The Same day.Jame POV
Kasalukuyang nagbibihis kami ngayon, pupunta kasi kami kila Vince...
"Jame bilis malalate na tayo" sigaw ni kuya Ace mula sa baba
Ako naman nagmadalinang bumaba naka dress lang ako ng kulay pink at flat shoes.Ako na lang pala ang hinihintay nila, napa tingin ako kay Angel ang ganda niya simple lang pero ang ganda niya.
"Tara na?" Sabi ko, nauna na akong lumabas at sumakay sa kotse ni kuya Ace, sumunod na rin sila
Si kuya Jade ang nagdrive ako sa shotgun seat dun sa likod sila ate.
Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay nila Vince, parang sinasaksak tong puso ko, ngayon ko na sasabihin yung pinagusapan namin ni Ange natatakot akong masaktan.
"Jame ok ka lang ba?"
Napalingon ako kay kuya Jade
"Ha? Ok lang nama ako kuya bakit?"
"Kanina ka pa kasi tahimik"
"Oo nga jame ok ka lang ba?"tanong din ni Ate.
"Ok lang ako"
Sabi ko hindi na ulit sila nagsalita kasi nandito na kami kila Vince.
Naunang bumaba sila ate, hindi muna ako bumaba dahil gusto kong pag isipan ng mabuti ang gagawin ko kung magiging selfish ba ako o hindi.
"Jame baba na" sabi ni kuya Ace na kumatok pa talaga sa window ng kotse.
Bumaba na ako at sumunod kay kuya Ace.
"May problema ka ba?" Tanong ni kuya, huminto muna kami saglit sa pinto.
"Ha? Wala kuya tara na"
Ako na ang unang naglakad nakakahalata na sila sa akin, Angel kasi...
Dumiretso kami sa living room
Nakita kong nakaupo sila at nagkukwentohan, si Ate Nathaly parang may iniisip...Tapos si kuya Jade magka hh pa sila ni Ate Faye, yup alam kong sila actually sinabi sa akin ni kuya Jade.
Si Angel naman katabi si Ate Nathaly.
"Oh andito na pala si Jame" sabi ni ate,tumayo yung lalaking kamukha ni Vince mas matanda sa amin parang ka edad lang ni Ate.
"Hi Jame, I'm Patrick kapatid ni Vince!" Sabi niya at nilahad niya yung kamay niya kinuha ko naman iyon at sabay sabi ng.."hi kuya I'm Jame"
"Upo ka?"
"Thank u kuya" sabi ko,umupo ako sa tabi ni Angel. tumayo naman si Ate Faye at lumapit sa akin, tumayo naman ako.
"Hi Jame ang ganda mo" sabi niya sabay Yakap sa akin niyakap ko rin siya pabalik.
Pagkalalas namin umupo na ako ganon din siya.
"HI GUYS" bungad na sabi ni Vince, pagkakita ko pa lang sa kanya parang unting unti ng nadudurong tong puso ko.
Ano ba yan Jame kung makaasta ka naman hindi ka mahal ni Vince, ikaw lang ang nagmamahal sa kanya."Ang ingay mo" sabi ni ate Faye sa kanya sabay bato ng unan buti na lang nasalo niya.
Umupo si Vince sa tabi ko pero umalis ako para makapagtabi sila ni Angel. Nag smile lang ako ng pilit sa kanya
BINABASA MO ANG
The AMAZONA Girl And The PLAY BOY
РазноеSinong Amazona o Play Boy sa inyo?hahaha The Amazona-alam kong maraming taong Amazona,lumalaban sila pag inaapi sila,kahit na Amazona sila may kinakatakutan din tulad ni Naryl Jame Dela Cruz,maldita/Amazona siya pero may kinakatakutan din. Meron din...