Chapter 16: UNPREDICTABLE

731 14 2
                                    

Sorry po sa typo errors nung previous chapter.

I'll try to edit that, Nd probably the next chapters, para sa reader kahit tapos na.

Thank you sa lahat ng bumasa, bumabasa at babasa pa.

● 3●

-------------

Chapter 16: UNPREDICTABLE

Love is simple, yet very unpredictable.

"Alam ko mali tong gagawin ko, Sab. Pero ayokong pati ikaw mawala din." Malalim ang iniisip ni Joshua, habang nagmamaneho ng sasakyan.

Malalim na ang gabi ng maatapos ang celebrasyon nila ng ka grupo nila. Nauna na din yung Dad ni Josh sakay ang sariling sasakyan nito.

"May problema, Joshua?" Tanong ni Sab, ng mapansing malalim ang iniisip ng kaibigan habang nagmamaneho.

"Ah wala lang, Sab. Medyo inaantok na eh. Tagal din natin kanina dun eh. Tas medyo nakainom din" Nilingon niya si Sab ng sandali, bago bumalik sa xkalsada yung paningin.

"Oo nga eh. Medyo over yung kasiyahan nnyo, para naman ngayon lang kayo nanalo." Sagot ni Sa. "Gusto mo ako na lang magmaneho?"

"Wag nah! Baka mabunggo pa tayo, kaya ko naman eh." Sabay tingin saglit kay Sab bag ibinaling ulit ang tingin sa daan. "At Iba to noh. Kasi last game na ng school year, dapat pagbutihan."

"Hoi! Kahit wala akong sasakyan, marunong ako noh!" HInampas nya ng mahina sa braso ang kaibigan. "Hmm oo nga naman. Ano pala plano mo? Summer class?" tanong ni Sab.

"Joke lang naman. Eto d mabiro. Baka hind muna. Medyo nakakaumay na mag aral. Hehe. Hindi naman required mag summer class eh. Ikaw?"

"Baka kumuha ako ng classes. Medyo boring din pag nasa bahay lang ako." Sagot ni Sab.

Pagkatapos ng usapan na yun, ano ano na lang naging topic nila bago makarating ng bahay nina Sab.

"Papasok ka pa?" Tanong ni Sab ng makababa na sila ng sasakyan.

"Ah hindi nah, baka natutulog na din sina Tita, maka distorbo pa ako." Mahinang sagot ni Josh.

"Okay ka lang talaga?" Tanong ni Sab, kanina pa niya napapansin na parang may iniisip itong malalim. Na kahit anong pagusapan nila, hindi pa rin maalis ito sa isip ni Josh.

"Oo naman! Suz. Sige na, goodnight."

"Sige, una na ako. Mag ingat ka." Tumalikod na ito ng maramdaman niyang hinawakan siya ni Josh at hinila palapit sa kanya.

Mas nagulat pa si Sab ng bigla siyang hinalikan ni Josh.

Nanigas si Sab, hindi alam kung ano ang mararamdaman, at ano ang gagawin. Nakadilat ang mga mata habang pinagmamasdan si Josh na nakapikit sa harap nito.

Nagising na lamang ito ng may marinig na humarurot na sasakyan sa harap nila. Hindi niya napigilan at masampal nya ang kaibigan.

Tinitigan lang niya si Josh habang hawak ang pisngi na nasampal nito.

Napuno ng galit ang puso ni Sab. Hindi nya inakala na magagawa iyon ng matalik niyang kaibigan.

Hindi umimik si Josh, nagulat din sa nagawa. Nasa harap niya ang isa sa pinaka importanteng tao sa kanya, pero dahil sa nagawa alam nito na baka pati si Sab mawala din.

Hindi na maatim na tignan ni Sab ang kaibigan, at minabuting pumasok na lamang sa kanilang bahay.

"Sab, wait." Narinig niyang sabi ni Josh.

Pagkapasok niyo ng bahay, dirediretso tong pumasok sa kwarto at nahiga sa kama. Narinig nya nalang na umalis yung sasakyan ni Josh.

"Ano bang nasa isip mo, gago ka!" Sabi niya sa sarili. "Alam kong nakainom ka! Pero grabeh, hindi naman tama yon!" Halo halong emosyon ang naratamdaman ng dalaga.

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon