"GET THE FREAKIN' CAR, YUJI! I'M IN LABOR!" All of them got panicked when I yelled. Lalo na't nasa parking lot pa kami.
Kinuha ni Yuji ang kotse at nanguna naman si Marcus na alalayan ako dahil ni tumayo, hindi ko na kaya ng magsimulang sumakit ang tyan ko. Kotse ko ang ginamit dahil mas kakasya kaming lahat doon. Si Yuji ang nagmamaneho, kasama niya si Ria sa harapan habang nasa likod naman kami at nagpag gigitnaan ako ni Andrea at Marcus.
"Just breath, mom. Inhale, exhale." Mando sakin ni Andrea habang hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap na bata ka! Kayo na ni Marcus nun pa?!"
"I'm really sorry. Sasabihin ko naman natatakot lang ako." Naka-semi bukaka na 'ko sa likod at namimilipit sa sakit pero nagagawa ko paring sermunan si Andrea.
"You still lied to me! I'm your mom, you shouldn't be scared of me. Akala ko ba hindi mo type ang lalaking 'to?!" Turo ko pa kay Marcus sa tabi ko.
"Ma'am naman." Sagot ni Marcus.
"Charlotte, save your energy. We can talk about that later." Sabat pa ni Yuji habang lumilingon lingon sa likod.
"Isa ka pa! Kakuntsaba ka ng dalawang 'to!" Bawat sigaw na ginagawa ko kasabay ang paghilab ng tyan ko.
"Char---"
"Bilisan mo magdrive lalabas na anak mo!" Pinapakita sakin ni Marcus at Andrea ang paghinga nila para sabayan ko sila.
Pinagpapawisan na ako ng malamig. Bukod sa sinasabayan ko ang paghinga nila, iba pa ang laman ng isip ko habang tinitingnan sila.
"Ninang, you can do this! Natawagan ko na sila Daddy at Mommy, on the way narin si Tito Jess!" Cheer ni Ria sa harapan. I tried to smile at her but the pain I'm feeling won't let me.
"Aaandrea!"
"Mom, just breat---"
"Do you really want to go?" Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang nakatingin sakanya. Ramdam ko rin na natigilan silang lahat sa tanong ko.
"Mom, we can talk about this lat---"
"Answer me!"
"Yes! I really want to go and build a life with him. I love him, mom." Nakatingin siya sa mga mata ko ng sabihin niya ang mga katagang 'yon.
Mga matang familiar sakin nung mga panahong tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin at bukambibig ang pangalan ni Yuji. Hindi ako makapaniwalang nagmamahal narin ang anak ko. Gusto ko siyang protektahan, alam ko ang pakiramdam ng masaktan at ayokong maramdaman niya yun kaya naging mahigpit ako sakanya. Kahit na labag sa loob ko, kahit na ayaw ko. Kung ikakasaya naman ng anak ko, hindi ako magiging kontrabida don.
"We're here!" Agad na bumaba ng kotse si Yuji at tumawag ng ilang nurse para alalayan ang pagbaba ko.
Naglabas sila ng gurney at tinulungan ako ni Marcus at Yuji na makalabas ng sasakyan.
"Isa lamang po ang pwedeng sumama sa pasyente sa delivery room." Aniya ng isang doctor na sumalubong samin.
"Yuji!" Inda ko, tingin ko rin sakanya na siya ang gusto kong makasama sa pagdeliver kay baby.
"I'll go with your mom, wait for us." Narinig kong sabi niya kay Andrea. Bago pa ako tuluyang bumitaw sa pag-aalalay ni Marcus, kinwelyuhan ko siya palapit sakin.
"Promise me, you will take good care of her." Pawis na pawis ako at nanginginig kong boses na sinabi sakanya.
Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung tungkol saan ang sinasabi ko dahil tingin ko palang, alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko ng dalawang kamay niya at tiningnan ako ng seryoso.
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.