Magiisang oras na kong nakababad sa bath tub ko, nirerelax ko yung katawan ko, pinapatahimik ko yung utak ko. Inhale, exhale, deep breaths. Ang sarap sa pakiramdam na nagiisa ka sa banyo, walang maingay, walang nanggugulo, walang istorb---"SiL! I've already found a perfect dress just for you! Are you done? Come out now Sis! I'm excited to see you wearing this dress I picked for you!"
Ugh, nevermind.
"Five more minutes!" Sigaw ko.
"You said that before! That's the third five more minutes! Hurry up SiL!"
Napabuntong hininga nalang ako habang nilulublob yung mukha ko sa bath tub. Lord, bakit naman ganito? Ok naman na ako, masaya ako sa buhay ko ng wala sya hanggang sa isang iglap bumalik si Yuji sa campus tapos parang nangyayari na naman yung mga nangyari noon. Tapos ngayon dumating pa kapatid nya, ang hyper nya lord! Yung totoo, galit kayo sakin?
"SiiiL!! Yuhooo! Hihingiin ko na kay Manang yung susi ng banyo pag di kapa lumabas dyan. Labas na SiL!"
O my god this is nightmare. Tumayo agad ako at binalot ng towel yung buhok at katawan ko. Pagbukas ko ng pinto, kanina pa pala sya sa labas at sinusubukan akong silipin sa ilalim ng pinto.
"Finally! Bakit ang tagal mo sa banyo? LBM?"
Nagsalubong nalang yung kilay ko sa sinabi nya kaya binalewala ko nalang.
"Nakatulog lang sa bath tub, do I really need to wear up Yuri? Gabi na and---Oh no."
Parang biglang nahiya yung mga binti at legs ko ng makita ko yung dress sa kama na pinili ni Yuri para suotin ko.
"I.AM.NOT.WEARING.THAT."
"But why? I like the colors and It's also pretty!"
"I hate that dress, Yuri!"
"Then why do you have it in your closet? You know there's a lot of them, yan na nga lang pinili ko dahil simple pa sya."
Simple?! Simple pa ba yung itsura nya na all red in color na sobrang tingkad at sobrang ikli? Backless at open pa yung half ng bewang? Alam ko yun yung style nya but No. Si Mama bumili ng dress na yun para sakin yeeears ago, nakatago na nga yun sa pinakadulo ng closet ko nahanap parin niya.
Kinuha ko yung dress at binalik yun sa loob ng walk-in closet ko.
"SiL!"
"Yuri, hindi ako magmumukhang bongga ng dahil pupunta tayo sa Kuya mo. Plus, hindi ako pala-dress kung magsuot ng damit, oo sa trabaho nagpapalda ako and all but that's just a protocol, we are required to. Trust me, if its not for the sake of my job, I would prefer wearing jeans for work."
She rolled her eyes to me and pouted. Umupo sya sa kama ko with all the saddest eyes you can think of. Tumingin pa sya sakin and that look sliced my heart into two.
"Fine! Fine! Susuotin ko na."
"OMG! YEY!!" Nagtatalon sya habang pumapalakpak habang tumatakbo sakin at niyakap ako ng mahigpit. SOBRANG HIGPIT.
"But I will only wear it just for tonight."
"Deal!" She said with an oozy smile on her face.
Pinisil ko naman yung pisngi nya at pumasok na sa closet para magbihis. Cute si Yuri, dagdag mo pa yung pagkamasayahin at yung energy nya na parang laging 101% Nakikita ko si Yuji sakanya sa lahat ng anggulo ng mukha nya. Mata, ilong, bibig, yung maganda nilang buhok, lahat kuha rin nya. No doubts na magkapatid nga talaga sila.
1 hour later, I'm all dressed up with my make up looks amazingly done. Hindi nga ako makapaniwalang magaling pala make-up si Yuri. Sumakay kami ng kotse ko habang si Yuri naman naiwan pa sa gate at kanina pa nagpapaalam kila Badger at Buster. She really love them, and my dogs loves her too.
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanficYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.