EPILOGUE
Makalipas ang anim na buwan...
"Matagal ka pa bah? BILISAN MO! Late na ako hoi!" Sigaw ni Sab.
"Eto nah! Bababa nah. Ingay mo naman." Tumatakbo na si Josh pababa ng hagdan ng bahay.
"Tss! Walang pinagbago to. Bilisan mo na kasi!! Hulin huli na tayo."
"Ayan na nga oh. Bilis." Pinagbuksan ni Josh ng pintuan ng sasakyan ni Sab, at dali dali silang nagtungo sa school.
May activity kasi, closing na namn ng isang sem. May banda sa school, at lahat excited sa event.
Noong isang taon lang, madaming nagyari at madami din natutunan.
Minsan ang pinaglalaruan ng tadhana. Mahal ka, pero ayaw mo...
Ngakabati na rin sina Josh at Amber. Minabuti nilang magsimula uli sa pagkakaibigan.
Mahal mo, ayaw sayo...
Si Macy naman, hindi na masyadong nakikitang nagdidikit kay Amber. Although magkaibigan pa rin sila, pero hindi na tulad ng dati.
Pero ang mas masakit, mahil ninyo ang isa't isa. Pero ayaw ng tadhana....
Si Kenjie, naging Student Body President. Minsan nga nagtataka siya kung paano nangyari yun. Pero nagpapasalamt pa din ito sa mga nangyari.
Bati na rin ang kuya at Daddy ni Joshua. Malaki na si Baby Bianca, ang panganay na anak ng Kuya ni Josh. Paminsan minsan dinadalaw nila ito, kasama si Sab, sa probinsya.
Hindi na rin masyadong strikto and Daddy ni Josh.
Si Sabrina? Hikain pa din. Paminsan minsan, inaatake ng Asthma.
Naging VP na din siya ng Student Body.
Pero kadalasan ikaw mismo ang dapat nagdidikta ng sarili mong tadhana.
"It's good to be back!"
"Mabuti naman at nakikilala mo pa kami!" Bati ni Josh sabay hug sa kaibigan.
"Oo nga. Hindi ka man lang nagparamdam ng andun ka!" sabi ni Ken.
"Miss nyo na ako agad? Eh ang bilis ko lang dun noh." Sagot ni Nick sa dalawa. Nasa isang cafe sila ng mall.
"Libre mo to ha. Bawi mo sa amin." Sabi ni Ken.
"Oo naman, walang kaso yan." Sagot nito.
"Sabi mo yan ah! Excuse muna, babanyo lang saglit." Nagpaalam si Ken sa dalawang kaibigan.
"Musta na?" Tanong ni Nick ng makaalis si Ken.
"Eto, gwapo pa din. Hahaha."
"Loko! Ganun ka pa rin! Tss!" Natahimik sila ng ilang segundo, bago nagsalita ulit si Nick. "Musta na kayo ni Sab?" Hindi nya magawang tignan ang kaibigan, kaya tumingin na lamang ito sa menu.
"Sabi ko na eh, yun yung kanina mo pa gusto tanungin eh." Bulyaw ni Josh, sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Kaya ka umalis noh, ng hindi man lang nagpaalam?"
"Pero nakita ko kayo." Sagot nito, halatang naguguluhan.
"Ayan kasi hindi nagtatanong. Tsk! Ganun ka pa din!" Sabi ni Josh. "Alam mo kasi, umandar topak ko nun, kaya ayun. Pagpasenxahan mo din ako bro. Kasalanan ko yun eh."
Ng maintindihan na niNick ang mg anagyari tinapik niya ang kaibigan sa balikat. "Matagal na yun, Josh. Kalimutan na lang natin." At ngumiti dito.
"Tss! Nakakabading ka naman eh! Hahaha."
BINABASA MO ANG
Forevermore (NashLene)
Teen FictionStory of group of friends, intertwined faith and brewing love stories. NashLene JaiLene NLex JaiLex MikAsh MiBi JaiKi KobiLex KobiLene