Chapter 2: NICK

1.3K 17 1
                                    

"Grabeh ang daming tao! Wala na akong maupuan. Ba't kasi tagal ko nagising eh! Hindi tuloy ako nakasama sina Mama. Asan naba yun nkaupo." Reklamo ni Nick sa sarili habang naghahanap sa.kanyang mga magulang sa may likod ng simbahan.

Sa dami ng tao hindi niya makita kung nasaan nakaupo sa loob ng simbahan ang mga magulang nito at kapatid. Kinuha niya ang phone niya at nag text...

NICK:

Ma? San kayo? andito na ako sa likod. Andaming tao, wala na akong maupuan. Kadalasan naman hindi puno ang simbahan pag ganitong oras. Text nyo nalang ako. Sa labas ako maghihintay pagkatapos ng misa.

"Bad trip naman oh!" Medyo napalakas niya nasabi.

"Tumahimik ka nga. Kanina ka pa reklamo ng reklamo eh. Nasa simbahan tayo uy." Sabi sa kanya ng isang babaeng pamilyar ang mukha.

"Magkilala ba tayo?" Tanong ni Nick sa babae.

"Hindi. Bakit? Nagagandahan ka sakin? Pick up line mo ha, luma na. Makinig ka nalang nga." Sita nito kay Nick.

"Suplada!Eh ang manang manang naman." Bulong ni Nick sa sarili.

"May sinasabi ka?" taning ng babae.

"Ayh wala ah. Ang tahimik ko nga eh."

"Mabuti naman. Oi! Baka kunan mo ako ng litrato ah. Ganda ng cam mo!"

"Kapal naman," sabi ni Nick sa isip. "Magagandang tanawin lng po ang kinukunan ko po." sabi niya sa babae.

"Akong ako yun." Sabay mahinang tawa sagot ng babae sa kanya.

"Akala ko ba nakikinig ka ng misa?" Anya ni Nick. Pero hindi na nakikinig at sumagot pa yung babae. Parang namumukhaan niya ito pero hindi lng niya malaman kung saan sila nagkita.

Natapos ang misa at gusto pa sanang makilala ni Nick ang babeng nakausap nya kanina. Pero napansin nyang nagkagulo ang mga tao at nabaling ang atensyon nya dito.

"Suz! Kaya pala punuan ngaun dito eh, andyan pala si Gov at buong.pamilya." Sabi ni Nick ng nakita ang pamilya ni Gov na papalabas ng simbahan at sinundan ito ng mga tao. Ng paglingon ni Nick at kakausapin na sana ung babae ngunit wala na ito sa pwesto nito kanina.

"Pamilyar talaga eh!" Bulong nito. Lumabas nalang xa at hinintay ang magulang at kapatid na lumabas. Habang wala ginagawa, kinukunan niya ang simbahan at ang pligid nito sa kanyang dalang camera.

Lumiliit na din ang bilang ng mga tao dahil umalis na ang pamilya ni Gov.

"Nickanor!" Sigaw ng kanyang ama paglabas ng simbahan.

"Pa naman! Nakakahiya oh! Sabi ko Nick nga dba." Tugon ni Nick sa ama.

"Suz! Kuya naman parang hindi sanay. Nickanor ka naman talaga sa bahay ah!"

"Eh wala tayo sa bahay eh! Ano bah. Nick lng pa. Baka may makarinig sa inyo eh."

"Tigil nyo na yan, at Pa wag mo ng inaasar tong anak mo. Isa ka pa Maria!" Saway ng kanilang Mama.

"Ma naman Maria ka ng Maria." Reklamo ng nakababatang kapatid ni Nick na si Andrea. "Ayh! maiba ako kuya, alam mo bah andito kanina ang mga Ilagan. Biruin mo nagsisimba pala yong pamilya nila."

"Kita ko nga kanina sa likod. Ang alam ko lang naman na nagsisimba, si Amber lang. Palagi kong nakikita kasama yaya nya." Sagot ni Nick sa kapatid.

"Maganda pa rin sya kuya noh."

"Sino?" tanong niya ito habang naglalakad papunta sa sasakyan nila.

"Si Amber! Sino pa bah? Gara pa ng damit niya kanina."

"Magara nama talaga yun manamit eh, sa school pa lang."

"Sabi ko nga. Hmmm. Eto pa kuya! Hulaan mo sino nakita ko kanina."

"Sino na naman yan?"

"Yung dati mo pang kaaway! Hay nakuh kuya! Ang ganda! Nka dress sya ngayon. Dalagang dalaga nah. Akalain mo yun. Eh plaging naka jeans yun pag nagsisimba."

"Magkaaway pala kayo nun nak? Akala ko bah hindi ka nangaaway?" tanong ng ama.

"Ayh! Hindi ah! Ano lng, ano...ahhh. eh.." Nalilitong sabi ni Nick.

"Eh kasi Pa etong si Kuya....mmmmmp" Hindi natuloy ni Andrea ang knyang sinabi kasi tinakpan ni Nick ang bibig nito.

"Ano yon?" tanong ng kanlang Ama.

"Wala yun Pa. Maniwala ka dito, chismis lang po alam nito. Tayo na nga."

Pumasok na sila sa kotse ng biglang natigilan si Nick ng may dumaan sa harap nila na kotse, at napatitig sya sa babaeng nasa loob nito.

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon