Marcus's POV
"Gutom kaba?"
"Hindi."
"May nakaaway kaba?"
"Wala."
"May ginawa ba kong ikinagalit mo?"
"Wala."
"LQ kayo ni Medusa?"
"Hinde."
"Zero kaba sa exam?"
"Hinde."
"May dalaw kaba ngayon?"
Bigla kong napatingin sakanya at tiningnan sya ng masama.
"Ano? Wag mong sabihin meron ka nga ngayon?!"
Konti nalang mababatukan ko na 'tong si Ria. May kinuha pa sya sa bag nya at iniabot nya sakin yun ng palihim sabay bulong nya sakin.
"Itong gamitin mo. Trusted yan, with wings pa yan para sureball na hindi ka matatagusan."
Tiningnan ko naman agad yung binigay nya sakin at nakitang napkin pala yung binibigay nya. Binitawan ko naman agad yung napkin, tawa naman sya ng tawa habang pinupulot yung napkin sa sahig.
"Baliw kaba?!"
"Hahahaha! Ang arte kase, hindi nalang sabihin sakin kung ano ba talaga problema gusto mo manghula pa ko hahaha."
Bumalik sya sa kinauupuan namin sa hagdan kaya umupo narin ako. Hanggang ngayon kasi inis na inis parin ako dahil sa pagsigaw ni Mommy sakin. I was gone for almost 1 week, tapos uuwi ako para masigawan lang? Kung alam ko lang edi sana nagtagal pa ko sa albay, or better yet dapat hindi nalang ako umuwi.
"Hellooo earth to Marcus?" Winiwave nya yung kamay nya sa mukha ko. Binaba ko naman yung kamay nya saktong pagdating nila Steven, Mitch at Flynn.
"Yo bro." Bati nilang tatlo sakin.
"Ang tagal nyo."
"Sensya itong si Flyn e lumandi pa." --Mitch
"Guilty." -- Flynn
Nagtawanan sila pero ako inis na inis padin ako.
"Oh, Ria kamusta?" Tanong ni Steven habang tumatabi sya kay Ria.
"Ayos lang, yan tanungin nyo kanina pa nakabusangot yan."
Inakbayan ako nila Mitch at Flynn habang niyuyugyog ako. Pinagsusuntok ko naman sila.
"Mga gago nahilo lang ako sa ginawa nyo."
Pinagtawanan nila akong apat pero inis na inis parin ako. Narinig ko pinagaawayan nila Mom at Dad nung gabing yun, laking gulat ko lang dahil naging issue na naman sakanilang dalawa si Medusa. Nang ienroll ako ni Dad dito sa PATS, nagaway din sila ni Mommy. Nung si Medusa naging Prof ko, nagaway ulit sila. Tang*nang yan, ba't hindi nalang sila maghiwalay kung ayaw nila sa isa't isa?!
"Bro, san ka pupunta?" --Flynn
"Gym."
"Kagagaling mo lang dun ah?"
Dire diretso lang akong naglakad palayo sakanila. Sa sobrang inis ko, pakiramdam ko yung pagsusuntok nalang sa punching bag ang pagbubuhusan ko ng galit. Katatapos lang ng practice ko kanina pero nasa mood ulit ako. Dumaan muna ko sa locker ko at nilagay dun yung mga libro ko. Pag sarado ko ng locker ko, mukha agad ni Tanya yung nakita ko.
"Hi, Marcus." She smirked.
"Hey."
Dinaanan ko lang sya pero buntot sya ng buntot sakin.
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.