Chapter 2

77 4 3
                                        

"ARE YOU IN LOVE with JD na ba?" tanong ni Ate Ivine kay Welcy.

Napatingin siya dito. Tumawa lang siya ng mahina. "Ate, that's absurd."

"No, it isn't. Aminin mo na kasi. Ako lang naman ang makakarinig."

She sigh. Ano nga ba? "Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. I just feel na I want to be close to him. I find him so mysterious, I just, you know, want to see him smile."

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan," anito at umiling pero nakangiti naman.

Natawa siya ng magaan. "Me either."

"Pero kung sa tingin mo na wala talaga siyang pakialam, kung hindi ka niya talaga papansinin diyan sa pinagkakagawa mo, tigilan mo na, bago ka pa mahulog sa kanya at hindi na lang crush ang nararamdaman mo," anito.

"Ate, I just want to befriend him. Hindi naman siguro aabot sa ganun," sabi niya.

"You never know. Baka isang araw, masabi mo na lang sa sarili mo na mahal mo na pala siya," wika nito.

Truelalu, girl. Baka mahurt si heart, kawawa.

"Thanks, ate. I'll keep that in mind."

Ngumiti ito. Ngiting nauwi sa ngiwi. Sinapo nito ang tiyan kaya bigla siyang napatayo at lumapit dito.

"Ate, are you okay? Sumipa ba si Bryce?"

"Y-yeah. She's doing that almost every minute," sagot nito. "I'm okay, maupo ka na."

"Malapit ka na kasing manganak, 1 and a half months na lang lalabas na ang inaanak ko," sabi niya at ngumiti.

The lady smile back. "Yeah. And I can't wait."

"Are you alright? Bigla kang nalungkot? Aren't you happy?" tanong niya dahil biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito.

Tumingin ito sa kanya. Ginagap nito ang kamay niya. She smile a little. "I am. But I just thought na matatagalan pa bago ako makakabalik."

"Ate naman eh, ano ka ba? Di ba sabi namin ayos lang yun. And besides, hindi aksidente kung bakit nabuo si Bryce. She is made with love, di ba?" nakangiting turan niya.

Pinisil nito ang kamay niya. "Salamat. I'm so lucky to have you and the girls."

"We've known each other for almost 7 years, syempre, para sayo magiging happy kami, kasi happy ka din, kaya don't feel guilty at all, okay?"

"Okay."

"Alam mo, ang drama na natin, tigilan na natin at baka maiyak ka pa, bawal pa naman sayo ma stress. Ang mabuti pa, bumaba na lang tayo at baka luto na ang hapunan."

"Sige," nakangiting wika nito.

Tumayo siya at saka inalalayan ito. Nang nakatayo na ito ay sakto namang may nagsalita.

"Hey, careful," anang boses sa likuran nila.

Sabay silang napalingon at si Kuya Brace ang nakita nila. Lumapit ito kay Ate Ivine at niyakap ito. Ate Ivine smile and hug the latter back.

"Hi, love. Are you okay?" tanong ni Kuya Brace at hinawakan sa baywang at kabilang kamay si Ate Ivine. Nakangiting binitiwan niya ang isang kamay nito.

"Yeah. Welcy's helping me up. Bababa na sana kami," wika ni Ate Ivine.

"Maaga ka yata ngayon, kuya. Tapos na ba ang shooting mo?" nakangiting tanong niya.

"Yep. Medyo na traffic lang. Anyway, let's go down kasi handa na ang dinner, mauna ka na Wels, ako na dito, sususnod kami," sabi ni Kuya Brace sa kanya.

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon