NASA ISANG BOOK STORE si Welcy dahil may bibilhin siyang libro.
Mag-isa lang siya dahil ayaw siyang samahan ng mga kagrupo kahit na gusto ng mga ito. Pagod kasi ang mga ito sa rehearsal nila kanina. Ate Ivine who is coming back after her hiatus for almost 2 years cannot accompany her dahil pagod din ito sapagkat nanibago muli ang katawan nito.
She understands dahil si Bryce ang mundo nito nang lumabas ang bata. Kaya ito bumalik dahil nagpresinta daw ang mga magulang nito na doon na muna sa bahay na binili ni Kuya Brace para naman daw makabalik na si Ate Ivine sa grupo.
Alam kasi ng mga magulang nito na mahal din nito ang pagiging isang artist at sila na mga members nito. Labis ang saya nila nang sabihin nito sa kanila na babalik na ito.
Kaya kahit pagod din siya ay umalis pa rin siya dahil pinayagan naman siya ng manager nila at saka kasama niya ang driver nila.
Nakasunod lang ito sa kanya para bantayan siya dahil iyon ang utos ni Manager Shin rito.
Kailangan niya ang libro na hinahanap dahil ibibigay niya iyon sa daddy niya. Birthday kasi nito sa makalawa kaya ipapadala niya iyon sa Canada.
Tumawag kasi ito sa kanya na ubos na daw ang copy niyon doon kaya naghanap siya para supresahin ito.
Ipapadala na niya iyon mamaya pagkabili niya. Nang matapos siyang magbayad at ipabalot ito sa gift wrapping section ay ipapadala na niya ito dahil nasa mall siya kaya inasikaso na niya lahat.
Nang matapos ay aalis na sana siya pero nakabangga siya sa isang babae nang lumingon siya.
"Oh, sorry, miss," aniya.
Nakahood at shades siya kaya walang masyadong nakakakilala sa kanya. Malamig kaya naka dalawang layer siya ng damit na nasa ilalim ng jacket.
"Wow, look who's here. Welcy Son," anang babae.
Napakunot ang noo niya dahil hindi niya ito nakikilala. "Uhm, h-hi."
"Fancy seeing you here alone," anito.
She took of her shades. Hindi talaga niya ito kilala. "Sorry, but uhm, what's your name?"
"Come on, how can you forget someone like me? Its Marian Yoo," anito.
"Oh ahm, s-sorry. Hi M-Marian? Hi, its uhh, nice to meet you," wika niya.
"Goodness, naging sikat ka lang hindi mo na ako kilala. Nakakainis ka," anito at tumawa.
She smile awkwardly. "S-sorry."
Nakaramdam si Welcy ng pagkahilo pero hindi siya nagpahalata. Kinakailangan niyang umalis at baka bigla siyang himatayin sa harap nito at mapansin pa siya ng mga tao.
"Pasensya ka na, Marian. I still have something to uhm, do. M-may rehearsal pa kami mamaya, nice to see you, bye," aniya at saka sinenyasan ang driver niya.
Agad naman na nakuha nito ang ibig niyang sabihin kaya inalalayan siya nito sa van. Pero nang paakyat na siya sa loob ay bigla na lang siya nahilo and suddenly everything went black.
"ATE IVINE, MADALAS NA talagang mangyari to kay Welcy. Nababahala na ako," wika ni Sandy kay Ivine.
Ivine sigh while caressing the forehead of the unconcious Welcy. Agad na tumungo sila sa parking lot nang tumawag ang driver nila sa kanya kahit na wala pa ito nakarating. Naging madalas na nga ang pagkahilo nito dahil sa unti-unting pagbabalik ng mga memorya nito.
Her doctor in Seoul consulted by her parents said that it will happen whenever she remember anything. Kaya sinabihan sila nito na lagi nila itong bantayan. Kaunti lang ang nakakaalam. Silang apat, ang manage nila, si Aki at panghuli si Brace.
BINABASA MO ANG
A Love That Started With A Gift (COMPLETED)
FanfictionThird installment of Yes, Its Love. Same Characters, just adding a few. Main Characters: Wendy Son as Welcy Son JB as JD Park Please do not take it against me about the pairing. Thank you in advance for reading. The Synopsis is part of the story...
