"Salamat sa tulong ha." Pasalamat ni Nick sa kasama, habang kinukunan ng litrato ang buong school.
"Ayh naku walang anuman." Sagot ni Macy sa kanya.
"Pero bat mo nga ba ako tinutulungan?" tanong nito.
"Mabait lang talaga ako."
"Hmm." Halatang hindi naniniwala.
"Okay sige , aaminin ko na." Hinarap nya si Nick. "Gusto ko lang sabihin na, yung nakita mo nung isang araw sa simbahan, ano yun eh. Ah...."
"Wag kang mag alala, wala akong nakita. Okay?" Sagot ni Nick, tinignan nya si Macy.
"Talaga? Eh kasi, hindi naman eh. Ah ano lang, nahihiya lang talaga ako. Kasi alam mo nah, exclusive school, mayayaman...."
"Ep! Tama na okay." Singit ni Nick. "Wala na nga akong nakita diba, hindi ko na kailangan ng paliwanag." Sagot nito sabay ngiti kay Macy.
"Salamat ha." Tugon nito. "Ang gwapo talaga! Ang cute pang ngumiti, nakaka tunaw!" Sabi niya sa sarili. "Hayaan mo, pagbubutihan ko tong pagiging assistant ko." Sabi niya kay Nick.
"Mabuti pa nga at huling huli na ako sa deadline, baka magalit si Pres."
"Ayh hindi yun, nag papanggap lang yun. Patay na patay sayo yun eh."
"Ah talaga?" Mahinang sagot ni Nick, habang may kinukunan sa malayo.
"Oo naman, andami kayang may gusto sayo dito sa campus, pati nga sa ibang school ang sikat mo kaya." Patuloy ang pagsasalita ni Macy pero parang hindi siya nadidinig ng kausap.
"Hoi Nick! May kausap pa ba ako?" Tanong nito.
"Ha? Eh ano nga yon?" sagot ni Nick, ng nahimasmasan.
"Ang sabi ko sikat ka, ano ba kasi yang kinukunan mo bat parang lutang ka." Sinubukan tignan ni Macy pero umiwas si Nick.
"Ah ano yan ha! Siguro crush ko yan anoh. Patingin ako!" Natatawa na sila pareho at nag aagawan sa camera.
"Wala nga kulit nito." Iwas ni Nick.
...
"Hatid na kita, Amber."
"Ha? Oh sige. Hindi ka pa ba male-late sa klase mo?"
"Ayh wala ako klase sa period na to, mamaya pa." Sagot ni Joshua.
"Ah okay, sige." Naglakad ang dalawa papunta sa direksyon ng room ni Amber.
"Tignan mo yung dalawa oh, ang sweet." Turo ni Joshua sa kaibigan niya sa malayo. "Hala si Nick pala yan, iba talaga tong bro ko na to andaming chicks!" Dagdag nito.
Pagkakita ni Amber na nagtatawanan at mukhang nag eenjoy yung dalawa, biglang nag iba yung mood niya, nag seselos atah, hindi niya malaman kung ano.
"Ah hindi, si Macy yan, ano ka bah!" Iritang sagot nito.
"Ayh oo nga noh, hindi ko alam close pala sila, tawagin ko nga. BR-"
"Wag nah! Tinutulugan lang ni Mace para matapos agad si Nick. Para sa festival next week." pigil ni Amber, "Male-late na ako. Halika na nga." Hinila nito si Josh palayo sa eksenang nadatnan.
"Ah ganun bah, hinay hinay lang naman sa paglalakad Amber. Maaga pa naman."
...
"Hoi Josh, anong ginagawa mo dito sa building na to, diba sa kabila yung klase mo?" tanong ni Sab sa bestfriend.
"Hinatid ko lang si Amber sa room niya."
"Ahh ganun bah," nag iba yung tono ng boses ni Sab. "So kayo na bah?"
BINABASA MO ANG
Forevermore (NashLene)
Teen FictionStory of group of friends, intertwined faith and brewing love stories. NashLene JaiLene NLex JaiLex MikAsh MiBi JaiKi KobiLex KobiLene