One week after Andrea's debut party, all I can think about is the day of graduation. Hindi lang paggagraduate ni Andrea kundi graduation ng lahat ng estudyante ko. Well, hindi lahat dahil may mga sabit at pag-iisipan ko pa kung maaawa ba ako sa kanila at paggraduate'in nalang o pababayaan dahil at some point, it was their choice na magpabaya sa pag-aaral.Kasarapan ng tulog ko ng magising ako sa ingay sa baba. Umikot ako sa higaan pero natigilan din ako dahil may kalakihan na ang tyan ko. Isang ikot pa mapipisa ko na si baby. Minutes later, tumunog ang alarm ko na nakapatong sa table katabi ng kama ko. I tried reaching for it without moving my body but failed. Sa sobrang katamaran inantay ko nalang mamatay yung alarm clock habang nagtatakip ng unan sa mukha.
"Titigil ka rin, titigil ka rin." Bulong ko pero limang minuto na nakakalipas tumutunog parin.
Balak ko maghintay pa ng ilang minuto baka sakaling tumigil pero nawalan na ako ng choice kundi tumayo, patayin ang alarm clock at tingnan kung ano yung narinig kong nabasag sa sala.
Messy hair, bare footed, at suot ng robe sa ibabaw ng suot kong pangtulog. Ang aga aga may maririnig kang parang may nagwawala sa baba.
"Jie?" Kumatok ako sa kwarto ni Yuji pero walang sumasagot. Gising na siguro't nasa baba na.
Sa hagdan palang may naririnig na akong usapan sa sala. Sa isip isip ko, ang aga naman para magkaroon ng bisita. Bumaba ako ng hagdan, wala pa sa kalahati nararating ko gusto ko ng tumakbo pabalik ng kwarto pero huli na.
She saw me already.
"Karlota!"
"Ma?"
Dali dali siyang umakyat ng hagdan papunta sakin, gusto ko nga siyang takbuhan kaso para siyang si Flash sa bilis niyang makarating sa kinatatayuan ko at niyakap ako ng mahigpit.
"A-anong ginagawa nyo dit---"
"Bakit hindi mo sinabing buntis ka?! Kay Raven ko pa malalaman kung hindi pa ako magtatanong kung bakit hindi kana bumibisita samin ng Papa mo?! Ang laki na ng tyan mo! Kailan pa kayo nagkabalikan ni Yuji?! Bakit hindi kami imbitado sa naganap na birthday ni Andrea?!"
Yep, hindi pa nagsisimula araw ko but I know this is going to be a looong day. Bago ko sagutin si Mama, nilingon ko si Yuji na tumatawa habang nakacross arms sa baba.
"If I'm going to do this, can I just at least have a cup of coffee first?" Nagnod si Yuji sa sinabi ko at pumunta sa kusina. Bumaba ako at iniwan si Mama sa hagdan.
"Karlota, tinatanong kita!"
"Ma, dito tayo sa baba mag-usap. Dobleng bigat 'tong dinadala ko mabilis akong mangalay pag nakatayo."
Pagbaba ko sa sala, nakita ko si Raven na nakaupo sa kabilang sofa. Tumayo siya at inalalayan ang pag-upo ko habang dinadagdagan niya ng unan ang uupuan ko.
"A little heads-up would be nice." Bulong ko sakanya.
"Ang bilis eh, kakasabi ko palang sakanya na buntis ka nakabihis agad papunta dito."
"Bakit mo kasi sinabi?"
"Na-corner ako, no choice." Matapos niyang alalayan ang pag-upo ko, hinawakan at hinalikan niya ang tyan ko saka umupo sa tabi ko.
Inantay kong makaupo si Mama sa harapan ko bago nagpaliwanag sakanya.
"Ma, inimbitahan ko kayo ni Papa. Tawag ako ng tawag sainyo pero lahat ng tawag ko dumidiretso sa voicemail."
"Sinabi ko naman kasi sayo hindi kami maalam ng Papa mo sa paggamit ng teleponong binili mo. Ang daming pindot pindot!" Nilapag ni Yuji ang baso ng kape sa table na nasa harapan ko at siyang upo niya rin sa tabi ko.
Natawa sila ni Raven sa sinabi ni Mama. Binilihan ko nga sila ng bagong telephone sa bahay, paulit ulit ko ng tinuro sakanila noon ang paggamit nun pero mukhang hindi parin nila makuha.
"E 'yang pagbubuntis mo, hanggang kailan mo ililihim sa amin ng Papa mo?" Tanong ni Mama.
"Ma, hindi ko naman nililihim. Biglaan lang din 'to kaya hindi ko masabi sainyo." Habang nagsasalita ako tinataasan niya lang ako ng kilay.
"E yan?"
"Aling yan?" Tanong ko. Ngumuso siya at tinuro si Yuji na nasa tabi ko.
"Ah eh, we're engaged na po." Tugon ni Yuji na siyang ikinagulat ko dahil hanggang sa ngayon wala pa akong pinagsasabihan tungkol don.
"Engaged?!" Sabay na tanong ni Mama at Raven.
Patawa-tawa akong tumingin sila habang pasimple kong kinukurot si Yuji sa tuhod niya.
"Buntis, hindi invited, nasa iisang bahay kayo ni Yuji tapos ngayon malalaman kong ikakasal na kayo? Ano pang hindi mo sinasabi sakin, Karlota?!"
Oh god.
"Lola!" Napatingin kaming lahat kay Andrea na kakababa pa lamang at halatang kagigising lang.
"Dreng dreng! Jusko ang apo ko dalagang dalaga na." Tinalunan siya ni Andrea at niyakap siya nito.
"Lola, namiss ko po kayo. Nasaan po si Lolo?"
"Nako nasa bahay apo, lumalala na ang arthritis hindi na kakayanin na bumyahe pa pa-maynila." Lumungkot ang mukha ni Andrea sa narinig tungkol sa lolo niya.
"La, hinahanap ko kayo nung birthday ko bakit wala kayo ni Lolo?"
"Yan kasalanan ng nanay mo, siya tanungin mo." Nalipat naman ang tingin sakin ni Andrea kaya out of nowhere, tinaas ko nalang ang kamay ko para ipakita sakanya ang singsing na bigay sakin ng daddy niya.
"Look pumpkin, your Dad and I are engaged!" Segundo lang ata lumipas at nakangiti na ulit si Andrea.
Talon siya ng talon papunta samin ni Yuji at niyakap niya kami pareho.
"Mommy! I'm so happy for the both of you! Kailan ang kasal?" Bale, apat na pares ng mata ang nakatingin sakin na naghihintay ng isasagot ko.
Kay Mama, Raven, Andrea at Yuji.
"Hindi ba dapat ikaw ang sumasagot sa tanong nila?" Tapik ko kay Yuji.
"Anytime pwede kitang pakasalan, ikaw lang 'tong may ayaw dahil sabi mo pagkatapos mo ng manganak dahil ayaw mong maglakad sa altar na malaki ang tyan." Asar ba yon? Feeling ko asar yon kaya sinuntok ko pagkalalake niya.
"Charlotte!"
Habang iniinda niya pagkakasuntok ko, tumayo ako habang hawak hawak ang kamay ni Andrea.
"Come on pumpkin, we have to get ready na ma-late kapa."
"How about Lola?"
"Your Lola will leave later, maligo kana at-----what is that?" Hila hila ko na si Andrea paakyat ng hagdan ng mapansin ko ang ilang bagahe sa pinto.
"That will be Mom's baggages. She wants to stay here with you 'till the baby comes. Good luck." Hinalikan ako ni Raven sa pisngi at ginulo ang buhok ni Andrea saka nagmadaling tumakbo palabas ng pinto.
"Raven! Isama mo si Mama mawawalan ako ng bait dito!" Sigaw ko pero nakasakay na siya ng sasakyan niya at umalis na.
"Argh!" Padabog akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.
"Karlota, saan ka pupunta?"
"Papasok po sa trabaho."
"Magtigil ka ang laki na ng tyan mo di ba dapat hindi nasa bahay ka nalang?! Karlota!"
Nagflying kiss na lamang ako kay Mama saka pumasok sa kwarto ko. Napasandal ako sa likod ng pinto at napahawak sa tyan ko.
"There's too many humans in this house. We have to get out of here."
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.