ABALA SI WELCY sa pagbabasa ng mga comment ng mga tao sa latest post niya. Nasiyahan siya dahil halos lahat ay positive ang mga comments.
Nasa dorm siya ngayon at nagpapahinga. Mamayang hapon kasi ay may interview siya sa Hot Issues. Pinaunlakan niya si Miss Lizzy dahil kaibigan naman niya ito at alam niyang hindi siya nito tatantanan hanggang sa pimayag siyang magpainterview.
"Wels?"
Napaangat si Welcy ng tingin nang tawagin siya ni Ate Ivine. "Bakit, ate?"
"Ready ka na later? Sasamahan kita papunta doon, susunod na doon si Manager Shin," sabi nito.
"Oh, okay. Uhm, yeah, I'm ready. Mag-aayos lang ako mamaya para early tayo sa set," aniya at ngumiti rito.
Ngumiti rin ito at hinaplos ang braso niya. "Okay. Its good dahil mabilis lang ang paghilom ng mga sugat mo."
"Oo nga. Its a relief too," aniya.
"Yeah."
"Ate..." tawag niya rito.
Mula sa cellphone nito ay nilingon siya nito. "Hmm?"
"I almost forgot to say it to you. Nagawa ko na sa iba, sayo na lang hindi," aniya.
"What is it?" napakunot ang noo na tanong nito.
"Thank you," turan niya at niyakap ito. "Dahil simula noon, you were more than just a friend to me. Alam kong nag-alala ka ng husto last two weeks ago. Gusto kong malaman mo na lahat ng pag-aalaga mo sa amin, sa akin, naaappreciate ko lahat yun. Salamat."
"Alam mo namang kahit sinabihan ako ng mommy mo na bantayan, gagawin ko pa rin naman kahit hindi dahil alam kong kailangan mo ng makakaramay noong mga panahon na wala ka pang maalala ng husto. Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin dahil ginawa ko lang ang part ko bilang nakakatanda sa ating lima. Magkaramay tayo sa lahat ng problema at sa kung ano pa mang unos ang mapagdadaanan natin," mahabang sagot nito at saka ngumiti.
Ngumiti rin siya. It was true that the group is indeed lucky to have her. Simula kasi noong magsama na sila sa iisang bubong ay halos ito ang gumagawa ng lahat. Kung tutulong naman sila ay lagi sila nitong sinasaway at pinapaupo na lang sila na sa kalaunay hindi na nila sinusunod at kahit pinagagalitan sila nito ay hindi sila natitinag at tinatawanan lang ito. Ate Ivine is really a down-to-earth person. Siguro kung ano man ang natanggap na biyaya nito ay dahil iyon siguro sa ugali nito.
"Alam mo, bago pa tayo umiyak dito, maghanda na tayo at baka malate pa tayo sa interview mo. Aayusan ka pa ng stylist natin," anito at tumayo.
Natawa siya at tumayo na rin. "Right."
"OH, HI JD, ITS NICE to see you here. May schedule ka dito?" tanong ni Lizzy kay JD nang daanan niya ito sa dressing room nito.
"Hi, uhm, wala, Miss Liz. Napadaan lang," aniya at ngumiti.
"Naku, napadaan dahil guest ko ang girlfriend mo. Tama no?" tukso nito.
Natawa siya. Napakamot siya sa batok. "Well, yeah. I just want to surprise her."
"I can help with that. Maybe after my interview with her, pwede na natin siyang i-surprise. What do you think?"
"Looks fine. But what kind of surprise?" tanong niya.
NANG MAKARATING sina Welcy at Ivine sa building ng MCs ay agad na dumiretso sila sa waiting room na sinabi sa kanila ni Manager Shin.
Nang makapasok sila ay nandoon na ito at nakikipag-usap sa mga stylists nila. Agad na inayusan na siya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
A Love That Started With A Gift (COMPLETED)
FanfictionThird installment of Yes, Its Love. Same Characters, just adding a few. Main Characters: Wendy Son as Welcy Son JB as JD Park Please do not take it against me about the pairing. Thank you in advance for reading. The Synopsis is part of the story...