Chapter 8: ???

948 12 1
                                    

"Bestfriend ko yan! Whoooo!" Sigaw ni Josh sa bleachers ng pag tayo ni Nick, halatang proud na proud sa kaibigan.

"Sit back, relax and enjoy the rest of the show!" Beamed Macy, ng matapos nyang ma introduce lahat. Umexit sya sa gilid ng stage at naupo upang mapanood din ang video.

Dumilim ang whole gym at nagsimulang mag flicker ang big screen sa harap ng mga tao, hudyat ng pagsisimula ng video.

"Ayan na, ayan na tol. Yung pinaghirapan natin." Sabi ni Ken sa katabing si Nick.

"Oo nga, sana maganda kinalabasan ng kuha ko." Sagot ni Nick. "Pero wait Ken, tanong ko lang, may nakita ka bang-"

"Ayan na tol! Yan nah!" Singit ni Kenjie sa kaibigan, hindi narinig yung huling sinabi ni Nick.

Nagsimulang mag play ang isang kanta sa background...

i may have ran out of songs to sing

i may have ran out of words to say

but all that i want you to know is what i feel for you:

i love you

as endless as forever

our love will stay together

you're all i need to be with forevermore...

Lumalakas ang tibok ng puso ni Nick. Parang may mali. Nagpatuloy pa rin yung music sa background.

"Wow! Yung favorite song ko pa. Galing ah." Narinig nyang comment ni Sab. Sa puntong to tumahimik na ang lahat at nanonood ng na sa video.

"Teka lang, hindi yan..." Natigilan si Ken ng makita ang nasa video.

"Oh my, Tol! Sorry! Wala akong alam dito tol! Ginawa ko lang to para sana ibigay sayo." Paliwanag ni Ken, ngunit hindi na sya marinig ni Nick. Nakatulala lang ito at parang nag slow mo ang lahat.

Nakita nya na lang na natigilan si Sab at halatang nagulat din sa pinapanood.

"Oh my gosh, did you do this Nick?" Anya ni Amber na halatang hindi nagustuhan yung nakikita.

Pero hindi pa din maka kibo si Nick, gulat na gulat sa pinapanood nito. Ang compilation ng mga litrato na kinunan nya kay Sab through the years.

Mga naka ngiti, nka simagot, tawang tawa, at iba pang mukha ni Sab ang naka flash sa screen habang nagpatuloy yung music. May mga kuha din na recent lang, sa sasakyan sa may simbahan, at sa school grounds. Nagsimula na din magbulungan yung audience, yung iba ng cheer, yung iba naman galit.

"Sorry talaga tol." Sabi ni Ken, at dali daling pumunta ng video room, kasama ang President ng student council.

Lumabas si Macy sa gilid at nag sisenyas sa taas nae cut yung video. "Sorry po, uhm medyo may problema lang tayo sa video." Sabi nito sa mic.

"Nick! Ano tong ginawa ko?!" Sabi ni Josh sa bleachers.

Hindi pa rin naputol yung video at patuloy na nag play. Hindi pa rin makakilos si Nick sa kinauupuan, nang mapansin nyabg tumayo si Sab. Tumakbo ito papalayo ng stage. Nagising si Nick sa kanyang state at tumakbo din hinabol si Sab.

"Nick!" Pahabol na sigaw ni Amber.

...

Napansin ni Josh na tumayo at tumakbo si Sab papalayo ng stage.

"Sab!" Sabi nito sa sarili at pinuntahan si Sab.

...

"Sab wait!" Sigaw ni Nick kay Sab ng maabutan niya ito sa gilid ng gym, naglaakad ng mabilis. "Please Sab. Hayaan mo akong magpaliwanag."

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon