11:Asaran

104 4 0
                                    

"Huy,sorry"sabi niya

"Dapat kasi tinext mo ko kung hindi matutuloy."mataray kong sabi.

"Eh...nakalimutan ko,sorry"sabay kamut ng ulo.

"Paasa"sabi ko na pabulong.

"Huy, hindi ako paasa" sigaw niyang sabi,napatingin lahat ng mga kaklase namin pati din si Marc nakatingin lang saaming dalawa ni Vince.

"Anong nakakatingin"pasigaw na naman niyang sabi,natakot siguro sila kaya tumingin agad sila sa harap.

Wala pa si Maam, anong oras na...

"Huy, easy joke lang yun"sabi ko.

"Ah ganon, joke lang"medyo inis niyang sabi.
Tumango lang ako.

"Ikaw Amazona"natatawa pa niyang sabi,loko to tinawag niya akong Amazona,hindi dapat ako magpapaapekto.

"Eh, ano ngayon at list tanggap kong Amazona ako,ikaw hindi"medyo natatawa ko rin sabi.

"Ha,hindi naman ako Amazona"

"Sinabi ko bang Amazona"wawa na tao to.

"Eh,ano yung hindi ko taggap itong kagwapuhan ko, asus tanggap ko tong kagwapuhan ko noh."tignan mo to ang kapal ng mukha.

"Hindi yun ang kapal mo"

"Wow ha,ano kasi yun"naiirita niyang sabi

"Paasa" hahaha naasar na ang loko.

"Sabing hindi ako Paasa ang kulit" gigil niyang sabi.

Napa 'tsss' na lang ako.

Sarap inisin hahaha, ang cute niyang mainis lalo siyang gumagwapo hahaha.

----------------------

Vince POV

Hindi talaga to magpapatalo.

"Babe"tumingin ako sa sumigaw,Nicole anong ginagawa niya dito,wala ba siyang klase.

"Babe daw niya"sabi ni Jame ,naiinis yung mukha niya.

"Selos ka?"pang aasar ko.

"Naasar kasi ako sa mukha ng Gf mo"oh talaga baka seyos hahaha.

"Selos ka nga,aminin mo na kasi,gusto mo ko noh?"pang aasar ko padin.

"Yak,kadiri,hindi kita gusto" aw ang sakit.

"Aray ko naman"

"Inaano ba kita?"sambit niya.

"Ang sakit mo naman magsalita"sabi ko,pumunta na ako kung nasaan si Nicole

"Wala ka bang klase?"sabi ko.

"Wala nasa meeting silang lahat"sabi naman niya, may lumapit sa aming isang lady guard.

"Ammm.ano po yun"sabi ko.

"Sir,sasabihin ko lang na walang pasok ngayon,biglaan kasi ng meeting"sambit niya,Sir yung tawag ng mga guard saakin,kilala kasi ako dito sa school.

Sinabi na niya lahat na walang pasok ngayon,kaya nagsiuwian na silang lahat

Lumabas na din si Jame napatingin siya saamin at sinaman kami ng tingin, anong problema non selos siguro hahaha.

"Babe tara punta ka sa bahay namin"pacute niyang sabi.

"Ammm. Next time na lang masakit ulo ko."palusot kung sabi.tinatamad kasi ako ngayon,pero masaya naman ako,ang gulo noh.

"Ok,hatid mo na lang ako" tignan mo to sabi na ngang masakit ulo ko.

"Masakit nga ulo ko diba"inis kong sabi.

"Ok,kiss ko na lang" wow ha,siya ko miss kong gusto niya.

"Vince, tara"sabat ni Ace,oo nga pala may lakad kami.

"Babe akala ko ba,masakit ulo mo"

"Masakit nga siya maghahatid sa akin"buti na lang may naisip akong palosot hahaha,talino ko talaga.

"Ano?"sabi ni Ace,sinenyasan ko siya na sumakay na lang sa palusot ko. "Ah,oo ako na ang maghahatid sa kanya."hay buti na lang.

"Bye"yan nalang nasabi ko.

Tumakbo na kami ni Ace papuntang Parking lot.

"Akala ko ba may lakad tayo?"tanong niya.

"Bukas na lang inaantok ako"sabi ko.

"Ok,"Tipid niyang sabi

"Bakit hindi mo kasabay si Jame"tanong ko.

"Hindi kami bati,sige na una na ko"sabi niya,agad siyang pumasok sa kotse niya at umalis na.

Bakit hindi sila bati, may problema ba silang dalawa,bakit ko to iniisip bahalananga sila sa buhay nila.

sumakay na ako at agad kong pinatakbo
Pagdating ko sa bahay,dumiretso na ako sa kwarto.

Inaantok talaga ako.


............

Comment Share Like



The AMAZONA Girl And The PLAY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon