Chapter 27: Sorry ka, Akin siya

70 3 0
                                    

Vince POV

"Oh,dude andito ka pala" bulag ba to o nagbubulagbulagan nakita na nga ako dito eh...

"Oo, ah Jame usap tayo saglit" sabi ko kay Jame, tumayo naman siya agad at sumunod sa akin, lumabas kami ng bahay nila, sumandal ako dito sa kotse ko.

"Ano yung pag uusapan natin" tanong ni Jame sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin...

"Wala naman, gusto lang kitang masulo" sabi ko...

"Wla naman pala eh, dun na ako sa loob, baka mainip si Marc" sabi niya, so pinapamukha niya sa akin na mas importante si Marc...

"Tsss,sige puntahan mo na" sabi ko, sasakay na sana ako sa kotse ko ng magsalita siya.

"San ka pupunta?" Bahalaka dun ka sa Marc mo kainis...

"Dito lang ako sa loob magpapalamig" sabi ko na hindi nakatingin sa kanya...

Pumasok na siya sa loob, hay Jame manhid ka ba bakit hindi mo alam na nagseselos ako naiinis ako pagnakikita kitang kasama siya...Ano Vince tutnganga ka lang diyan gumawa ka ng move oy...

Pumasok na ako sa loob sakto naman na paalis na si Mokong...

"Aalis kana?" Tanong ko, labag man sa kalooban ko pero tinanong ko na lang.

"Oo eh, nagtext kasi si Mia nandon na sila Mama" salamat naman, sorry ka bro solo ko na si Jame.

Lumabas na siya, hinatid pa talaga ni Jame tss

Bumalik na rin si Jame at umupo sa tabi ko, ako naman umakbay siyempre dumadamoves eh hahaha.

"Tara dun kain na daw tayo" sabi ko kay Jame tinanggal ko na yung pagkakaakbay ko sakanya at hinawakan ko kamay niya...

Umupo na kami sa upuan magkatabi kami ni Jame siyempre hawak kamay eh hahaha hindi mapaghiwalay eh, wla naman nakapansin sa kamay namin hahaha.Nagkatinginan kami ni Angel oww andito na pala siya hindi ko man lang nakita, umiwas na ako ng tingin...

Tinanggal ni Jame yung magkahawak na kamay namin, siguro para maka sandok siya sa pagkain...

Sina Mama at ate ayon nagkukwentuhan habang kumakain...

Si Kuya Jade , Ace at Angel nagkukwentuhan din kami lang ni Jame yung tahimik...

"Jame tara dun" nguso ko sa sofa, tumango naman siya...

"Ah, Guys dun muna kami ah" sabi ko,

"Hahaha, Vince umiiscore ka no?" Lokong tanong ni Ace

"Letce hindi ah" sabi ko

"Sama ako" singit naman ni Angel nyemas naman oh andami namang epal dito...

Nauna na kami ni Jame dun sa sofa, kinuha rin namin yung mga pagkain namin...Sumunod naman si Angel. Ako katabi ko si Jame nasa harapan namin si Angel...

"Angel magkwento ka naman tungkol sa inyo ni Vince" jame halikan kaya kita..

"Ok lang ba Vince?" Tanong ni Angel tumango lang ako.

"Oy pumayag siya, eto ah pano kayo nagkakilala?" Yun yung unang tanong ni Jame

"Ahhhhm, sa School namin noon, naalala mo Naryl nung dito ako nag aaral, pero magkaiba tayo ng school, sa school na yun don kami unang nagkita sa may garden noon at dun ko rin siya sinagut" oh naalala pa pala niya, ni ako nga hindi ko na maalala, nakikinig lang ako sa kanila.

________________

Jame POV

Taragis naman oh ano bang pumasok sa isip ko at tinanung ko yun, masasaktan lang ako eh...

"Pano naman kayo naghiwalay?" Tanong ko ulit gusto ko lang kasi malaman eh kahit alam kung masasaktan ako...

"Dahil mas pinili niya yung Future niya kesa akin" sabat ni Vince, tumayo na siya at lumabas na...

"Angel excuse ah" sabi ko tumango lang siya...

Sinundan ko si Vince nasa may garden siya, umupo ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya

"Sinundan ka, Vince sorry"

"Ha?,bakit ka nagsosorry"

"Kasi tinanong ko yung past niyo ni Angel" sabi ko tinignan niya ako kaya bumilis yung tibok ng puso ko,tinititigan lang niya ako...

"Ok lang, past na naman yun eh" sabi niya sabay iwas ng tingin

"Vince, mahal mo pa ba yung pinsan ko?" Eto na naman ako eh sa tanong tanong nayan na ikakasakit ng puso ko...

"Hindi na kasi May mahal na akong iba." Napatahimik ako sa sinabi niya, sana ako nalang yung mahal mong iba Vince sana...

__________________

Angel POV

Nasaktan ako sa mga sinabi ni Scott ibig sabihin, hindi na niya ako mahal sht kasalanan ko rin naman eh kung hindi ko pili yang future na yan sana ako parin...

Kung sino man yang mahal na iba ni Scott papalitan ko, ako ang papalit ako ulit ang mamahalin niya... ako ulit sorry kung sino kaman namahal ni Scott ngayon,dahil akin lang siya

Evil smile

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nako Angel bakit mo kasi siya pinakawalan yan tuloy wala na siya sayo wawa kanaman move on Girl hahahaha..

Vote comment share...

The AMAZONA Girl And The PLAY BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon