MPML Book 2 (38)

3.3K 92 17
                                    

Charlotte's POV

Katatapos lang ng klase ko sa isang section ng kausapin ako ng ilang estudyante ko.

"Ma'am, pwede na po bang magpasa ng thesis? Tapos na po kasi kami ng grupo ko pero kami palang po ata yung tapos sa klase."

"Sure, dala nyo ba?" Tanong ko.

"Ay na kay Dela Cruz po, dalhin nalang po namin sa office nyo mamaya."

"Sige, kindly make an announcement sa klase nyo na hindi ako tumatanggap ng mga pahabol after ng due date ok?"

"Yes, Ma'am Charlotte. Thankyou po."

Nagbow sila sakin kaya nagnod nalang ako. Pangatlong klase ko na sila ngayong tanghali at isa klase nalang papasukan ko mamayang hapon. Paakyat na sana ako ng hagdan ng matanaw ko si Travis na palapit sakin.

"Sha!"

Tatalikod sana ako para magtago sakanya pero nagulat ako ng nasa likod ko na pala si Jess.

"Where do you think you're going?"

"Kakain! Bye!" Tatakas sana ako pero pagtalikod ko naman ulit sakanya, si Travis naman nasa likod ko.

"You have a lot of explaining to do. Tinataguan mo ba kami?"

"Um.."

"Isang linggo ng kalat dito sa campus na may anak ka tapos kami pa tong huli sa balita?"-- Jess

"Um.."

"Nanganak ka ng hindi man lang sinasabi samin? Paano ka nabuntis?!" --Travis

"Ehem ehem. Ganito yun, when two people love each other they tend to do such things like se--"

*PAK!*

"Alam namin kung paano nangyari yon!" --Travis

Bago pa ko magreact, sinipa ko si Travis. Batukan daw ba ako? Ako na nga 'tong nageexplain! Nagtatatalon sya gamit yung isa nyang paa habang iniinda yung sipa ko sakanya.

"Sabi mo pano ko nabuntis? Ineexplain ko na nga sayo!"

"Cha, really? Ikaw pa talaga galit? Halika dito."

Wala na kong nagawa ng hilahin nila ko paakyat sa office nila sabay lock nila ng pinto. Papasok pa sana si Ms. Paloma para makiusyoso pero sinaraduhan sya ng pinto nila Jess. Pinaupo nila kong dalawa sa upuan habang nakatayo naman silang dalawa sa harapan ko.

"Explain." Seryoso nilang sabi.

"Anong ieexplain ko? Nabuntis ako, si Andrea ang bunga, tapos."

"Details! Sinong ama?!" --Jess

"Malamang si Yuji." --Travis

Nagnod ako sa sinabi ni Travis.

"SI YUJI!!?" Biglang sigaw ni Jess.

"OA nito. Malamang si Yuji, sya lang naman huling karelasyon ko diba." Mahinahon kong sagot.

Napasampal sila sa mga mukha nila habang umiiling iling yung mga ulo nila sakin.

"How come na hindi ka nagsasabi samin na buntis ka? We've look into Andrea's files and she's turning 18 next month! Ibig sabihin 18 years ago, that means nung graduation natin buntis kana?! Bakit hindi mo sinabi samin!"

Isa pang sigaw ni Jess, babatukan ko na sya.

"Diba nagbakasyon kayong dalawa after graduation? Hindi ko rin alam na buntis na ako nun kaya hindi ko nasabi sainyo bago kayo umalis. Sorry okay?" Nakacrossed arms sila pareho habang pinapakinggan ako magexplain.

"Alam ba ni Yuji na anak nya si Andrea?" Tanong ni Jess

"Malamang hindi tayo nga pinaglihiman, yung tatay pa kaya." Dagdag na naman ni Travis

Sinamaan ko ng tingin si Travis pero mas masama yung tingin nya sakin.

"Sha, hindi mo ko makukuha sa tingin mong yan. Galit kami sayo dahil pinaglihiman mo kami, almost 25 years na tayong magkakaibigan na tatlo nakukuha mo pang maglihim samin."

Napayuko naman ako sa sinabi ni Travis. Sa sinabi nya parang dalawang bagay yung sumampal sakin, una yung nilihim ko sakanila tungkol sa anak ko at yung isa pang sikretong tinatago ko sakanya tungkol kay Ria.

Tama yung sinabi nya, almost 25 years na kaming magkakaibigan pero nagagawa ko pang magtago sakanila. Nakakaguilty.

"I'm sorry. Natakot lang ako dahil kahit ako mismo hindi ako aware na may nabubuo ng sanggol sa tyan ko. Hindi ko gustong maglihim sainyo, pero sana maintindihan nyo ko." Naalala ko na naman yung hirap na dinanas ko magisa nung ipinagbubuntis ko si Andrea.

"Paano si Yuji? Hindi mo pwedeng itago sakanya si Andrea, nasa iisang campus kayong tatlo at walang kamalay malay yung mag-ama mo na konektado sila sa isa't isa. You have to tell them the truth, Charlotte." Pinapagalitan na naman ako ni Jess, tama sya, may punto silang dalawa sa gusto nilang sabihin sakin pero hindi.

Ako ang ina ni Andrea, at ako ang magdedesisyon para sa ikabubuti nya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit na sa pinto tsaka ko nagsalita.

"May asawa't anak na si Yuji, may sarili na syang pamilya. Ako? Si Andrea ang pamilya ko at hindi ko hahayaang masaktan sya pag nalaman nya ang totoo. Masaya kami ng anak ko sa sitwasyon namin ngayon kahit hindi namin kasama si Yuji. Alam ko nagaalala lang kayo sakin pero mas tatanawin kong utang na loob kung iintindihin nyo nalang yung desisyon ko para saming mag-ina."

Matapos ko sabihin yun lumabas na ako ng pinto at dumiretso sa office ko. Napapikit ako habang nakasandal sa pinto at humihinga ng malalim.

"Are you okay?"

Dumilat agad yung mata ko ng marinig ko yung boses nya. Nandito pala sya.

"Y-yeah. I'm fine." Nginisian ko sya habang lumalapit na ako sa desk ko.

"You don't look fine." Sabi pa nya.

"Ok lang ako, wag mo nalang ako pansinin." Hindi ko sya nililingon ng sabihin ko yun sakanya.

Binuksan ko nalang yung laptop ko at inasikaso yung next lesson ko para bukas. Hindi na sya ulit nagtanong nun, pero nagsalita naman sya.

"She's smart."

"Who?"

"Your new student."

Biglang kumabog yung dibdib ko. I know he's pertaining to Andrea.

"What about her?" Tanong ko.

Hindi nya estudyante si Andrea, pinili ko talagang sa klase nila Marcus at Ria ko pinasok si Andrea dahil ako ng Math intructor dun at hindi siya. Dahil kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang maging malapit sakanya yung anak ko.

"Wala naman. These past few days a lot of Professors keep talking about her. Magaling daw sya sa lahat ng subjects nila, active sa klase at palaging uno ang nakukuha nya sa exam. Hanga din sakanya yung schoolboard dahil isang linggo palang sya ng pumasok sya dito e nagpapakitang gilas na. Nabalitaan ko rin na mahilig syang gumamit ng sarili nyang formula."

Natigil ako sa pagtatype, sa pagkukwento nya parang tuwang tuwa sya kay Andrea kahit hindi nya sya estudyante. Yun nga lang yung huling sinabi nya parang may gusto syang sabihin. Hindi nya pa sigurong nababalitaan na anak ko si Andrea, puro pangalan lang din sinasabi nya malamang hindi nya alam na Briones ang apelyido ng batang hinahangaan nya.

"Yeah, she's really smart. Kahit sa klase ko palagi syang nangunguna." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.

Narinig ko syang tumawa kaya napalingon ako sakanya.

"She reminds me of you when you were still my student, Ms. Briones."

---

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon