MPML Book 2 (63)

3.2K 85 9
                                    

Masungit, mataray, mahigpit, may hidden sungay. Yan ang ilan sa mga nababalitaan ko kung paano ako i-describe ng mga estudyante ko ngayon. Ang sarap malaman kung sino nagpakalat na may hidden sungay ako ng maibagsak ko.

Kumakain kami nila Travis at Jess sa cafeteria or should I say I was eating and they were just staring at me when Travis broke the silence.

"Sha--"

"What?"

"Damn, you look terrifying. Nothing, Jess you're up." Turo niya kay Jess na siyang nakatingin lang rin naman sakin.

"Cha--"

"Ano ba?"

"Ayos na si Penny at Travis." Pagkasabi nun ni Jess siniko siya ni Travis.

"Bakit yun?! Diba sikreto muna?!"

"Nakakatakot si Cha ano gusto mong sabihin ko?"

Para silang mga engot na nagbubulungan at nagsisikuhan sa harapan ko. Alam kong ayos na sila, I kind of figured it out nung nasa hospital ako.

"Good to know." Saglit na sagot ko at patuloy sa pagkain ko. Bawat pagsubo ko tinititigan lang ako ng dalawang mokong.

"Sha, may hidden sungay ka daw?" This time si Jess naman ang naniko kay Travis. Napatigil ako sa pagkain at tiningnan sila.

"Meron. Gusto nyong makita?" Nakataas kong kilay na tanong sakanila. Sabay silang imiling habang halatang natatakot sakin.

Hinawakan ko ulit ang kutsara't tinidor at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na sila naglalakas ng loob na open up ng topic gayong hindi naman nila ako masubukan.

Naging cold ako sakanila, hindi lang sakanila kung hindi sa lahat. Lalo na sa mga estudyante kong wala akong ibang ginawa kundi bigyan sila ng araw araw na test at patong patong na schoolworks. They don't get to complain dahil wala silang pahinga. Matagal akong nawala kaya wag nila akong bibigyan ng dahilan na pagod sila dahil ilang linggo silang nakapagpahinga.

"Tapos na 'ko." Sabi ko habang binibitawan ang kutsara't tinidor sabay tingin sakanila.

Wala silang ibang ginawa kundi titigan ako. Ni hindi nga nila nagalaw yung pagkain nila.

"Hanggang kailan niyo ako tititigan?" Tanong ko.

"Ikaw, hanggang kailan ka magiging ganyan?" Agarang sagot ni Jess sa akin.

I wanted to play dumb pero mukhang seryoso si Jess ngayon.

"As long as it takes." Maikling sagot ko habang tumatayo sa kinauupuan ko.

"Sha naman." Pahabol pa ni Travis pero naglakad na ako palayo sa kanila at palabas ng cafeteria.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero sa ganitong paraan mas nadadalian akong makasurvive sa araw araw. Ayos na sakin yung makauwi ako sa bahay na kasama si Andrea na walang pinoproblema. Ayoko ring mastress dahil sarili ko na mismo nilalayo ko sa ganoon.

Umakyat ako pabalik ng office dahil may 2 hours vacant pa bago ang susunod na klase ko. Binuksan ko ang pinto at naupo sa sofa habang hinihiga ang ulo ko. Kakakain ko lang pero pakiramdam ko nagugutom na naman ako. Maya maya pa ay may bumukas ng pinto at isinarado yun. Nakapikit ako kaya kahit gusto kong malaman kung sino ba yung pumasok, hindi ko idinidilat ang mga mata ko.

Tutal wala namang ibang maglalakas loob na pumasok dito kung hindi ako, malamang siya.

Pinakiramdaman ko siya habang dinadaan daanan ako sa sofa. Parang pabalik balik siya, what the hell is he doing?! Naiirita ako. Nag-ngingitngit na ko habang nakasandal sa sofa, I want to yell at him to stop walking around in the office!

"Um..Charlotte?"

"What the hell are you doing walking around here?!"

I lost it.

Nagpipigil lang ako na sigawan siya pero dahil nagsalita na siya, I took the opportunity to let out the beast inside me that wanted to yell at him.

"S-sorry, can I just talk to you for a sec?" Umayos ako ng upo at humarap sakanya kahit mukhang iritadong iritado yung pagmumukha ko.

"Is it work-related?" Tanong ko.

"It's about Andrea's birthday next month so no, it is not work-ralate--"

"Then no." Sumandal ako ulit sa sofa at tinalikuran siya habang may yakap yakap na unan.

Akala ko umalis na siya pero naramdaman ko nalang na tumabi siya sakin sa sofa.

"Charlotte, magkatrabaho tayo sa iisang lugar and we are sharing an office. Anytime soon you're gonna have to talk to me work-related or not." Gusto ko siyang harapin pero malamang pag humarap ako sakanya, ilang inches lang ang magiging pagitan ng mukha namin sa isa't isa at ayokong mangyari yon.

"Yuji, saang banda ng 'We're done' ang hindi mo maintindihan?" Naguusap kami kahit nakatalikod ako sakanya.

"Ikaw Charlotte, saang banda ng 'Hindi kita susukuan' ang hindi mo maintindihan?"

Kung ako lang siguro yung dating Charlotte na estudyante niya na kahit isang sulyap niya lang pakiramdam ko humihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko, kikiligin ako sa sinabi niya eh. Pero hindi, hindi na ako yung dating mahinang Charlotte. This is the new me trying to evolve and keeping away all the things that could hurt me.

Umikot ako at humarap sakanya. Yung mga matang nanlulumo na iniiwasan kong tingnan hangga't maaari, ngayon tinititigan ko na.

"Mr. Salvatore."

"Yes, Ms. Briones?" Tanong niya habang ngumingiti sa akin. In return, ngumiti rin ako sakanya.

Parehas naman kaming Professor diba? So, kahit sapakin ko pagmumukha ng lalaking 'to walang kaso diba?

"We're done. DEAL WITH IT!" Matapos kong sumigaw sa pagmumukha niya, tumayo ako at lumabas ng office ng naka-paa.

Nakalimutan kong suotin yung heels ko kaya binaba ko ng kahit 1 inch yung pride ko at bumalik sa loob.

"Coming back for this?" Tinaas nya yung heels ko habang nakaupo parin siya sa sofa.

With that irritating smile on his face.

"Are you enjoying this?" Seryoso akong nakatingin sakanya. Hindi ko alam kung nangaasar ba siya o talagang gusto niya ang ganitong sitwasyon naming dalawa.

Tumigil siya sa kakangiti at naglakad palapit sakin. Inaantay ko siyang tumigil sa bandang tapat ng lamesa pero patuloy parin siyang humahakbang palapit sakin hanggang sa tumigil siya sa harapan ko at dahan dahang nilalapit ang mukha niya sakin.

"S-stop." Hindi dapat ako nauutal pero kahit anong pilit kong magsalita ng maayos, hindi ako makapagconcentrate pag nakikita kong palapit ang labi niya.

He was this close to kiss me pero tumigil siya at ngumiti habang magkalapit ang mga mukha namin. Akala ko hahalikan niya ako pero lumuhod siya at marahan na sinuot sa mga paa ko ang heels ko. Galit ako sakanya, ni ayaw kong ibigay ang paa ko sakanya pero katawan ko na mismo ang hindi nanlaban sakanya.

Matapos niyang isuot sakin ang heels ko, tumingala siya sakin na parang bata at nginitian ako bago siya tumayo at lumapit sa tenga ko. Gusto niyang hawakan ang pisngi ko pero binaba niya ang kamay niya at hinalikan ang ulo ko.

"Hindi kita susukuan. That's all I'm saying." And then he left.

● ● ● ● ●

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon