MPML Book 2 (14)

3.4K 90 4
                                    

Friday, gabing gabi na ko nakauwi galing ng training. May mga nakasparring pa ko sumakit naman ng bahagya yung katawan ko. Pagdating ko bahay, tahimik, madilim at mukhang mapayapa ang sala namin ngayon. Walang nagsisigawan at wala akong naririnig na sumbatan nila Mom at Dad. Laking ginhawa para sakin na umuwi ng ganitong katahimik.

Binuksan ko yung mga ilaw pamunta sa kusina at naghanap ng makakain. Nilapag ko sa lamesa yung bag ko at binuksan yung ref, maraming laman yung ref pero syempre inuna kong buksan yung mga topperware, dun kasi madalas ilagay ni Mommy yung mga ulam na tinago nya para sakin. Alam nya kasing gabi na ko kung umuwi, at alam nya ring sa ref ang unang destinasyon ko bago ako dumeretso ng kwarto ko. Mothers knows best ika nga. Para lang akong magnanakaw na nangangalkal ng pagkain sa gabi.

Pagbukas ko ng huling topperware sa dulo, isang bucket ng fried chicken yung nakita ko. Ako nalang naman ang hindi kumakain kaya kinuha ko na yung buong bucket at kumuha ng soda cans sabay akyat ko na agad sa kwarto ko.

Binitawan ko lang yung bag ko sa sahig, at diretso higa ko sa kama ko habang hawak hawak ko yung bucket ng fried chicken. Nakade-kwatro akong nakasandal sa headboard ng kama ko habang binuksan ko naman yung tv at pinapapak yung mga fried chicken ng naka-kamay.

Oggy and the cockroaches ang hilig kong panoorin pag ganitong oras ako nakakauwi. May cd collection ako ng lahat ng episodes nun kaya wantusawa ako, kahit pambata sya tawang tawa ako sa tatlong na ipis na yun. Ramdam ko nga si Oggy dahil kung ako yun at may kasama akong tatlong damuhong ipis sa bahay ko, hinding hindi rin ako matatahimik at araw araw ko silang hahunting'in.

Nakakaapat na fried chicken na ko pero may walo pang natitira. Kasabay ng pagbukas ko ng soda can, sya namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas yan." Sabi ko ng makita ko naman si Dad na dumungaw sa pinto ko.

Pumasok sya at sinarado yung pinto. Nalipat na yung tingin ko sa tv at patuloy na nanonood, umupo sya sa kama ko at nakinood sa tabi ko. Sabay pa nga kaming natawa kay Oggy, sabay kuha nya rin ng fried chicken sa bucket na hawak ko.

Hindi ako sanay na ganyan sya, dahil mas sanay akong sinisigawan nya ko at sasabihan nya kong basagulero. Sa buong buhay kong lumaki sa bahay nato, kahit kailan hindi ako nagkaroon ng katahimikan dahil puro sigawan ang naririnig ko sakanila ni Mommy.

Natapos yung whole episode ng kunin nya yung remote at pinatay yung tv. Napatingin naman ako sakanya dahil Oggy and the cockroaches yon, ayokong pinapakailaman ang panonood ko lalo na kung yun ang pinapanood ko.

"We need to talk." Aniya.

Napailing nalang ako sabay kuha ng fried chicken sa loob ng bucket. Kinakain ko na yun habang inaantay ko naman yung sasabihin nya.

"I've heard that you're still flirting with Ms. Briones, didn't I told you to leave her alone?"

Napangisi naman ako sa sinabi nya. Sa totoo lang, mabanggit palang nya si Medusa nakakaasar na. May nakaraan sila, hindi ko alam kung pinagbabawalan nya ako bilang tatay ko o pinagbabawalan nya ko dahil ex nya yon at ayaw nyang malapit lapitan ko si Medusa.

"No can do." Sagot ko habang ningangata ko pa yung fried chicken na hawak ko.

"She's a Proffessor, Marcus. YOUR Professor."

"Dad, binibiro ko lang si Ma'am. Alam nya yun kaya nga binabalewala lang ako nun. Plus, may tutor session kami kaya ang layuan sya ang pinaka impossibleng mangyari dahil vacant o dismissal dumediretso ako sa office nya."

Pasimple kong tinitingnan yung reaksyon nya sa sinabi ko habang ngumunguya. Halatang nagulat sya pero tinatago nya sakin, as if naman na wala akong nalalaman tungkol sakanilang dalawa diba.

