Chapter 28:Ipinagpipilitan ang nararamdaman.

71 4 1
                                    

Vince POV

Hay 5 days na lang pasko na excited na ko, gusto ko hindi matapos ang pasko na hindi ko makakadate si Jame...Yan yun gusto kong mangyari ngayong pasko.

*bzzzzt*

Tsss sino na naman tung nagtext, pagbukas ko napatulala ako pano kasi si Jame ang ng text.

Fr: Baby Jame <3

Hahaha ok ba pinalitan ko na kasi yung pangalan niya dito sa contact's ko.

Ahmmm Scott kita tayo dito sa Mall ngayon na please.

Ano kayang problema nito, agad agad naman akong tumakbo papasakay sa kotse ko, tutal tapos na akong maligo mabango na ako always naman eh kahit amoy pawis ako hahahaha...

Wala pang 15 mins ay nakarating na ako dito sa Mall.

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita.

"SCOTT" napalingon ako sa likuran ko kung saan nagmula yung sigaw na yun.

Nagulat ako sa nakita ko,lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung Mukha ko tinabig ko naman iyun.

"Ano na naman ba to Angel?" oo siya, siya yung sumigaw sa pangalan ko.

"Easy Scott gusto lang kitang kausapin" nainis ako sa sinabi niya, pinalabas niyang si Jame yun pero siya pala.Pu*angina ano na naman ba kailangan niya.

"Pinalabas mo na si Jame yung nagtext pero ikaw pala tsss ano na naman ba ang kailangan mo" inis kong sabi,

"Dahil alam kong hindi ka pupunta pag ako yung nagtext kaya nakitext ako kay Jame"

" talaga, ano bang kailangan mo ha?" Inis at medyo nasisigaw kong sabi.

kinaladkad ko siya papunta sa kotse ko dahil pinagtitinginan na kami sa loob.

Pinapasuk ko siya sa shotgun sit at lumiko ako para makaupo sa driver sit.

"Inuulit ko ang tanong ko Angel ano ang kailangan mo?" Napapataas na yung tuno ng boses ko.

"Scott gusto kong, makipag ayos at kusto kong ibalik yung dati" naiiyak niyang sabi, hinawakan niya yung kamay ko pero tinabig ko ulit yun.

"Hahaha,nagpapatawa ka ba Angel, ibabalik yung dati, Angel walang ng ibabalik alam ba yun?" nagagalit na ako, gusto kong hampasin tong manubela sa galit.

" Scott please ibalik na natin yung dating tayo yung masaya at nagmamahalan" sabi niya.

"ANGEL HINDI KO NA YUN MAIBABALIK DAHIL AYUKO NA, ANGEL AYUKO NA" sigaw ko na dahil galit na galit na ako.

"Nagagalit ka ba sa akin dahil iniwan kita?"

"OO, MASAYA KANA HA, NASAKTAN AKO ANGEL NASAKTAN AKO" napaluha na ako dahil bumalik na naman yung sakit na nararamdaman ko, galit na galit ako sa kanya, bakit ba kasi siya bumalik.

"Sorry Scott kung iniwan kita, kaya nga ako humihingi ng second chance Scott"

Tumahimik lang ako.

"May pag-asa pa bang maging tayo?" Tanong niya ulit.

May pag-asa pa ba?, kasi tingin ko wla na kasi may iba na akong mahal at si Jame yun hindi siya.

"Sorry pero wla na" napa iyak siya sa sinabi ko at bumaba na siya ng kotse, hindi ko na siya hinabul dahil alam kong nasasaktan na siya.

Naaawa man ako sa kanya pero hindi ko na talaga siya mahal.

Dumiretso ako sa bahay nila Jame.

Pagpasok ko nasa sofa si Kuya Jade at Ace naglalaro ng chess.

"Hi kuya! Dude!" Bati ko sa dalawa.

"Oh dude kapatid ko ba hinahanap mo nasa kwarto niya" sabi ni Ace.

"Umiiscore ka na naman hahahaha" sabi naman ni Kuya Jade.

Natawa na rin ako sa mga pinagsasabi nila, buti pa sila magkasundo, eh kami ni Kuya Patrick hindi.

Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Jame, pagbukas ko, ayon tulog, anong oras na 11:00 am na pero tulog parin, hay nagpuyat na naman siguro to, lumapit ako sakanya, hinawi ko yung buhok na nasa mukha niya at hinalikan siya sa noo.

"Jame sana ako na lang, sana wag na lang siya" pabulong na sabi ko.

Maglalakad na sana ako palabas nung nagsalita siya.

"Ikaw lang Vince, ikaw lang" sabi niya na nakapikit pero alam kong gising siya...

Lumapit ako sa kanya, this time dilat na ang mata niya, nagulat yata siya kasi narinig ko yung sinabi niya...

" anong ginagawa mo dito, akala ko ba umalis kana."

So ibig sabihin gising siya nung sinabi ko yun, ayyy shunga ka Vince nadulas ka,pero naalala ko yung sagot niya.

"Ano ulit yung sinabi mo kanina?" Tanong ko, hindi siya kaagad nakasagot.

"A-ah w-wala a-akong sinabi ah, umalis ka na nga maliligo pa ako" sabi niya, tinulak niya ako palabas sabay sarado ng pinto niya, natawa na lang ako ayon na eh dinenay pa niya, baka hindi naman niya sinabi yun baka nabingi na naman ako.

Bumaba na ako at nagpaalam na sa kanila, hindi ko nakita si Angel siguro nasa kwarto niya....

Umuwi na ako, diretso akong pumasok papunta sa kwarto ko at humiga.

Maliligawan din kita Jame, hintay lang sana totoo yung narining ko kanina sana...

___________

Jame POV

Shit nakakahiya yung sinabi ko kanina, sinabi ko ba yun, ganito kasi yung nagyari, ididilat ko nasa yung mata ko pero naramdaman kung mayhumawi sa buhok at hinalikan ako sa noo...

Tsaka ko lang nalaman na si Vince yun dahil narinig ko yung sinabi niya, sana totoo yung mga sinabi niya...

Pero na tatakot ako na, baka pagsinabi ko sa kanyang mahal ko siya baka masaktan lang ako.

Hindi ko alam kung bakit o dahil may past sila ng pinsan ko, at ramdam kong Mahal parin ni Angel si Vince, sa bawat, pagtitig niya kay Vince alam ko na mahal parin niya si Vince....

Pero kung mahal din niya ako, ipaglalaban ko kahit na pinsan ko na yung kalaban ko...

Lumalalim at lumalamin na itong nararamdaman ko para kay Vince....

--------------------

Yun oh, hahaha nadulas yung dalawa kaya lang ayaw nilang aminin, hayyy love talaga.

Try niyo ngang hanapin si X hahaha joke...

Sorry po kung matagal na po akong naguupdate, busy lang po kasi sa study....Siguro pag dina ko gaano busy mas mabilis ng mag update....

Thank u po sa mga nakakaunawa...

Love u all

The AMAZONA Girl And The PLAY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon