MPML Book 2 (74)

2.6K 73 6
                                    


Andrea's POV

An hour earlier..

Matapos ko magbigay ng maikling speech sa mga bisita, pinaupo ako ng host sa upuang napapalibutan ng mga bulakbulak at may dalawa pang nagsisilbing kawal sa gilid ko. Hindi pa tuluyang nagsisimula ang party pero pakiramdam ko kumpleto na ang birthday ko. May spotlight na nakatutok sa akin habang nagsimulang palibutan ako ng labingwalong kababaihan.

Tulad ng nirehearse namin, this must be my 18 candles girls including my blockmates, friends, at syempre hindi mawawala si Ria.

Every one of them gave an inspirational message to me. Ramdam na ramdam kong espesyal ako ng mga segundo yun habang pinapakinggan ang bawat mensahe nila. Masaya at puno ng galak ang nararamdaman ko habang nakikinig sa kanila pero bawat lingon ko sa mga bisita, isang tao lang ang hinihiling kong makita.

"I know we didn't get along that much nung unang dalawang linggo na nagtransfer ka dito, parehas pa nga tayong dinala ni Ninang sa diciplinary office. Kung may pagsisisihan man ako bilang kaibigan mo, yun na ata ang pinakanangunguna sa listahan ko. My reason was pretty lame to hate someone who used to be my friend and I really am sorry for all I've said and done to you. Tapos na yun para sayo, nangyari na ang dapat mangyari pero sakin hindi sapat ang sorry lang kaya kahit matrabaho, kahit isabay ko ang mga schoolworks sa paggawa nito minabilis ko na. It's not much but I hope you'll treasure this."

Si Ria ang pinakahuli sa 18 candles ko. Lumapit siya sakin na may dala dalang scrapbook. It's overly design with all our pictures together since we were kids, bubuksan ko na sana pero pinigilan niya ako sinabing sa bahay ko nalang buksan.

"Maraming pages yan baka abutin ng umaga 'tong party mo pag nagkataon." Bulong pa niya sabay beso at yakap niya sa akin bago umalis.

Nagpalakpakan silang lahat habang mangiyak ngiyak ako sa mga messages na natanggap ko. Didn't know na ganun ako ka-espesyal sa kanila. Even my former classmates nung highschool nandito lahat. Why on earth na lahat sila nandito pero siya hindi?

May mga palarong nangyari pero dahil mga nakagown at mga formal ang kasuotan nila, hindi nakakapagod ang ilang games at hindi nakakahagard. Nagenjoy ako sa lahat, may mga sayawan din at syempre kainan dahil mga nagutom sila sa ibang games.

11 pm. 1 hour to go at tapos na ang birthday ko. 18 roses nalang at cotillion ang natitirang main event at uwian na. Kabilang siya sa 18 roses ko but why am I worried na parang wala siya dito? He's actually my 18th rose, panghuli kasi nga espesyal siya sakin. What if pag 18th rose ko na wala pala siya?

"Hey." Humarap agad ako sa tumapik sa balikat ko, hoping na siya na yun pero si Dad pala.

"Hey dad." Inikot nya ako para maisayaw.

"He's here stop worrying." He whispered while we're slowly dancing. Naexcite ako kaya humarap agad ako sakanya at tinanong kung nasaan.

"You will see him but before that can I just dance with my daughter? Your dad's getting jealous." He pouted. Natawa ako kaya niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Dad, you will always be my King."

"Ok then, the King's madly jealous." Kung kanina ang lungkot ko, ngayon hindi na mapawi yung ngiti ko dahil sa pagbibiro ni Dad. I hugged him tight and asked kung nasaan si Mommy.

"Where's Mom?" Inikot niya ako kung saan nakaupo si Mama at kasalukuyang kumakain.

"That's a lot of plates. Do you think she's getting fat?" Natawa siya sa tanong ko.

"Yes she is, but don't tell her that. We are already experiencing Medusa's wrath in the house. Telling her she's fat might forced her to evolve." Parehas kaming nagtatawanan ni Dad ng magsalita ulit ang host at pinapabalik na ulit ako sa trono ko sa harapan.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon