! Mahulog ka jan! Gusto mo tulak kita para mahulog ka talaga!" Inis na sabi ni Sab sa kausap.

"Ano ba naman tong bestfriend ko, ang daling mainins. Kagagaling lng natin ng misa sungit mo na agad! Haha." Tawa nito. "Hi Ma, Pa." Sabay mano sa parents ni Sab.

"Kaawaan ka ng Diyos, Josh."

"Ma? Pa? Kapal mo naman! Bestfriend nga tayo pero hindi tayo magkapatid hoi, kapal nito." Reklamo ni Sab.

"Okay lang yan kapatid! Haha. Lumaki na tayong magkasama, naliligo pa nga tayo magkasama nuon sa ulan eh ahhaha." Tawa ni Josh.

"TSE! Cge mang-asar ka pa! Ma oh!" Sabi ni Sab.

"Tama na yan!" tawa ni Mrs. Santiago. "Oh Josh, asan pala Dad mo? Ikaw lng ba mag isa?"

"Hindi po, Tita, andyan lng kausap si Aling Jocelyn tsaka si Macy." Sagot ni Josh.

"Ah ganun bah? So mauna nlng kami Josh ha, mag ingat ka ha, e-kumusta mo nalang kami sa Dad mo." Anya ni Mr. Santiago.

"Cge po, Tito, Tita, mag ingat ho kayo." Tugon ni Josh sa parents ng bestfriend niya. "Mag ingat ka Labs!" Pahabol niyang sabi kay Sab.

"Labs mo mukha mo!" Inis na sabi ni Sab.

"Hahah eto naman oh, hindi mabiro! Love you!" Lambing ni Josh. "See you tomorrow. Mag dress ka din bukas sa school! Haha."

"TSE! Sige na, bye! Ingat ka!"

Pumasok na ang pamilya sa kotse at umandar na palayo ng simbahan.

"Nak, ano ba yung bestfriend mo, nanliligaw na sayo? Haha. Bagay kayo ah!" Tanong ng Papa ni Sab sabay tawa.

"Pa naman! Walang ganyanan! Hindi kami talo nun ano. At iba yung gusto nun. Yung mayamang soshalera na si Amber. Yun! Bagay sila."

"Eh? Selos ka naman? Haha." Biro ng kanyang Mama.

"Hindi ah!" Simangot ni Sab sa Mama niya. Ng biglang may nag text...

JOSH:

Seriously, Sab. Ganda mo ngayon! Ngayon lng uli kita nakitang nakaayos simula nung mga bata pa tayo. Hehe. See you tomorrow. ;) Mwah!

SAB:

Pinilit lang ako ni Mama at Papa. Alam mo naman kung bakit ayaw ko na ng mga dress dba. See you! :)

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon