7:Muling Pagkikita

109 6 0
                                    

"Ikaw?"sabi ko,Tinitigan lang niya ako.

"Jame ikaw ba yan?"nagtataka niyang tanong.Naalala pa pala niya ko akala ko nakalimutan na niya ko.Ako hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin.

"It's Naryl not Jame"sabi ko nakatingin lang ako sa mata niya.

"Pero Jame yung tawag ko sayo noong tay---"hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Noon lang yun iba na ngayon"sabi ko.

"Bakit Jame, bakit ako noon hanggang ngayon mahal parin kita"ha ano daw mahal niya ko kalokohan...pinagpustahan lang nila ako.

"Minahal mo ba talaga ako?"habang sinasabi ko yun may luhang tumulo galing sa mata ko.

"Minahal kita Jame"kahit siya may tumutulo na rin luha galing sa mata niya.

"Kalukuhan,pinagpustahan niyo lang ako yun ang totoo hindi mo ko minahal"inis kung sabi habang patuloy parin yung paghagos ng luha ko

"Jame maniwala ka"

"Ako maniniwala sayo para saan ha...para saan"pasigaw kung sabi, nakatingin na lahat ng tao saaming dalawa dito sa mall,wala akong paki alam kahit na pinagtitinginan na nila kami.

"Jame minahal kita,oo pinagpustahan kanamin na liligawan kita at pagnapa iibig na kita hihiwayalan na kita para daw masaktan ka, nong nagsimula na akong manligaw sayo yung araw araw na pagkasama kita narealized ko na napakabutimong tao Jame simple kalang walang kaarte arte sa katawan unti unti akong nahulog sayo,gusto ko ng ipatigil yung pustahan pero huli na pala nalaman mo na."sabi niya habang patuloy padin tumutulo yung luha niya ganon din ako.

"Ngayon tatanongin kita mahal mo pa ba ako?"sabi ko

"Jame walang araw na hindi kita inisip" sabi niyA "ikaw Jame mahal mo pa ba ako"ang hirap sagutin ang tanong niya kasi mahal ko na si Vince.

"Ang hirap Marc, ang hirap tanggalin yung sakit na dinulot mo sa akin ang sakit,kung sasagotin ko yan hindi ko alam"

"Bakit hindi mo alam?"

"Kasi mahal ko na si---"hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nung may yumakap sa akin.

"Ok ka lang Jame?"napatingin ako sa kanya si Vince yung yumakap sa akin bakit niya yun ginawa."tama na ok"pinunasan niya yung luha ko gamit yung dalawa niyang kamay.

"Jame siya ba yung dahilan kaya hindi mo alam"tumingin ako kay Marc.Hindi ko na kaya,hinila ko na si Vince palabas hindi pa kami nakakalayo hinawakan niya yung braso ko"Jame sabihin mo naman plsss."

"Bro plsss wag ngayon"sabi ni Vince, agad niya ako hinila papunta sa kotse niya.Pumasok na ako sa kotse niya na una na daw si kuya pati yung gf niyang malandi umupo ako sa harap sa tabi niya.

"Sino siya"seryoso niyang sabi.

"Ahh...wala yun."sabi ko habang nakatingin ako sa bintana, siya nakatingin lang sa akin.

"Anong wala nag iyakan nga kayo"seryoso pa din niyang sabi kahit hindi ko siya tignan sa boses pa lang niya nag aalala na siya,bakit namam siya maalala sa akin.

"Gusto mo bang malaman yung too"sabi ko

"Oo gusto kung malaman"

"SIYA YUNG TAONG NANAKIT SA AKIN"pasigaw kong sabi."masaya kana na nalaman mo na yun ano pang itatanong mo?."

"Bakit sinasabi niya na ako daw ba yung dahilan kaya hindi mo alam, hindi ko gets."

"Kasi...wala yun".nag aalinlangan akong sabihin sa kanya ayukong malaman niya.

"Ok"cool niyang sabi,pinaandar na niya yung kotse at nagsuot na siya ng headset, anong problema nito.

Tahimik lang kami pareho ni Vince na alala ko na naman yung kanina bakit pa ba siya bumalik ngayon lahat ng sakit na nadinulot niya...

"Andito na tayo"minulat ko yung mata ko hindi ko pala namamalayan na nakatulog na pala ako.

"Thank you"bumaba na ako,pumasok na ako sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto, bagp pa ako makapasok may humawak sa braso ko.

"Naiwan mo"ah yung phone ko buti nalang.

"Thanks"naglakad na siya palabas.

"Jame puwede ba tayong mag usap"sulpot ni kuya Ace

"Tungkul saan?"

"Kay Nicole"kay Nicole bakit niya ako kakausapin tungkul sa kanya.

"Kay Nicole" natatawa kong sabi

"Galit ka ba sa kanya"seryoso ba siya.

"Ano"natatawa kong sabi.

"Jame kanina nakita ko na galit ka naiinis ka"

"Oo kuya galit at naiinis ako sakanya."

"Bakit jame anong ginawa niya sayo"seryosong sabi niya.

"Kasi galit ako sa mga malalandi"nanlaki ung mata ni kuya sa sinabi ko.

"Ano, hindi malandi si Nicole"

"Haa talaga lang gaano mo ba siya kakilala"

"Matagal na nung naging sila ni Vince"ano ??"kaya alam kong hindi siya malandi".

"Oo na, kampihan mo na lang siya"galit kung sabi.Pumasok na ako sa kwarto ko at sinara ko ng malakas yung pinto.Haaa

"Jame sorry"sabi ni kuya.Hindi ko siya sinagot humiga na lang ako,haaa magsamasama kayo...

Minulat ko yung mata ko nakatulog na pala ako tinignan ko yung whole clock 7:00 pm,gabi na pala.Bumangon ako at bumaba.

"Jame kain na"sabi ni kuya Jade.

"Wala akong gana"sabi ko

"Ano sayang yung niloto ko"

"Kuya wala talaga akong gana"

"Ok don kana sa sala nandon na sila ate"

"Ok"pumunta na ako sa sala nandon si ate at si kuya Ace.Hindi ko pinansin si kuya umupo lang ako sa tabi niya baka kasi makahalata si ate.

"Oh Jame nandiyan ka pala"sabi ni ate

"Hindi, andon ako"sinaman niya ako ng tingin"joke lang"

"Nahawa kana yata kay Ace"ano kay kuya nahawa ako.

"Hindi"sabi ko. Tumayo na ako.

"Sanka pupunta"sabi ni ate.

"Don sa dinning room,gutom na ko."sabi ko sumunod naman si kuya Ace sa akin gutom na rin daw.Kumuha na ako ng kanin at ulam ganon din si kuya Ace.

"Bad mode kayo pareho"sabi ni ate sumunod pala siya,hindi kami sumagot ni kuya."conpirm bad mode nga"dagdag pa niya umalis na si ate pumunta na siya sa kwarto niya.Kami na lang dalawa dito.

"Jame sorry na"pagmamakaawa ni kuya.

"Wala na akong gana"umalis na ako ng tuluyan pumunta na ako sa kwarto ko,inaantok na ako may klase pa ako bukas.




The AMAZONA Girl And The PLAY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon