Chapter 12: CONFRONTATION

823 15 7
                                    

"You look fantastic, Macy." Comment ni Kenjie, ng nag pull over sila sa harap ng bahay ng mga Ilagan.

Madaming tao, at halos napuno ng ang malaking grounds para sa parking ng mga sasakyan.Dumating magkasama sina Macy at Kenjie.

"Salamat Ken. Ikaw din naman, bagay sayo suot mo." Sagot ni Macy.

"Salamat, at pumayag ka na ako kasama mo."

"Oo, naman, wala naman masama dun diba." Sabi nito.

Pinagbuksan siya ng pinto ni Kenjie.

Lumabas si Macy, suot ang napaka gara nitong red long gown. Isang one shoulder strap gown, na may mermaid cut at long train. Light make up sa eyes and cheeks pero, red na red yung lipstick.

Nag compliment sa kanyang maputing balat ang over all look ng dalaga. Hawak nito ang puting simple white mask nito na may red detail, at white ribbon at red rose sa gilid.

Habang ang kapareha niyang si Kenjie, nakasuot ng black velvet suit, black bowtie at white inner, at white leather shoes na ay black details to complement the whole look. Simple lang ang mask ng binata, isang totally red mask, para magkapair sila ng dalaga.

Pumasok na ang dalawa, at bumungad sa kanila ang isang malaking ball room. Ang buong garden ng mga Ilagan, ginawang malaking ball room, para ma accomodate lahat ng bisita.

Naglagay ng mga round tables na dinesenyohan ng blue at sequined table cloths. Ang mga kubyertos at table napkins nag complement sa design ng buong garden.

May hanging na lights sa taas, na nag give ng sense nag glamour at dim sa buong lugar. In awe lahat ng pumapasok na bisita pagunang bungad ng whole garden.

Madami ng tao ang naka occupy sa mga seats. May banda sa gilid na nag pe-play ng violin para maging solemn ang lugar. Mahihinang kuwentuhan ng mga bisita. May malaking stage sa dulo ng buong garden na katabi ng long concrete stairs papasok ng bahay ng mga Ilagan.

"Wow! Grabeh, ang bongga naman ng party!" Comment ni Macy ng maupo na sila ni Ken sa kanilang table.

"Hindi naman ako magtataka jan, mayaman ang mga Ilagan. Mabuti na nga si Amber, hindi mata pobre eh."

"Hmm, ang gara talaga. I will do anything to have this life."

"Macy, hindi naman importante yung yaman sa isang tao."

"Nasasabi mo lang yan kasi mayaman ka nah." Sagot ni Macy, hindi niya mapigilan ang inggit na nararamdaman sa kaibigan.

"Eh anong ibig mong sabihin? Diba-"

"What I mean is, look at this place, kahit mayaman na kami, iba pa rin sina Amber." Sabat nito, ng ma realize niya ang mga nasabi.

"Pero mas maganda pa rin ang simple lang." Tugon ni Ken. "Yung simple, at walang arte, walang pagpapanggap."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ha? Wala. Ang ibig kong sabihin, kahit mayaman, mas maganda yung simple lang. Katulad mo, mayaman nga kayo, pero simple ka lang." Sagot ni Ken, sabay matamis nitong ngiti. Ngumiti na din si Macy.

Pero hanggang saan ba niya kayang pagtakpan ng sarili. Hanggang kailan nya magagawang mag panggap.

...

"Ready ka nah?"

"Yes, yah. I am. Andyan na ba lahat? Sina Dad?"

"Andyan na sa baba, nag iintroduction nah. Kanina pa puno ang garden Kung makikita mo lang ang gagara ng lahat."

"Mas may maganda kaysa sa akin?"

"Pero wala nang mas gaganda pa sayo baby." Assurance ng yaya ni Amber.

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon