Pag-uwi namin ni Andrea, sa kotse palang malungkot na sya. Gustuhin ko man syang kausapin hindi ko naman sya mapilit na magkwento sakin. She's been ignoring her phone since we got into our car, nakikita kong may tumatawag sakanya pero pinapatay nya yung tawag sabay sandal nya ulit sa upuan. Sinubukan nyang magsalpak ng earphone sa tenga nya at makinig ng music pero tinatanggal din nya sabay sandal ulit sa upuan nya."Andrea, are you okay?"
"Yes, Mom."
Maya maya naririnig ko na namang nagriring yung phone nya, pero pinatayan na naman nya. Sa passenger's seat sya nakaupo kaya kahit nagmamaneho ako nakikita ko mula sa salamin lahat ng kilos nya sa likod.
"Why won't you answer the call? I don't mind." Tanong ko.
"It's not important." Sagot nya sabay tingin nya sa labas ng kotse.
"Are you sure? Your phone keeps ringing every minute, that doesn't look important to you?" Tinitingnan ko reaksyon ng mukha nya pero wala, nakatingin padin sya sa dulo ng walang hanggan.
Tumigil ako sa kakatanong ka sakanya at hinayaan syang manahimik sa likod. Inabutan nadin kami ng ulan kaya pati traffic sumabay pa. Habang nagaantay naisipan kong magcellphone na muna, browse browse ng messages kung may nagtext man o wala. Naisipan ko pang buksan yung email ko dahil matagal na kong hindi naglolog in and there I was shocked to see a lot of messages from Mr. Panda Guy. Nageemail parin pala sya sakin, akala ko naglaho na sya sa mundong ibabaw. Karamihan ng emails nya puro kwento, jokes at minsanang pagpapaalala na mas alagaan ko daw yung sarili ko kesa sa mga bagay na nagdudulot ng sakit sakin.
"Masyado ka kasing mabait." -🐼
Noted pa nya. Gusto ko syang replyan kung anong ibig sabihin nya dun pero 3 weeks ago na yung email na yun. Masyado ng late para replyan ko pa.
"Mom?" Tinago ko yung phone ko atsaka nilingon si Andrea.
"Yes, pumpkin?"
Lumipat sya sa harapan at umupo sa tabi ko tsaka sya humarap at tiningnan ako ng seryoso.
"Mahal mo pa ba si Dad?"
Napindot ko naman yung busina sa tanong nya. Out of nowhere diretsahan yung tanong nya.
"Saan naman nanggaling yan?" Tanong ko habang natatawa.
"Wala lang, ayoko kasing pagusapan yung tungkol sa pagaaway namin ni Ria kaya yung tungkol nalang sainyo ni Daddy yung gusto kong pagusapan." Naewan pa yung tingin ko sakanya pero nginitian nya lang ako.
"Ibang tanong nalang o kaya magbugtungan nalang tayo." Sabi ko habang tinataas ng sabau yung kilay ko.
She pouted.
"Sige bugtong bugtong palabugtong, matalino, brainy may magandang ina pero walang ama. Sino ito?" Matalinong bata akala nya maiisahan nya ko.
"Ayoko nyan, next."
"Mom." Pagtingin ko sakanya nanlulumo yung mata nya.
Yung mata nyang pag tinititigan ko para narin akong nakikipagtitigan kay Yuji.
"Andrea, aren't you happy kahit na tayong dalawa lang?" Tanong ko habang hinahawi yung buhok nya.
"Mom, don't get me wrong. Masaya ako kahit tayong dalawa lang, pero diba magiging mas masaya tayo kung kasama natin si Daddy?" Ngayon mukha na syang malungkot.
"Your Dad has his own family now, Andrea. We can't just take your father away from them, gusto mo bang mawalan ng asawa yung Mommy ni Marcus?" Sinusubukan ko syang konsensyahin pero naging matapang pa yung itsura nya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.