Chapter 28

61 3 0
                                    

"SAAN KA GALING? Bakit ngayon ka lang dumating?" tanong ng manager ni Welcy sa kanya.

"Sorry po, Manager Shin. Nahirapan akong maghanap ng taxi."

"Taxi? Eh sana tumawag ka. Kanina pa kami nag-aalala sa yo," sermon nito, napalakas ang boses.

"Pasensya na po. Hindi na mauulit," hinging-paumanhin niya.

"Kung lalabas ka, magpaalam ka ng maayos, ng sa ganoon ay hindi kami mag-alala sayo," wika nito sa malumanay ng tono.

"Opo."

"Magpahinga ka na."

Nagbow siya dito at saka dumiretso sa kwarto niya. Pabagsak na humiga siya sa kama. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganoon.

"Wels?"

Napamulat siya ng mata at saka iniaangat ang ulo. It was Ate Ivine. Umupo siya ng maayos at saka niyakap ito ng makaupo ito sa kama.

"What happened?"

"I screwed up. Inaway ko si JD."

"Bakit?"

"I-I don't know. Nabigla lang siguro ako. I thought pagbalik ko andiyan pa siya, pero iniwan na nga niya ako."

"Did you call him?" tanong ni Ate Ivine.

"No. Baka mag-away lang kami lalo. Maybe its best kung magpalamig muna kami. Lalo na ako."

Napabuntong-hininga ito. "Wels, alam mo namang kapag may problema ka andito naman kaming apat nina Sandy. Hindi mo kailangang magsolo sa problema mo. If anything happens to you, kargo ko yun, dahil ako ang binilinan ng mommy mo na tingnan ka lagi."

"I'm s-sorry, ate. I did't mean to walk out earlier.  Ginawa ko lang yun para hindi kami mag-away ni Aki. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito."

Hinaplos nito ang buhok niya. "You're just confused. Naiintindihan namin, pero just don't let confusion get into you. Baka kung ano na naman ang maisip mo."

She smile weakly. "Thanks, a-ate. Sa lahat, it was really hard noong mga panahon na wala ka dito. That was the time na naalala ko lahat."

"Ano?"

"Yeah. But I pretend not to kasi ayokong mag-alala sina Sandy. But that time, it was not yet a full memory, nang tuluyan kang makabalik, saka ko naalala ang lahat. And that made me feel guilty dahil sa kasalanan ko kay JD."

"When I told JD about it, he said he already forgive me. I felt relieved, but when we saw Marian in the shop, and when she slapped me, alam ko kung sino siya. I just pretended not to dahil ayoko ng gulo, but knowing her, that made the situation worse, tinanggap ko lahat dahil ayokong malaman ng tao ang totoong dahilan," mahaba niyang sabi.

Niyakap siya ni Ate Ivine. "Ngayong sinabi mo yan, alam ko na at naiintindihan kita. Ang payo ko sayo, try to reassess everything. Find a way to make a closure with Marian. Alam kong may natitira pang kabutihan sa kanya. But just in case, we got your back. Hindi ko hahayaan na saktan ka pa niya ulit, okay?"

"Thanks, ate."

Hinagod lang nito ang likod niya bilang tugon. Maybe she''s right. She has to think of something to talk to Marian- in a good way. Para matigil na ito sa panggugulo nito sa kanya at kay JD.

I SENT SOMETHING. Ganoon din kay Welcy. I hope you'll both like it. 😉

Biglang uminit ang ulo ni JD nang mabasa ang text message mula ka Marian. Naiinis na tinapon niya ang cellphone sa pader. Nabasag iyon.

"Plano mo ba talagang sirain ang kawawang cellphone? Nakailang palit ka na, JD," narinig niyang wika ni JM.

"She is so nuts! Damn!"

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon