"Mr. Patterson please.""No, Charlotte. You are one of the Professors here that I can't lose."
"Mr. Patterson, this is not me wanting to leave this campus without any reason. This is me begging infront of you to let me go. I cannot work with Yuji anymore, our situation had gone bad to worse."
After lunch at ng klase ko, dumiretso na 'ko agad dito sa head office ni Mr. Patterson para iabot sakanya ang resignation letter ko. Hindi na kami makakatagal ni Andrea dito, hindi rin naman para samin 'to kundi para rin 'to sa kapakanan ni Yuji. Nagkakagulo sila ng pamilya niya ng dahil sakin, ng dahil samin ni Andrea. Kahit na gusto kong magka-ama ang anak ko, kung ganito lang din naman ang kapalit na makakasira kami ng pamilya ng iba, di bale nalang. Masaya naman kami ni Andrea kahit kaming dalawa lang, tanggap din naman niya na kahit gustuhin kong mabuo kami, hindi na pwede.
Sinabi ko na lahat ng dahilan ko kay Mr. Patterson patungkol sa pag-alis ko pero kahit anong sabihin ko ayaw niyang pirmahan yung resignation letter 'ko.
"Charlotte, hindi ang pag-alis mo at ng anak mo ang makakaresolba sa problema niyo. This is you 18 years ago all over again. Remember when you found out that you were pregnant? You got scared, you didn't think, you just flew away and ran away from your problem. Imbes na sinabi mo kay Yuji na buntis ka noon, umalis ka. Sinarili mo yung pagbubuntis mo kahit maraming gustong tumulong sayo. You have your friends, your parents, you also have me but what did you do? You ran away, pumunta ka ng America. Ganun na naman ba ang gagawin mo ngayon? Tatakbuhan mo na naman ang problema mo? Charlotte, you're not a kid anymore. You're a woman, a mother and probably a wife if you would have just fight for Yuji."
Sabi na nga ba hindi magiging madali ang pagpunta ko dito. Alam kong hindi niya ako papayagan at uulanin niya 'ko ng sermon. Lahat ng sinabi niya tama lahat. Hindi ako aapela, sinang-ayunan ko pa nga lahat. But one thing he said was so wrong.
"This is not about Yuji, Lolo. Please be that Lolo who's always been my friend. Hindi yung Mr. Patterson na may-ari ng campus nato na ayaw akong paalisin. You're my friend, be on my side! Scared, weak, fine ako lahat yun! But like I said, this isn't about Yuji. This is about me and my daughter wanting to have peaceful life."
Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang naiintindihan na niya yung pinaparating ko. Napabuntong-hininga siya habang lumalapit sa desk niya. He sat down as he take my resignation letter and looked at me.
"Please, sign it." I begged. Kung kailangang magmukhang nanlulumo yung mata ko para pirmahan niya yung resignation letter, gagawin ko.
Kinuha niya yung ballpen niya at akmang pipirma na ng tumingin pa siya ulit sakin.
"What?" Tanong ko.
"Sinabi ko na kanina hindi ba?"
Nagkasalubong yung kilay ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Anong sinabi niyo na kanina?" Nakatingin ako sakanya habang nagaantay ng isasagot niya ng ilagay niya yung ballpen sa polo niya.
"I told you, I won't sign it."
Kung bulkan lang siguro ako, kanina pa ko sumabog. Inis na inis akong nag-ngingitngit sa upuan ko habang hinahampas yung desk niya.
"Lolo, pirmahan niyo na!" Sigaw ko. Ubos na pasensya ko.
"Hinde!"
"Sign it!"
"No!"
"Sign it!"
"No!"
"FREAKIN' SIGN IT, LOLO!"
"I WILL FREAKING NOT GOING TO SIGN IT, CHARLOTTE!"
BINABASA MO ANG
My Professor, My Love 2
FanfictionYou don't look for Charlotte. Charlotte's gone. You look for MEDUSA. She's not your old student before, because she is now the Professor and everyone is scared as hell of her.