WALANG NAGAWA SI Welcy kundi ang tumugon din sa halik ni JD. Lalong lumalim at tumagal iyon dahil sa ginawa niya.
Nang pakawalan nito ang mga labi niya ay kapwa nila habol ang mga hininga nila. Napakapit siya sa balikat nito habang panay pa rin ang akyat-baba ng dibdib niya.
JD's hands went to her left cheek. Iniangat nito ang mukha niya nang nasa baba na niya ang kamay nito. Kahit na nahihiya ay tumingin siya dito. Hindi man siya nakakabawi ay hinalikan ulit siya nito.
Sa kung ano mang pagkakataon ang meron ay bigla na lang sabay na nagring ang mga cellphone nila. Napakagat-labi si Welcy at saka lumayo kay JD ng kaunti.
Nang mag-angat siya ng tingin ay nakatingin lang ito sa kanya na parang walang pakialam na may tumatawag.
"Kailangan na ako sa practice room, I have to go," aniya.
"Okay."
She smile. This time it was her who kiss him on the cheeks. "Salamat sa pagdalaw. Na touch ako."
Her heart melt when JD's smile was enough to make her almost cry. Kahit hindi malapad ay lumaki iyon kesa sa dating ngiti nito na napakatipid.
"Wala yun. Para sayo."
Ngumiti siya at saka binuksan na ang pinto. "Bye, ingat sa pagdrive ha?"
"Aye."
Kumaway siya ng umalis ito. Buo na naman ang araw niya. Nakangiting bumalik siya sa practice room.
"SO, THAT MEANS MAHAL mo pa talaga?"
"Kahit naman nagalit ako sa kanya, hindi naman nagbago ang nararamdaman ko sa kanya. I still love her, Jadd," ani JD.
"Wow, bilib naman ako sayo. Well, I guess maalala niya na may nagawa rin siyang kasalanan sayo."
"Matagal na yun. And isa pa mga bata pa tayo noon."
"Mahal mo nga, sige na, ikaw na."
Natawa si JD. "Dadahanin ko lang. Ayoko siyang biglain."
"Cheers to that," anito at itinaas ang basong hawak.
"Cheers."
"ANAK! NAPATAWAG KA? Gabi na diyan diba? Aren't you sleeping?" sunud-sunod na tanong ng ina ni Welcy.
Tumawag kasi siya dahil may napanaginipan na naman siya. Not exactly a dream, but a memory.
"Uhm, I think my memories are coming back, mom," she said and sigh.
"Really? Isn't that nice? May naalala ka na."
"Yeah. But it isn't clear yet."
"Honey, don't be so hard on yourself. Maalala mo rin lahat at magiging clear din yan. Just don't stress your self out, okay?" anito sa malambing na tono.
She smile. Her mom always soothes her discomfort. Alam nito ang lahat ng kanyang nararamdaman.
"Oh by the way, your dad and I are coming over to visit you. Its kind of a vacation, para naman makita ka namin," anito.
"Really? That would be great, mom. I'll see you then," sabi niya.
"Yeah. 'Cant wait, sweetheart. And don't fetch us okay? Baka pagkaguluhan ka ng mga tao. Okay?"
"Yes mom. Just call me kapag nasa hotel na kayo, I'll go there."
"Alright. Now go to sleep. I'll call you soon, okay? I love you, honey, take care. Bye."
"Okay, mom. I love you too, bye."
Itinabi na niya ang cellphone at saka humiga ulit. She close her eyes. Bakit niya naalala iyon?
BINABASA MO ANG
A Love That Started With A Gift (COMPLETED)
FanfictionThird installment of Yes, Its Love. Same Characters, just adding a few. Main Characters: Wendy Son as Welcy Son JB as JD Park Please do not take it against me about the pairing. Thank you in advance for reading. The Synopsis is part of the story...
