Hapon mga 5pm, nakarating kami ni Avery sa bahay. Pinahandaan ko ng pagkain si Manang para sa bisita, unang tapak palang nya sa loob ng bahay ko all he can say was,"Wow."
Nauuna akong maglakad sakanya papunta sa sala at pinaupo ko sya sa sofa.
"Your house is amazing."
Sabi pa nya habang iniikot pa nya ng tingin yung buong parte ng bahay ko.
"Thanks. So, how's life?" Tanong ko.
"Tinatanong mo pa ko e nakita mo na nga yung nangyari kanina sa mall." Aniya habang tumatawa tawa pa ng magdala ng juice si Manang para sakanya.
"Salamat, Manang. Pakihanda narin po yung dinner ha? Dito na sya kakain." Sabi ko kay Manang habang ako na yung naglalagay ng juice sa baso ni Avery.
Nagnod lang sya at nagpasalamat din sakanya si Avery.
"Hindi yung tungkol sa kalandian mo yung tinatanong ko." Sabi ko habang natatawa.
"Haha wala namang bago except I run our family business in Batangas."
May family business pala sila, hindi ko naman sya gaanong nakilala nung naligaw kami noon. Tsaka puro kami away nun paano ko matatanong yung mga personal na bagay sakanya.
"Company something like that?" Tanong ko ulit.
"Oo, pero hindi naman gaano kalaking kompanya. Ikaw kamusta ang buhay ni Charlotte Briones na hindi kumakain ng karne ng usa?"
Tumatawa na naman sya, hindi nya alam yung salitang move on e.
"Loko, Math instructor ako ngayon sa pinapasukan ko noon sa PATS. Travis and Jess are also Professors, gusto mo papuntahin ko sila ngayon dito? Get together tayo, I'm sure matutuwa silang makita ka."
Habang nagsasalita ako umuupo sya ng nakade-kwatro, he keeps looking upstairs na para bang may hinahanap sya.
"Sure, tawagan mo sila. I hope you have rooms for the three of us dahil mukhang dito na kami matutulog nyan." Kindat pa nya.
Yep, hindi parin sya nagbabago. Sya parin yung malanding Avery na kasama kong naligaw sa gubat noon.
"This house has 5 bedrooms, I'm sure it can handle the three of you around." I said while smiling at him.
Kinuha ko yung phone ko sa bag at sinimulang iinform sila Travis at Jess na pumunta sa bahay mamayang 7pm. Sa totoo lang excited ako sa mangyayari mamaya dahil makukumpleto kaming apat.
"What are you doing?" He asked.
"Texting them, malamang nasa campus sila Travis ngayon."
"Ah, pati yung Yuji mo papuntahin mo narin. Gusto ko syang icongratulate dahil ang ganda nitong bahay nyo, teka may anak na ba kayo? Naka-ilan kayo? Grabe hindi mo man lang ako inimbitahan maging ninong?!"
Sa dami nyang sinabi gusto ko syang sapakin, balibagin or simply throw my cellphone at him. Lakas makabroken ng mga sinabi nya.
I laughed so hard. And yes, I was faking it.
"We broke up years ago." Tumayo ako at naglagay ng juice sa baso sabay inom.
Alam kong uusisain nya ko tungkol dun at nakahanda na kong magexplain.
"Oh, I'm sorry."
What, that's it? Hindi ba nya ko uulanin ng tanong kung bakit?
"I didn't know, sa laki kasi nitong bahay mo hindi ako naniniwalang napundar mo lang to sa pagpoproffessor mo."
Oo nga naman, may point sya.
"Right, I forgot to tell you that I'm also a writer now. Kung nagagawi ka sa mga bookstore, you would see one of my published books."
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanficYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.