Chapter 13: PROMISE

850 20 8
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Reklamo ni Amber ng hinihila siya ni Josh papalayo sa mata ng mga tao.

"Gusto ko lang makausap ka, Am."

"Oh dito nah, dito na tayo mag usap." Sagot nito ng tumigil sila sa isang porch ng bahay. "Tungkol ba saan?"

"Ano na ba ako sayo, Am? Antagal ko nang naghihintay."

"Josh please, wag naman ngayon. Masaya ako ngayong gabi. Wag mo namang sirain."

"Gusto ko malaman, Amber. Wag naman ganito, iniiwasan mo ako eh. Hindi mo ako kinakausap." Lumapit ang binata kay Amber, at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Please, Amber. Wag mo naman akong pahirapan." Dagdag ng binata. Kahit alam na niya ang kahahantungan ng pag-uusap nila, gusto pa rin niyang malaman ang totoo, na galing mismo sa bibig ni Amber.

"I can't, Josh. I'm sorry." Kumalas ito sa pagkakahawak ni Joshua, at lumayo.

"Sino, Am. Sino?" Mahinang tanong ni Josh. Unti-untung nawawalan ng pasenxa si Joshua sa hindi pagsagot ni Amber.

"Si Nick?" Nagsimula nang lumakas yung boses ni Josh. "Si Nick bah, Amber. Sagutin mo ako!" Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan ito sa braso.

"Aray, josh. Nasasaktan ako!" reklamo ni Amber.

"Siya bah!" Sigaw ni Josh.

"OO, si Nick! Matagal nah!" Sagot nito sa binata. "Ngayong alam mo na ang totoo, pwede bah tigilan mo nah ako!"

Hindi na mapigilan ni Joshua ang galit, tinitigan niya ang dalaga, at binitiwan ito. Dali dali itong umalis paputang garden.

"JOSHUA! Saan ka pupunta, bumalik ka dito!" Sigaw ni Amber.

...

"Oh, hija. Magisa ka atah." Tanong ni Gov. Ilagan ng makita niya si Macy mag isa sa isang corner ng bahay, kumakain.

"Ah, hello po Gov. Nasa labas po ang lahat, nag eenjoy, eh nagutom ho kasi, kaya. Eto." Nahihiyang sagot ni Macy.

"Kumain ka lang hija. How are you enjoying the party?"

"Masaya po, bongga nga po eh."

"Mabuti naman, and I see, naging close na din kayo ng anak ko."

"Opo, Gov. Parang ganun na nga."

"Kumusta naman siya sa school, I hope hindi na siya kagaya ng dati mong sabi sa akin."

"Hindi na man po."

"Mabutin naman kung ganoon. Musta yung pagaaral ninyo? Ni amber?"

"Ah, okay naman po yung akin, maintain pa rin po yung grades. Si Amber naman po, ume-excel din po sa design classes niya. Hilig po kasi diba." Pagmamalaki ni Macy.

"Design classes? Anong design classes?"

"Design classes po ni Amber, yung pinalit niya po sa ibang major business class niya. Hindi niyo po ba alam?" Patay malisya nitong sabi sa Governor.

"Sigurado ka ba Macy?" Nagsisimula na itong magalit.

"Opo, Gov. Magkasama po kami ni Amber noong pinalitan po namin yung classes niya."

Napabuntong hininga lamang si Gov. Ilagan.

"Sorry po Gov. Hindi ko po talaga alam, sana po hindi na po makarating kay Amber to." Pagmamakaawang acting ni Macy.

"Maraming salamat hija, huwag kang mag alala, wala kang kinalaman dito."

"Maraming salamat po, Gov." Ngiti ni Macy.

Forevermore (NashLene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon