MPML Book 2 (36)

3.4K 85 11
                                    

Marcus's POV

Nakasandal ako sa harapan ng building 1 kung san malapit sa entrance. Lahat ng babaeng nadadaanan ako, nagha-Hi sakin, kundi magha-Hi kikindatan ako sabay kagat labi. Nginingisaan ko lang sila, hindi naman kasi sila yung dahilan kung bakit ako nakatayo dito. Ngayon yung unang araw na papasok yung anak ni Medusa, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may anak na pala sya.

Sa ganda at ganda ng katawan nya, hindi mo pagiisipan na nanganak na sya. Mas may kurba pa nga yung katawan nya kaysa sa mga estudyanteng babae dito. Nasa loob ng bulsa ko yung mga kamay ko habang nakayukong nagaantay kay Andrea. Iniisip ko palang na ilang minuto nalang papasok sya sa entrance, kinakabahan na ko. Dati kay Medusa ko nararamdaman to, pero ngayon parang nalipat na sa anak nya. Ba't ba kasi ang gaganda nila? Tsaka sino ama ni Andrea? Pumasok na sa isip ko na baka si Dad pero impossible.

Nakaramdam na ko ng panlalamig ng dumating na sa entrance si Medusa, she's really are pretty but not as pretty as her daughter. Kung maganda si Medusa, doble pa yung napasa nyang ganda kay Andrea. Nginingitian nya lahat ng makakasalubong nyang estudyante, bagay na bagay sakanya yung uniform ng campus. Sosyalin ang design ng uniform ng PATS lalo na sa mga babae, pero ngayon lang ako nagandahan ng sobra dahil si Andrea nagsusuot nun.

Naglakad ako papalapit sakanya pero bago pa ko makadikit sakanya, humarang bigla si Medusa.

"What is it, Mr. Salvatore?" Tanong nya.

Nasa likod nya si Andrea, sinusubukang sumilip ni Andrea pero hinaharangan sya ng nanay nya.

"Uh, I just wanna say to Andrea, Ma'am." Kamot ulo ko pang sabi.

"She said Hi to you too, now run away Marcus."

Damn, Medusa is really are strict.

"Mom, let me see who is it--- Marcus!" Parang batang sumisilip si Andrea sa likod ng nanay nya.

Nagwave sya sakin na kinagulat naman ni Medusa.

"You too knew each other?"

"Um.." Nagkakamot padin ako ng ulo ko.

"Yes, Mom. Sya yung unang nakilala ko dito nung hinahanap ko yung office mo." Sagot ni Andrea.

Pinagtitinginan ng mga lalaki si Andrea, nagbubulungan may mga nagsisikuhan pa. Alam ko balak nila at hindi ako makakapayag na makalapit sila kay Andrea. Tiningnan ko sila ng masama, tingin ko palang alam na nila. Nagsi-alisan sila sa likod ni Andrea na ikinatuwa ko naman, makita ko lang ulit na lapitan nyo si Andrea sisigaraduhin kong hindi kayo makikilala ng mga magulang nyo pag binugbog ko kayo isa isa.

"I see, alright let's go Andrea ihahatid pa kita sa room mo."

Paalis na sila ng tanungin ko pa si Medusa.

"Anong section ni Andrea, Ma'am?"

"Class 26-15, you guys are blockmates."

Para namang nagdiwang yung mga kalamnan ko sa sinabi nya. Blockmate ko si Andrea, ayos!

"Let's go, Andrea." --Medusa

"See you, Marcus." She smiled at me.

Yung ngiti na ata nya ang pinakamatamis sa lahat. Iniwan na nila ako at sabay na silang umakyat ng hagdan. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti mag-isa sa kinatatayuan ko, nagsisimula palang yung araw ko parang binuo na nya agad. Tumalikod ako para bumaba sa cafeteria ng matanaw ko na agad sila Steven, Mitch, Flynn at Ria. Isa na sa grupo namin si Ria, sya ang prinsesa namin ika nga.

"Yo bro!" Kaway ni Steven, lumapit narin ako sakanila.

"Aga mo ata?" -Mitch

"May inasikaso lang." Pagdadahilan ko.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon