Chapter 31

72 4 0
                                        

"AYOS KA LANG, WELS?" tanong ni Kuya Brace kay Welcy.

Nasa bahay siya nito at ni Ate Ivine. Doon siya namalagi dahil pinakiusapan siya ng huli. Weekend naman kaya pumayag siya. Sa hindi malamang kadahilanan, busy ang tatlo nilang kasama na ipinagtataka nila.

Natigil siya sa pakikipaglaro sa mag dalawang taong gulang na anak nito na si Bryce. Ngumiti siya dito at saka tumango.

"Yeah. Si ate?"

Kinarga nito ang anak bago sumagot. "Nasa kusina. Sinabihan akong sunduin kayo kaya tara, baba na tayo."

"Okay."

"O, upo ka na dito, tamang-tama at tapos na kami ni Manang magluto," ani Ate Ivine nang makababa siya. 

Ngumiti si Welcy. "Thanks, ate. Bagay ka na nga talagang maging mommy."

Natawa ito. "Sus. Binola mo pa ako. Sweet, halika na dito. Akin na si Bryce."

"Andyan na, mommy," sagot naman ni Kuya Brace sa batang boses.

Natawa si Welcy dahil humagikgik ang inaanak niya.

"Sayang wala sina Sandy," sabi ni Ate Ivine habang kumakain na sila.

"Oo nga, ate eh. Ewan ko ba, may mga lakad eh."

"Eh bakit ikaw? Wala kayong date ni JD?" tanong ni Kuya Brace.

"Busy sila ng mga kagrupo niya. Nasa Daegu daw sila dahil may taping sila sa isang show na ininvite sila."

"Oh."

"Its quite weird this past few days."

Napalingon siya kay Ate Ivine. "Bakit ate?"

"Walang Marian na nagtitext sayo o kay JD. Don't you think she really stopped?"

"I hope so, ate. Sana nga tumigil na siya."

"You have a lot of security if ever, don't worry," Kuya Brace said and smile.

Ngumiti rin siya. "Thanks, kuya."

"Ihahatid ka namin mamaya. Para makasiguro lang, mahirap na," sabi ni Ate Ivine.

"Okay. Thanks, ate."

"Sige na, kumain ka na. We'll watch a movie dahil maaga pa naman."

"Alright."

GUSTO KONG MAGUSAP tayo, JD. Tayong dalawa lang.

Nagsalubong ang mga kilay ni JD sa text message galing kay Marian.

"You are so nuts," mahina ngunit nakatiim ang bagang na sabi niya.

"Who?" narinig niyang tanong ni Miro sa likuran niya.

Hindi siya sumagot dahil sinilip naman nito ang cellphone niya. "Is that Marian?"

"Sino pa ba."

Naiinis na tinapon niya sa sofa ang cellphone niya. Miro saved it bago pa man lumanding sa sahig.

"Ayan ka na naman, sisirain mo tapos magpapalit ka din."

"She really is pissing me off!" naiinis na sabi niya.

"Sino?" tanong naman ni Brix.

"The lunatic," Jordan answer for him.

Akmang magsasalita pa siya pero nagring ang cellphone niya. JM toss it to him. Nang tingnan niya ay parang nabunutan siya ng tinik. It was Welcy.

"Hello, hon?"

"Wow, ang bilis mong sumagot kahit na nakadalawang ring pa lang."

Napakunot ang noo niya. It wasn't Welcy. Inilayo niya ang aparato sa tenga niya at muling tiningnan ang pangalan. It was really Welcy's number.

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon