"Ayan na sila!" Naging restless na ito sa isang side ng court ng makita niya na pumasok na si Sab, kasama si Josh.
"Salamat Josh. Utang na loob ko sayo lahat ng to." Sabi nito ng makita na niyang umalis si Josh at naiwan si Sab mag isa.
...
Binitiwan niya si Sab. Nagdadalawang isip ito kung iiwanan niya ba ito, o hihilahin palabas ng court.
Hindi niya malaman ang nararamdaman, naglakad ito papalayo ng nagsimula na ang music.
"Grabeh naman ang effort ni Nick. Good luck bro." sabi ni Josh sa sarili ng nakaabot sa exit.
Tinitigan niya si Sab na nasa unahan niya, may naka tutok na spotlight sa dalaga.
Habang nagsisimula yung music, biglang naalala ni Josh noong bata pa silang tatlo. Siya itong mahiyain, payat ang mukhang masakitin kaya walang gustong makipaglaro dito.
Sa tuwing may childrens party o get-together yung buong village lagi lang siyang nasa gilid, naka tanaw sa mga ibang bata naglalaro.
May lagi siyang nakikitang dalawang magkaibigan na halos hindi magawang maghiwalay. Na sana daw may ka-close din siya kagaya ng dalawang ito.
Na sana hindi na siya mapagiwanan pa muli.
"Sabrina." Buntung hiniga ni Josh sa sarili, at tuluyan na din tumulo ang mga luha nito, at umalis na ng court.
...
di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayoy marami ng nabago't nangyari
ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin ng...
Habang nag pe-play yung music, naalala ng dalaga noong bata pa sila. Laging magkadikit sila ni Nick. Kung nasaan si Sab, andoon din si Nick.
Pareho sila ng school, at pareho din ng section most of the time. Sa tuwing may mang aasar kay Sab, laging to the rescue itong si Nick.
Na kahit larong pambabae ang gusto minsan ni Sabrina, pinapatulan pa rin ito ni Nick. Hindi sila naglalaro kung wala yun isa. Halos sabay kasi silang lumaki.
"Dati..."
Lumingon si Sab sa kanyang likod ng marinig niyang may nagsalita. Si Nick.
Dahan dahang lumapit si Nick kay Sab, na bitbit ang cue cards.
SAB! HINDI KO ALAM KUNG PAANO TO SISIMULAN, nakasulat sa isang cue card na hawak ni Nick.
PERO GUSTO KO SANA MAALALA MO, ang nakasulat sa ikalawang cue card na ipinakita ni Nick sa kanya.
Sa mga sandaling ito hindi na makapagsalita si Sab, natulala sa nangyayari, at parehong parang mapapaluha.
NOONG AKO ANG KNIGHT IN A SHINING ARMOR MO
NOONG AKO ANG TAKBUHAN MO PAG INAAWAY KA NILA
AKO ANG PRINSIPE
IKAW ANG PRINSESA
AKO SI B1, IKAW SI B2
SABRINA SANTIAGO at NICKANOR AVILA
SAB
SA LIKOD NG MGA ITO GUSTO KO LANG SABIHIN
Hinintay ni Sabrina kung may susunod pa, pero dun natapos ang pagpapalabas ng cue card ni Nick.
BINABASA MO ANG
Forevermore (NashLene)
Teen FictionStory of group of friends, intertwined faith and brewing love stories. NashLene JaiLene NLex JaiLex MikAsh MiBi JaiKi KobiLex KobiLene