Naririnig kong nagsisigawan sila Yuji at Maxine sa labas ng office habang hindi maalis sa isip ko yung sinabi nya sakin. 'Isang pagkakamali' Kahit sino atang magulang ang makarinig magagalit eh, kung basagulera lang ako tinalon ko na yung desk ko para sunggaban yung bruhildang yun pero hindi. Hindi ako ganun at kahit kailan hinding hindi ako magiging ganung klaseng babae.But come to think of it, tinamaan ako sa sinabi nya. Nung nalaman kong buntis ako yun din ang pumasok sa isip ko, na isang pagkakamali yung nagawa namin ni Yuji noon at kung kailan na naging magulo yung relasyon namin tsaka naman nagbunga yung pagmamahalan namin. Life is ironic ika nga, pero sa mga taong nagdaan na pinalaki ko yung anak ko ng mag-isa, nagiba yung pananaw ko bilang magulang. Nagkamali nga siguro ako noon, sisigaraduhin ko namang hindi na ko magkakamali sa pagpapalaki ko sa anak ko ngayon.
"Why do you keep defending her from me?! Ako bang mali dito, Yuji? Sya na naman ba kakampihan mo laban saken?! Ipamumukha mo na naman ba na napunta kalang sakin dahil nabuntis mo ko?!"
Sa lakas ng boses ni Maxine, I'm sure as hell na rinig na rinig sila ngayon sa buong 5th floor which is puro office ng mga Professors.
"Max, will you stop yelling!"
Tanaw ko sa bintana kung pano hawakan ni Yuji yung balikat ni Maxine para pakalmahin sya pero nagpupumiglas parin sya.
"Ano nahihiya ka? Ikinahihiya mo ko dahil sigaw ako ng sigaw dito?! Guess what, Yuji, I don't care! Wala kong pakialam kung anong isipin nila sakin, kahit ikaw din naman diba?! From the start we got married you didn't treat me as your wife!"
"Let's go home, Maxine."
"No! Nandito na tayo tapusin na natin to dito!"
Matapos nyang sabihin yun nagulat nalang ako ng biglang bumukas yung pinto at pinagtuturo ako ni Maxine.
"Now, Charlotte let's talk! Do you still love my husband? Are you happy now that I yell everything about our worthless marriage because of you?!"
Hindi ako makagalaw sa upuan ko, nakikita ko na sa labas ng pinto yung mga co-professors namin na nagbubulungan at pinagtitinginan kami.
"BITCH, ANSWER ME!"
Hinampas pa nya yung desk ko, kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko. I don't want to talk to her, I want to slap her face off pero nung tatayo na sana ako narinig ko naman yung boses ni Andrea.
"Mom?"
Sabay kaming napalingon ni Maxine sa pinto kung san kasama rin niya si Marcus.
"Mom, what's going on?" Tanong din ni Marcus kay Maxine.
"That's your Mom?" Tanong naman ni Andrea kay Marcus.
Nagiba yung takbo ng utak ko kaya minadali ko nalang na kunin yung bag ko at dinadaanan si Maxine papunta kay Andrea. Hinawakan ko yung kamay nya paalis sa office.
"Charlotte, I'm really sorry."
Sinubukan pa kaming harangan ni Yuji pero binunggo ko lang sya, her wife humiliated me infront of everyone. Hindi naman na siguro nakakapagtaka kung magagalit rin ako sakanya, well hindi sakanya sa asawa nyang palengkera.
"Yeah, walk away Charlotte! That's what you do best!" Sigaw pa ni Maxine samin habang hila hila ko si Andrea pababa ng hagdan.
Nagdidilim yung paningin ko habang dire diretsong nagmamadaling bumaba ng hagdan, hindi ko na namalayan na kinakausap na pala ako ni Andrea.
"Mom, stop."
I ignored her, hila hila ko parin sya.
"Mom, what's going on?"
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.