Chapter 15

70 5 0
                                    

HUMIWALAY SINA JD at Welcy sa grupo matapos ang photoshoot. Matapos nilang kumain ay nagpaalam sila sa mga managers nila kaya driver na lang ng G7 ang makakasama nila dahil hindi dala ni JD ang kotse niya.

Habang nasa kotse sila ay panay ang halik nito sa kamay niya habang nakasandal sa headrest ng upuan at nakapikit. Welcy on the other hand just smile on what JD is doing.

"Pwede namang umuwi na lang tayo. Pagod ka na," aniya.

"No, I'm not. I'm totally fine," sagot nito at saka dumilat at ginawa ulit ang paghalik sa kamay niya.

"Di nga."

Tumingin ito sa kanya. Napangiti siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga ginagawa nito sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta kasi?" aniya at umiwas dahil hindi na niya kaya pang tagalan ang tingin nito.

"You'll see."

Mayamaya ay huminto sila sa isang gusali. Nang tingnan niya ay nasa JYPE sila. Tumingin siya dito nang nasa labas na ito. Pinasuot siya nito ng mask at cap.

"Kailangan ba talaga to?" she ask.

"Just in case," he said and smile.

Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan nito ang pagbaba niya. Isinuot din nito ang mask at saka dumaan sila sa basement. Mabuti na lang at wala ng mga nakabantay na mga press.

Pumasok sila sa elevator at saka pinindot nito ang 18th floor. Tinanggal na nito ang mask at ganoon din siya. Nang makarating sila sa 18th floor ay hinawakan nito ang kamay niya.

"Ano'ng gagawin natin dito sa rooftop?" tanong niya.

"Pass the time? Until 12 am?" nakangiting tanong nito.

Napataas ang kilay niya. "Seryoso?"

Natawa ito. "I just want to spend more time with you."

Napangiti siya nang yakapin siya nito mula sa likuran. She cross her arms to hug his arms on her waist.

"I'm happy to spend my time with you without cameras. I can do what I want," bulong nito sa kanya.

Natawa si Welcy. "Huwag kang ganyan. Meron pa rin tayong bawal gawin."

"I know."

Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I love you, Wels."

Ngumiti siya at saka humarap dito. Tiningnan niya ito at saka hinaplos ang pisngi nito. Hinalikan nito ang harap ng kamay niya na nasa pisngi nito.

"I love you too."

He smile and kiss her in the lips. Welcy cupped his other cheeks and kiss him back. Hinapit siya nito papalapit at saka pinalalim ang halik. May pagmamadali na pagsuyo ang halik nito.

"J-JD..." anas niya nang nasa leeg na niya ang mga labi nito.

"Hmmm..." anito at saka bumalik sa mga labi niya ang mga labi nito.

Marahan niya itong itinulak dahil naging malikot ang mga kamay nito. Humihingal na pinagdikit nito ang mga noo nila at saka tiningnan siya. Pati siya ay hinahabol din niya ang hininga.

"I miss you," ani nito at hinigpitan ang hawak sa baywang niya.

"A-alam mo bang pangalawang beses mo na yan sinabi?" napangiting tanong niya.

"I know," anito at muli siyang hinalikan sa mga labi.

Welcy smile and kiss him back too...again.

"KUYA VAN, SA LIKOD na parking po tayo," JD said to his driver.

"Okay."

Nang makapark na ang sasakyan ay lumabas sila ni JD. Kung sakasakali man na meron si Welcy na pagtaguan kung saan walang makakakita sa kanila ay sa 2nd floor car park iyon ng SME. Exclusive lang kasi sa mga tagadoon ang pwede.

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon