"HOY!" SAWAY NI WELCY kay Jane. Ngumisi ito at natawa naman sina Sandy at Yassy.
Nang humarap siya kay JD ay nagulat siya dahil hinalikan siya nito sa mga labi. Nanlaki ang mga mata niya.
Ngumiti ito ng magaan habang napatili naman ang mga ka grupo niya. Nahihiyang tumawa siya at saka hinampas ito sa balikat ng mahina.
"Kain na tayo, baka langgamin na yung mga pagkain ang sweet niyo diyan. Tara na," wika ni Yassy.
Natawa si JD ng mahina habang napailing siya.
"Ikaw talaga, tara na," yaya niya at saka hinawakan na ito sa braso.
"SALAMAT SA PAGKAIN," ani Welcy kay JD habang bumababa sila sa hagdan papuntang car park.
"You're welcome. Pa-congratulations ko," anito.
Welcy smile. "Ang galing mong mangsurprise. Nagulat talaga ako."
Ngumiti rin ito. Ngiti na hindi nito pinakita sa kanya dati. Nang makarating sila sa kotse nito ay humarap ito sa kanya.
"Salamat ulit. I enjoyed," sabi niya.
"Para sayo wala yun."
Sandaling namayani ang katahimikan sa kanila. Hinawakan nito ang kamay niya. Napatingin siya dito. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila.
Ngumiti ito at saka may iniaabot na maliit na box. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito.
"I bought that last month sa London noong may concert kami doon," anito.
Binuksan niya iyon at nakita niya ang bracelet na may pangalan niya. Napangiti siya nang tumingin kay JD. Nakangiti rin ito.
"Para saan?"
" You gave me this one, so I thought I should too. A token of mine saying thank you," anito.
"Wow, I never expect you to be this sweet. But, anyway, thank you. I like it," aniya.
Kinuha nito ang bracelet sa kahon at saka isinuot sa kanya. May pagkapareho rin iyon sa ibinigay niya rito pero iba lang ang disenyo. Welcy smile when JD was done.
"Salamat."
Kinuha nito ang kamay niya at saka hinalikan ang likod ng palad nito. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
"Ang sweet mo yata ngayon, Mr. JD Im," aniya.
"Para makuha ko na ang oo mo, Miss Welcy Son," anito at saka siya hinapit papalapit dito.
Napakurap siya dahil konti na lang ang agwat ng mga mukha nila. Napakapit siya sa balikat nito.
"Alam mo na hindi lang kita gusto. I want us to be more than just like that," sabi nito sa malumanay na boses.
Natawa siya ng mahina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil kinikilig siya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" seryosong tanong nito.
"Hindi. Kasi ano, uhm, ang straight-forward mo masyado."
"I can't believe na seryoso na nga ako, pagtatawanan mo pa ako."
Niyakap na lang niya ito at saka tumawa ng magaan. "Sorry."
Hindi ito nagsalita pero niyakap din siya.
"I love you," anito mayamaya.
Welcy smile. Bumitaw siya at saka tiningnan ito. "You do?"
"Yeah, I really do."

BINABASA MO ANG
A Love That Started With A Gift (COMPLETED)
FanfictionThird installment of Yes, Its Love. Same Characters, just adding a few. Main Characters: Wendy Son as Welcy Son JB as JD Park Please do not take it against me about the pairing. Thank you in advance for reading. The Synopsis is part of the story...