"T-tutor?"

"Yep. Mababa daw mga grades ko sa math eh." Sabay kagat ko ulit.

"Right, so h-how was it going? Was she good, or did she told you something?"

Hindi ko alam kung matatawa ako sa tatay ko o ano, alam kong gusto nyang malaman kung nagkukwento si Medusa sakin tungkol sa kanilang dalawa. I could tell him that she did told me half of their story when she was totally drunk but nah.

"She's good. I mean si Medusa yun, tinaguriang Math Goddess ng campus so yeah, she's really good."

Para naman syang nakahinga ng malalim sa sinabi ko.

"And she's really pretty, Dad. Alam kong 30+ na sya pero alam nyo yun hindi halata sa mukha nya? Mas mukha nga syang bata sakin, yun nga lang nagsusungit sya kaya nagmumukha talaga syang matanda."

"Hey, stop talking to your Professor like that." Natawa naman kami pareho.

Magkatabi lang kami sa kama at nagkukwentuhan habang kumakain ng ako naman ang magsalita.

"Gusto nyo bang sabihin ko kay Medusa na kinakamusta nyo s--"

"NO!"

Nabitawan ko naman yung chicken na hawak ko sa pagsigaw nya.

"I mean, she d-doesn't have to know that we're talking about her. She's doing great and that's good to know."

Nabubulol nyang paliwanag. Nagnod nalang ako sakanya kahit ang totoo natatawa ako sa reaksyon ng mukha nya. Natahimik kami pareho ng napagdesisyunan nyang umalis na sa kwarto ko.

"Hey, turn off that Tv after you watch. Lagi mong nakakatulugan yang bukas."

"Yes, sir." Nagsalute pa ko sakanya at napangiti ko naman sya.

Ginulo naman nya yung buhok ko at tumayo na palabas ng kwarto ko. Mabait si Dad, he's actually a really cool Dad that you want to hang out with. Ayun nga lang kung manermon, tinalo pa DJ sa radio na hindi ka titigilan hangga't hindi mo inaamin yung kasalanan mo. And my Mom? She's great. The one and only woman that means the whole world to me. They both look together and they're really good parents pero kahit kailan hindi sila nagkakasundo.

Minsan iniisip ko nalang, ganun siguro talaga pag buhay mag-asawa.

Naglalakad na palabas ng kwarto ko si Dad ng yumuko sya na parang may pinulot sya sa sahig at humarap sakin.

"Marcus."

"Yeah?"

"Where did you get this necklace?"

Hawak hawak nya yung necklace na nakuha ko sa office ni Medusa nung nakaraang araw. Yung silver necklace na may pendant na crown at lettering sa likod na 'I will always be here, Ms. Briones.'

"Oh that. Napulot ko lang sa ilalim ng desk ni Ma'am Briones. Nalaglag kasi yan nung nasipa ko yung desk nya, pretty right?"

Hawak hawak lang ni Dad yung necklace at tinititigan nya yun ng mabuti ng tumayo ako at kunin sakanya yun.

"Nakalimutan ko 'tong ibalik sa desk ni Medusa, nalaglag pala sa bag ko. Thanks Dad." Inakbayan ko sya kasabay ng pagkuha ko sa kamay nya ng necklace.

Hindi sya nagsasalita, hindi sya gumagalaw. I can tell from his face na namumukhaan nya ang necklace na yun, na para bang may naalala sya sa unang kita nya palang dito.

Hindi kaya si Dad ang nagbigay ng necklace nato kay Medusa?

"Dad, you alright?" Tapik ko sakanya. Nakatulala na sya eh.

"Y-yeah, s-sure. You should give that necklace back to her, malay natin baka i-importante pala sakanya yan."

Nabubulol na naman sya. Bumalik naman ako sa kama ko at tumalon ng pahiga doon.

"Nah, gagamitin ko to para maging mabait sya sakin. Palagi nya kong sinusungitan eh."

"Marcus." My Dad just glared at me.

"Oo na ibabalik na. Joke lang e."

"Good. Sigaruduhin mong bukas hindi ko na makikita ang necklace na yan sayo."

"Yeah yeah." Hinagis ko lang yung kwintas sa unan ko at binuksan ko na ulit yung tv para manood ng Oggy.

Tinititigan pa ulit ni Dad yung kwintas bago sya lumabas ng kwarto ko. Sa kilos palang nya,  sigurado na kong sya ang nagbigay ng crown necklace na yun kay Medusa.

---

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon