FOREVERMORE
Chapter 14: TRUTH
Lumipas ang ilang araw ngunit hindi pa rin nagbago ang pakikitungo ni Sab at Josh sa kaibigan. Kahit anong pilit ni Nick na kausapin sila, lagi itong iniiwas. Kahit makita man sa school, walang ni isa ang nakikipag-usap.
Sa mga araw na lumipas, mas lalong tumitindi ang galit ni Josh sa kaibigan. Alam niyang selfish ang ginagawa niya kay Sab, pero ayaw nya na pati ito maagaw sa kanya ni Nick.
"So, kumusta?" Tanong ni Sab kay Josh, isang araw sa may basketball court ng University.
"Eto subsob sa practice, akala ko magiging magaan na pasanin ko. Mas bumigat pa, Sab." Sagot ni Josh habag nilalaro ang hawak na bola.
"Okay lang yan MVP, ikaw pa bah!" Biro nito sa kaibigan. "Si tito, kumusta?"
"Yun, hindi na kinakausap si Kuya."
"Kakausapin din yun ni Tito. Pano mo ba kasi nalaman?"
"Si Ken... Sinabi lahat sa akin ni Ken noong birthday ni Amber. Hindi na kasi niya matiis na itago lahat. Naalala mo yun ate niya, Sab? Girlfriend pala yun ni Kuya."
"Si Ate Riva, oo nakilala ko yun noon."
"Noong panlimang buwan pa ni Kuya sa states, pinasunod daw niya si Ate Riva dun, sabi dalaw dalaw lang daw. Pinagastosan ni kuya lahat, para makasunod si ate. Tumagal daw ng tatlong buwan si ate doon."
"Hindi nyo lang ba nalaman?"
"Hindi Sab, wala kaming ka-alam alam. Tas pag uwi ng ate ni Ken, ayon buntis na. Si kuya naman, nagpaiwan ng mga dalawang buwan, bago umiwi dito."
"Ha?! Nakauwi na si Kuya? Matagal na si Kuya Justin dito?" Nagulat ito sa narinig.
"Antagal na daw, Sab. Tito na nga ako eh. All those times pinamukhang tanga kami ni Kuya. Ako, lahat ng pressure nakuha ko dahil dapat maging katulad ni kuya, dapat maging magaling tulad ni Kuya. Kuya lahat. Wala ng magaling kay Daddy kundi si Kuya." Sentimento ni Josh. "Kaya ko, Sab eh. Pero si Dad, gumuho mundo niya. Laki ng tiwala ni Dad kay kuya eh."
Tumahimik ang dalawang magkaibigan. Inakbayan ni Sab ang kaibigan at sinandal ang ulo nito sa braso ng binata.
"Okay lang yan, sasaan ba at magiging maayos ang lahat." Sabi ni Sab. "Matanda ka na talaga."
"Matanda?"
"Oo naman, tito ka na eh!" Nagtawanan ang dalawa, kahit sa bigat ng problema, kaya parin tumawa basta may masasandalan na kaibigan. "Dalawin natin minsan si baby."
...
"Hindi na kita pwedeng samahan, Am." Sabi ni Nick kay Amber.
"Bakit naman? Sandali lang tayo, promise." Sagot ni Amber.
"May kailangan pa kasi akong puntahan eh."
"Si Sab na naman, why can't you just let her be. Iniiwasan ka na nga niya, its been what? Three weeks?"
"Kailangan ko siyang makausap, Amber. Kailangan namin ayusin to."
"Eh ayaw na nga nya makipag usap. Last thing I know, sila na ni Josh. She's happy na." Sabi ng dalaga.
"A-ano? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nagulat si Nick sa narinig.
"Like duh?! They've been together ever since, lagi may nakakakita sa kanila na sweet na sweet sa basketball court. Ano pa ba tawag mo dun?"
"Lagi naman magkasama yung dalawang yun." Nick refused to believe na totoo ang sinasabi ni Amber. Kahit alam niya na may possibilidad ito, pero ayaw niyang maniwala.
BINABASA MO ANG
Forevermore (NashLene)
Dla nastolatkówStory of group of friends, intertwined faith and brewing love stories. NashLene JaiLene NLex JaiLex MikAsh MiBi JaiKi KobiLex KobiLene