Chapter 4: AMBER

1.1K 11 0
                                    

"Ok kids, listen. We should be very formal towards every person we encounter. Lalo kana Amber! Please Honey, act your age. Dalaga ka nah,you should all be prompt and proper." Sabi ni Governor Ilgan sa kayang pamilya habang nasa mesa kumakain ng agahan.

"Dad, I know. You always say that." Sagot ni Amber sa ama, na halatang naiinis.

"And Amber, baby. Wag kang mkulit during the mass, sit up straight, chin up, look classy. Huwag yung parang andito ka lang sa bahay." Dagdag ni Atty. Ilacad, Mom ni Amber.

"Mom, I always am." Sagot nito.

"That's not what yaya has been telling us, everytime you go home from church. " Sabi naman ng kanyang Kuya.

"And you dont listen daw sa preach ni father." Dagdag pa ng knyang ate.

"That's not true. I know yaya didn't say that. You are just making that up. You can observe me naman if palagi lang kayong nagsisimba, or kahit andito lang sa bahay." Reklamo nito sa magkapatid. "But you're always not here." Dagdag niya sa isip niya.

"You know we're busy. Andami kailangan gawin sa fim." Sagot ng kapatid na lalaki.

"Okay that's enough. Lets go, and we dont want to be late for the mass." Sabi ng mom nila.

"Grabeh, not this not that, ako nalang palagi nakikita. Whats with this day and they decided to go to church." Napaisip ito.

Sa simbahan...

"Mom, ang early pa.po natin." Sabi ni Amber sa mom niya.

"Hon we have to be here before everybody else does. We have to find a good seat. And kailangan ng Daddy nyo makipag usap sa priest." Sagot ng Mom niya. "Enough with the questions and be ready to face the crowd."

"Mom naman, we are in the church, not some political gathering or something," sagot niya sa Mom niya.

"Amber tumigil ka na. Andami ng nakatingin dito." sita ng kuya nito.

Habang nakaupo sila sa harapan ng simbahan, lumilingon ito sa likod para hanapin ang mga kaibigan. Nakita niya sa may likod si Josh kasama ang Dad niya. Sa kabilang banda nakita niya yun chubby na computer nerd kasama ang parents at ate nito.

Natapos dun yung misa, at dali daling tumayo ang Dad niya at kumaway sa mga taong nasa simbahan. Pinalibutan narin sila ng mga body guards at silay dahan dahang naglakad palabas ng simbahan.

Nang naasakay na sila sa kanilang sasakyan, "Maraming salamat po aking pinakamamahal na kababayan. Mag ingat po kayong umwi. Salamat!" anya ng kanyang ama sa mga taong nasaplibot ng simbahan at nakatingin sa kanila.

"Daddy talaga, matagal pa ang eleksyon Dad." Sabi ni Amber sa sarili. Dahan dahan umandar yung sasakyan ng napansin niya ang kaibigan niya sa may pintuan ng simbahan kasama ang isan babae. "Sino kaya yun, ganda ah! hmpf!" Bulong nito.

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon