MPML Book 2 (24)

3.3K 92 3
                                    

Naglalakad ako sa hallway paakyat sa office ko ng gulatin ako ni Marcus.

"BAH!"

*PAK!*

Pinagtinginan kami ng mga estudyante sa hallway habang hawak hawak naman nya yung ulo nya.

"Marcus! Tingnan mong ginawa mo!"

Yep. Ako pa talaga naninisi.

"Ako pa? Kayo nga tong nambatok ng pagkalakas lakas!" Sigaw din nya. Alam ko, lumulusot lang naman ako.

"Kung hindi mo ko ginulat hindi ka babatukan! Ano may dugo ba?"

Alam ko OA para magtanong kung may dinugo yung pagkakabatok ko sakanya, usually kung si Travis sya at ginulat ako ganon sisipain ko pa yun eh. But in this case, estudyante ko sya at Proffessor nya ako. Trabaho ko ang mag-care sa mga impokrito kong estudyante kahit siraulo o loko loko pa ang mga yan.

Lumapit ako sakanya para silipin yung ulo nya pero wala namang dugo. Bukol, bukol ang meron. Lagot.

"Tsk. Come with me to the office right now." Sabi ko habang hawak hawak ko pa yung ulo nya.

Pagdating namin sa office, napatayo naman agad si Yuji ng makita nya si Marcus at nakahawak ako sa ulo nya. Lumapit sya agad samin at tiningnan yung ulo ni Marcus. Yung kaninang hugis jolen lang na bukol nya e naging ka-hugis na ng Ping pong ball ngayon. Ganun ba kalakas yung batok ko?

"What happened?" Tanong ni Yuji habang kumukuha sya ng Icepack sa mini-fridge namin at nilagay yun sa bukol ni Marcus sa ulo nya.

"Ginulat nya ko, nabatukan ko tuloy. Ako na." Sabi ko habang inaagaw ko kay Yuji yung Icepack sa kamay nya.

Tutal kasalanan ko, ako na magmamagandang loob.

Tinititigan pa ko ni Yuji ng magdikit yung kamay namin pero hindi ko na sya pinansin.

"Marcus, ano ba namang pumasok sa utak mo at ginulat mo ang Professor mo?" Sermon ni Yuji.

Ganyan pala sya manermon haha. Wala lang natawa lang ako.

"Biro lang naman yun, Dad. Malay ko bang malakas pala mangbatok yan si Ma'am. Malaki siguro braso nyo, Ma'am no? Pang-sumo?"

Sa sinabi nyang yun, diniinan ko yung Icepack sa bukol nya.

"Aray!!!" Loko loko e.

"Napaka-maloko mo kase, Marcus." Sabat ni Yuji.

See? Parehas kami ng iniisip.

Wait what, parehas kami ng iniisip?

"I can take it from here, Charlotte." Sabi ni Yuji ng lumapit sya para kunin yung Icepack na hawak hawak ko sa ulo ni Marcus.

"Hindi na ok lang, ako na."

"No, kalokohan yan ng anak ko kaya ako na." Hinawakan nya yung Icepack, means nahawakan nya rin yung kamay ko.

Para ako naman yung tinutubuan ng bukol ngayon. Bukol sa puso.

"Let go, Yuji. Ako na kasalanan ko naman e."

"No, you let go Charlotte. Alam ko namang may gagawin kapa."

Pinipilit nya paring kunin yung Icepack pero ayokong ibigay yun. Sinabi na kaseng ako na diba?

"I don't have things to do, nagawa ko na lahat kahapon. Let go."

"Oo nga naman, Dad wala naman na syang gagawin. Si Ma'am nalang." Sabat ni Marcus habang nakangisi.

"Shut up, Marcus." Singhal ni Yuji kaya napawi naman yung ngiti ng anak nya.

"Give it to me, Charlotte."

"No, I said I can do it."

Nagkakatitigan na kami ng dahil lang sa agawan ng Icepack sa ulo ng anak nya. How immature is that?

"Really, Charlotte nakakahiya sayo, ako na." Humigpit yung hawak nya but this time, kamay ko yung nahihigpitan nya at hindi yung Icepack.

Yung totoo, Yuji. Ano ba gusto mong kunin? Yung kamay ko ba o yung Icepack?

"Let go, Yuj--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng tumayo bigla si Marcus at hinawakan yung Icepack sa ulo nyo.

"AKO NA! BWISET!" Kasabay nyang kinuha yung bag nya at bagsak nya ng pinto paglabas nya.

Napatingin ako kay Yuji at tiningnan sya ng seryoso.

"Really, Yuji? Will you stop what you're doing?"

Seriously, these past few days he's been acting too kind and fragile when it comes to me. And it bothers me. A LOT.

"What do you mean?" Tanong pa nya.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sofa at hinarap sya.

"Yang ginagawa mo simula pa ng unang araw na bumalik ka dito. Hindi na tayo tulad ng dati, Yuji. You can't just act like that. Y-you just can't."

Dinaanan ko lang sya para maupo sa desk ko pero hinawakan nya yung kamay ko.

"Charlotte." He said that with his husky voice. Nagsitayuan naman yung mga balahibo ko ng maramdaman kong hawak hawak nya yung kamay ko.

Syempre, nagpumiglas ako.

"Yuji, anong ginagawa mo?" Tiningnan ko sya na parang gulong gulo ako sa lahat ng pinaggagagawa nya.

"Ano Yuji, sumagot ka dahil hindi kita maintindihan. You just held my hand, you can't just do that anytime you want. Hindi na tayo tulad ng dati plus may anak kang nakakakita ng ginagawa m--"

"I care about you, Charlotte."

Nakatingin sya sakin, yung labi nya, yung nanlulumo nyang mga mata. Lahat yun nakita ko na naman sakanya.

"I still care about you, Charlotte."

"Well, then stop caring Yuji. Ako ang nahihiya sa ginagawa mo dahil kahit nandyan yung anak mo hindi mo man lang magawang itago yang nararamdaman mo. We're done, please try to remember that."

I grabbed my handbag and left him hanging there. Alam kong tama yung ginawa ko pero bakit parang naninikip yung dibdib ko? Tama naman ako diba? Wala naman akong ginawang mali. Sya yung mali but why I feel like I hurt him and going back there just to hug him? Bakit may pakialam parin ako sa nararamdaman nya kung nasaktan ko ba sya sa sinabi ko?

Alam ko ang sagot sa mga katanungan ko at yun ang mali kung sasabihin kong mahal ko parin sya dahil kahit ano pang nararamdaman namin sa isa't isa, hindi na pwede.

----

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon