Chapter 26

61 5 0
                                        

IT IS A NICE THOUGHT to know that you got someone to lean on despite the hardship that you are going through. How are you guys?  ☺

Napangiti si Welcy sa caption na ipopost niya. Pinindot na niya ang post at saka ibinaba ang cellphone. Nasa café siya ngayon at naghihintay kay JD. Malayo kasi ito sa café na lagi nilang pinupuntahan.

Halos mapatalon siya sa gulat dahil biglang may humalik sa pisngi niya. Umangat siya ng tingin at nakita niya si JD na nakangiti. Nakatalikod kasi siya sa entrance ng café.

Marahan niya itong hinampas sa dibdib nang makaupo ito sa tabi niya. He gently kiss her on the cheeks. She was thankful that no one is sitting near them at nasa dulo sila ng café nakapwesto.

"Hi," bati niya. Sumandal siya sa balikat nito.

"Sorry, medyo traffic lang," anito.

"Its okay. I'm not here long enough."

"Did you order already?"

Umiling si Welcy. "Not yet."

"Okay, I'll go and order. Then we go."

"Huh? Saan?"

"Di ba sabi mo may sasabihin ka? I know somewhere. Same order?"

Tumango siya.

"Okay, wait here."

NAPANGITI SI WELCY habang sinasamyo ang malinis na simoy ng hangin sa kinaroroonan nila ni JD.

Dinala siya nito sa isang baybayin na bihirang puntahan ng mga tao. Swerte sila dahil walang tao doon ng mga oras na iyon.

Naramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likuran. Idinantay nito ang baba sa balikat niya at hinigpitan ang pagyakap sa baywang niya. But Welcy feels the gentleness in his touch.

Hinawakan niya ang mga braso nito na nasa baywang niya.

"This is relaxing," wika nito.

"Its nice here," she agreed.

"Its really nice dahil kasama kita," turan nito. Napangiti si Welcy dahil humihirit na naman ito.

"Humihirit ka na naman," magaan na tumatawang wika niya.

Natahimik siya dahil niyuko siya nito at hinalikan sa mga labi niya. Para hindi sila mahirapan ay humarap siya dito. Welcy responded with the same intensity of JD's kiss.

"I love you," anito matapos siyang halikan. Bago pa man siya makasagot ay hinalikan ulit siya nito.

Paano ko sasabihin sa kanya na naaalala ko na lahat?

Eh di sabihin mo, ang dali kaya niyan, anang isip niya.

Hoy hindi ah. Hindi madali yun, kontra ng isa.

Napahigpit ang hawak niya sa balikat nito nang pakawalan nito ang mga labi niya. When their eyes met, she smile at him, JD did the same.

"I love you too, hon," she breathed out. Welcy caress JD's face and look at him dreamingly.

He laugh lightly and hug her. Napahugot siya ng hininga bago iyon nilabas.

"Ang lalim naman nun," anito.

Hindi siya sumagot. Hinigpitan lang ang pagyakap dito.

"Di ba may sasabihin ka?"

Napatingin siya dito. "Can we uhm talk about it next time?"

"Akala ko ba importante yan?"

She sigh. "Y-yeah. But I'm not ready yet."

"Hon, kung ano pa man yan I'm sure magagawan ng paraan yan," anito at kumunot ang noo.

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon