MPML Book 2 (78)

2.5K 55 3
                                    


GRADUATION DAY (Part one)

"Good morning, beautiful." Pagdilat ng mga mata ko mukha agad ni Yuji ang nakita ko.

One week matapos kong manganak nag-isa na kami ng kwarto. Ginawa na kasi naming nursery ang kwarto niya, umuwi narin si Mama kay Papa kung kailan gusto ko siyang nandito para tulungan kaming mag-alaga kay Yuan saka naman siya umalis. Nag-insist din kasi si Yuji na siya na ang bahalang mag-alaga kay Yuan kaya umuwi narin talaga si Mama.

"Nakatulog ka ba?" Tanong ko dahil mukhang puyat na puyat siya. Dumikit siya sakin at yumakap ng mahigpit.

"Yuan cried all night, I didn't get enough sleep but it was fun." He said while closing his eyes. Napangiti ako habang tinitingnan siya.

Sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko habang nakayakap siya sakin.

"Bakit kasi hindi mo 'ko ginising, pwede namang salitan tayo sa pag-aalaga kay baby." Sumubsob siya sa dibdib ko at pabulong na sumagot.

"Mas napuyat ka kaka-breastfeed sakanya kaya hindi na kita ginisingasdfghjkl."

"Ha?" Pahina ng pahina yung boses niya, nung inangat ko naman ang mukha niya, tulog na tulog na pala.

Pinaghahalikan ko ang noo niya, tititigan, tapos paghahalikan ulit. Oras na para bumangon ako at asikasuhin naman si Andrea para sa graduation niya at flight nila ni Marcus mamaya pero ang hirap gumalaw dahil nakayakap siya sakin.

"Mooom, today is the day! Good morni---oops." Pumasok si Andrea sa kwarto namin ng nakataas ang mga kamay niya ng senyasan ko siyang wag maingay at turo ko sa tatay niya na nakayakap sakin.

Pinaupo ko siya sa tabi ko sa kama habang hinahawak hawakan ko ang buhok ng daddy niya.

"How's your brother?" Mahinang tanong ko.

"Tulog na tulog parang si daddy." Aniya. Natawa kami pareho pero mahina lang baka magising si Yuji.

"Mom, this is it! Gagraduate na ako mamaya!" Still, pabulong parin. She's so happy, niyakap pa nga niya ako bago ako makasagot.

"I know and I'm so proud of you, pumpkin." Sagot ko habang hinahagod ang likod niya.

Masaya ako dahil gagraduate siyang hindi ako binibigo sa mga grades niya, never akong namorblema sa pagaaral niya dahil napakatalino't napakabait niyang bata.

"I'm so happy na napalaki kita ng tama, anak." Habang yakap yakap siya, hindi ko maiwasang maluha sa sobrang saya na may halong kalungkutan dahil ngayon narin ang araw ng pag-alis niya.

"Mommy talaga umiiyak na naman." She used her hand to wipe my tears, habang ginagawa niya yun kinuha ko ang kamay niya at hinawakan yun ng mahigpit.

"Mag-iingat ka dun ha? Aalagaan mo ang sarili mo, I know you love Marcus but there's nothing in this world will ever beat how much I love you. You are my baby girl and you will always be. You are the most beautiful gift I have ever received, you and your baby brother, kayo ang kayamanan ko." Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Mom." Yumuko siya at umiiyak narin kaya inangat ko ang mukha niya at hinawakan ang pisngi niya.

"Promise me babalik ka. If he hurt you, if you ever feel alone, uuwi ka dito samin ng daddy mo. H'wag na h'wag mong sasarilihin ang problema mo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako naghihintay palagi sa tawag mo. Do you understand?" Hindi siya makasagot sa mga sinasabi ko dahil umiiyak siya tanging tungo lang ng tungo ang nagagawa niya pero alam kong nakatatak sa puso't isipan niya ang mga iyon.

"Thank you, mommy. Thank you for everything." Those were her words na paulit ulit niyang sinasabi ng bigla niya akong yakapin.

Ang laki laki na niya pero kahit ganoon pakiramdam ko siya parin yung batang paboritong magsuot ng pajama at hilig akong gisingin sa pamamagitan ng pagtalon talon niya sa kama.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon