MPML Book 2 (13)

3.5K 86 6
                                    

Marcus's POV

Pangalawang araw ng pagtututor sakin ni Medusa, nandito na naman ako sa office nya at late na naman sya. Paano ako nakapasok? I used a pin and played with her doorknob. I didn't actually thought it would work but it did. Kaya eto, nakaupo ako sa upuan nya habang nakade-kwatro at nagaantay sakanya.

Lahat na ata ng nandito sa ibabaw ng desk nya pinakailamanan ko na dahil boring na boring na ko. Pati drawers nabuksan ko na lahat pero mga papel lang nakita ko pati mga lesson plan, wala kong makitang gamit na pagiinteresan ko gaya ng diary ni Medusa o kahit ano wala talaga. Parang hindi nga ata sya nagiiwan ng gamit nya dito.

*SIGHED*

Sumandal ako sa upuan ni Medusa at pinatong yung mga paa ko sa desk nya. Tiningnan ko pa yung relo ko at nakitang magiisang oras ng late yung babaeng yun.

Ayaw na ayaw ko sa lahat? Yung pinagiintay ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko kasabay ng pagsipa ko sa desk dahil bwisit na bwisit ako. Pagkasipa ko, isang matining na bagay yung narinig kong nalaglag mula sa desk o kung san man yun nakalagay. Sinilip ko yung ilalim ng desk at may nakita akong necklace. Silver necklace sya na may pendant na crown. I wonder kung kay Medusa yun. Pinulot ko yun at tinitigan ng mabuti ng may makita akong maliliit na lettering sa likod ng crown.

"I will always be here, Ms. Briones."

Basa ko sa lettering. Huh, hindi nya to binili. May nagbigay sakanya nito, iniisip ko kung sino kaya nagbigay nito sakanya.

*Door opens*

"I'm sorry I'm late, Mr. Salva---What are you doing?"

Tinago ko agad sa bulsa ko yung kwintas at humarap sakanya.

"W-wala po Ma'am! Naipit lang yung daliri ko kaya sinisilip ko hehe."

Tiningnan nya ko na parang nagdadalawang isip sya kung paniniwalaan nya ko.

"How did you get in here?" Tanong nya habang nakacrossed arms sya.

"I uhh...used a pin? Ang tagal nyo kasi nangangalay ako umupo kaya binuksan ko na office nyo atleast dito may mauupuan ako habang nagaantay sainyo."

Teka bakit ako nageexplain dito e sya 'tong late?!

"Late na naman kayo. Kung ayaw nyo kong turuan, sana sabihin nyo nalang hindi yung pinagaantay nyo ko sa wala."

Nilagay ko sa mga bulsa ko yung mga kamay ko bago naglakad palabas ng pinto.

"I got caught in the traffic, I'm sorry." Mga salitang nakapagpatigil sakin maglakad palabas ng office nya.

Napangiti pa nga ko dahil nagsorry sya sakin. Dude, the popular Medusa in campus just apologized to me. Kung journalist ako, headline ko agad yan sa school paper.

Dahan dahan ako sakanyang humarap at nagcrossed arms sakanya.

"Magpromise muna kayo na bukas hindi na kayo malalate." Sabi ko habang nakikipagtitigan sakanya.

Inirapan nya ko pero nagsalita naman sya agad.

"Fine. I won't be late tomorrow."

"Nasaan ang promise dun?"

Tinaasan naman nya ko ng kilay.

"I won't be late tomorrow...I promise."

Pagkasabi nya ng 'I promise', hindi ko mapigilang hindi ngumiti sakanya.

"Ugh, just sit down Mr. Salvatore"

Umupo sya sa desk nya at sumunod naman agad ako sakanya. Umupo ako sa harapan nya at ngumiti na parang bata.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon