MPML Book 2 (62)

3.2K 76 0
                                    

Nang madischarge ako sa hospital at matapos makapagpahinga ng halos tatlong araw, nakapagdesisyon akong pumasok at bumalik na sa trabaho. Magtatatlong linggo narin akong bakante, miss na miss ko ng manaray ng estudyante.

"Mommy, hindi ka naman tatakbuhan nung campus. Pwede kang bumalik hanggang kailan mo gusto pero wag muna ngayon. You should rest more." Nagbibihis at nag-aayos na ako ng mukha pero si Andrea kanina pa hinaharangan yung dinadaanan ko.

"Pumpkin, Mommy's fine. Malakas ako hindi mo kailangang mag-alala ok?" Inaayos ko yung buhok nya pero sinamaan nya lang ako ng tingin habang nakacrossed arms sya sakin.

"Really? Cause three days ago you end up in the hospital unconscious." Itong batang 'to tinalo pa ko sa pag-aalala. Mas stricto pa sya kesa sa nanay nya.

I messed up her hair and pinched her cheeks.

"That was three days ago, you have to believe me that I'm going to be fine. " Nauna akong maglakad sakanya palabas ng kwarto habang kinakalikot yung bag ko ng magsalita sya.

"Would you still be ok if you see Dad?" I was caught off guard. Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya.

"Yes."

No.

"Sure? Kasi kwento sakin nila Tito Raven halos magsigawan daw kayo dyan sa hagdan nung huli kayong nagkita." Yes, sinigawan ko si Yuji and I still think that it wasn't enough. I gave him 1 week. Kahapon na natapos yung isang linggo na yun and yet, he's still not here.

No Yuji, no signed divorce papers. Ngayon nagsisimula na kong magdoubt kung gusto nya ba talaga kaming balikan o mahalaga ba talaga kami sakanya.

"Andrea, ayokong pinoproblema mo yung problema namin ng daddy mo at ayoko ring ikaw ang nag-aalala sakin na dapat ako ang gumagawa sayo." Pinisil ko ang ilong nya, nginitian sya at lumabas na ng pinto.

"But Mom!" Sigaw pa nya habang hinahabol ako sa hagdan.

"Stop worrying and no buts, young lady. Now, get in the car we're going to be late."

● ● ● ● ● ●

Dumating kami sa campus na pinagtitinginan ng lahat which I get and expected. But really right know I don't even care with the staring, whispering, blabbing or what in the world they're talking about me.

I just don't care anymore.

"Mom, smile. Tinatakot mo sila." Siko sakin ng anak ko kaya tumigil naman sa paninindak yung kilay ko. Pakiramdam ko ka-edad ko lang din sila at kahit anong oras pwede ko silang patulan pero buti nalang may little guardian angel ako na nandyan para ipaalala sakin na Professor na 'ko ngayon.

Bawal manaray, Karlota. Ibaba ang kilay.

"Ma'am Medus--Ms. Briones!" Open arms habang tumatakbo palapit sakin ang isang estudyante ko ng tumaas na naman ang kilay ko.

12 inch, isang ruler nalang ang layo nya sakin ng ibaba nya ang kamay nya at nagbow na lamang sa harapan ko.

"G-good morning po, Ma'am. Namiss po namin kayo. Official na po ba kayong babalik sa pagtuturo?" Right. Natatandaan ko na, her name is Rose. Isa sa mga estudyante ko o sya lang nga ata ang may paborito sakin as her Prof.

Hindi ko alam kung anong nakita nya sakin at naging paborito nya akong Professor sa campus nato.

"I'm all dressed, got my hands on my things and currently walking towards your room. What does that tell you, Ms. Pangilinan?" Naramdaman ko na namang siniko ako ni Andrea at pinandidilatan ako ng mata.

Oh right, I forgot to smile.

Ngumiti ako habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. That smile was supposed to make me look kind and charming but what happened next was so confusing.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon