Chapter 14

70 5 0
                                    

NAPANGITI SI JD nang makita ang Red Violet na papasok sa building kung saan isoshoot ang para sa magazine.

"Kumpleto sila kaya pala pinagkakaguluhan," ani Brix na nasa tabi na pala niya.

"Oo nga. Baka manonood ang iba," ani Miro.

Natawa si JD nang mahina. "For sure maingay ang studio mamaya."

"Kasi alam namin na da the moves ka na naman."

Napailing na lang si JD sa tinuran ni JM.

"Boys, paakyat na si Welcy. Maghanda na kayo."

"Ok po," ani Jordan.

Sa labas sila inaayusan nang lumabas sa elevator ang Red Violet. It looks good to see them again together after 1 year and 9 months na apat lang ang active. Ivine is still hiatus dahil sa anak nito kay Brace Park.

The girls greeted the staffs and their manager. Dahil inaayusan pa si JD ay hindi siya makalapit kay Welcy. But the boys who are done did.

"Kumpleto kayo ngayon ah," Jordan beamingly said.

"Yeah. Walang schedule si Brace kaya nakasama ako," ani Ivine.

"Tapos na kaming ayusan. Upo ka na Welcy," wika ni Miro.

"Okay, salamat."

Nang makita niya si Welcy na napatingin sa salamin niya ay kumaway ito kaya ngumiti siya.

"Mamaya na yan, Wels," ani Sandy.

Natawa si Welcy at umupo na. Nang tapos na siya ay tumayo siya at saka binati ang mga kagrupo nito.

"Uyy, excited," tukso ni Sandy.

Natawa lang si JD.

"Kagabi pa yan excited, kung alam niyo lang halos ayaw ng makatulog," ani JM.

Mahina niya itong siniko. "Mahiya ka sa mga sinasabi mo."

The girls laugh. Mayamaya ay tinawag sila ng photographer para sa solo shots nila. JM got in first, next is Miro, then Yohan, Yaniko, and Jordan, followed by Brix. Panghuli si JD.

Nang matapos sila ay kinuhanan sila ng group shots. Nang matapos sila ay si Welcy naman. Pinalitan sila ng mga damit habang kinukuhanan si Welcy. JD couldn't take his gaze away from the lady.

Kung hindi dahil sa bote ng tubig na walang laman na tumama sa pisngi niya ay hindi siya lumingon sa pinanggalingan niyon.

Nakita niyang tumatawa si Jordan. Alam niyang ito ang gumawa kaya hinabol niya ito. Natawa ang iba sa kanila.

WELCY SMILE WHILE looking over JD and Jordan fooling around. Nagpapalit siya ng suot na sapatos habang inaayos ng mga stylist ang make up niya.

Natigil lang ang mga ito nang sawayin na ng manager ng mga ito. Napangiti siya ulit nang tumingin na ito sa kanya.

He smile back. Inayos rin ng stylist ang mukha nito dahil siguro nagulo sa ginawa nito kanina.

"Okay, boys, pwesto na sa gitna. Tapos na ba si Welcy ayusan?" tanong ng photographer.

"Opo, Kuya Jan," sagot ng stylit na nagaayos sa kanya.

"Okay, halika ka na dito, Welcy."

"Opo."

"And the real shoot is here," nakangiting wika ni Miro."

Napangiti si Welcy at pumwesto sa gitna. Nasa kanan niya sina Yaniko, Brix at JM. Nakaupo naman sa baba si Jordan at JD. Nasa kaliwa sina Yohan at Miro.

Nakasandal si JD sa binti niya at saka nasa balikat at ulo nito ang mga kamay niya. Utos ng photographer kaya sinunod nila. Seryoso na ang mga lalaki kaya ginawa din niya iyon kahit na gusto na niyang mapangiti dahil naririnig niya ang mga impit na tili ng mga kagrupo niya.

Lahat ng utos ng photographer ay ginawa nila. Kahit na medyo nahihiya si Welcy dahil magkatabi sila ni JD ay pinilit niyang gawin lahat ng pinapagawa.

"Okay, this is good. JD and Welcy stay there. I want the two of you to do some sweet and romantic poses. Anything, okay?" pakiusap nito.

"Sige po," halos magkasabay na wika nila.

Napatingin si Welcy sa direksyon ng mga kagrupo niya na halos mapunit na ang mga pisngi sa kakangiti. Natawa siya ng magaan at napailing.

Sinimulan na nila ni JD na magpose. The first pose he did is to take her hand and kiss the back of her palm. Habang siya ay napangiti ng kaunti.

"Okay, that's great. Do more."

Dahil nakaupo ito sa sahig ay idinantay nito ang ulo sa kanyang mga binti at saka tiningala siya. He smile and so she did. To put it some little intensity, yumuko siya dahilan para kaunti na lang ang lapit ng mga mukha nila.

"Hold that pose, okay, nice," wika ng photographer. Panay lang ang flash ng camera sa lahat ng mga ginagawa nilang pose.

Tumigil sila para magpalit ng damit. Last shoot na nila at isa-isa siyang kukunan na kasama ang bawat isang myembro.

Nauna niyang nakasama sina Yohan at Jordan. Sumunod sina JM at Miro. Then si Brix, next is Yaniko at the last is JD. Hindi alam ni Welcy kung alam na din ng mga staff doon na sila na. Sinasadya kasi ng photographer na ihuli si JD. But nonetheless, okay na okay iyon kay Welcy.

"Okay ka pa ba?" tanong ni Welcy kay JD. Napansin kasi niyang medyo namumungay ang mga mata nito.

"Oo naman. Bakit hindi?" tanong nito at saka lalo siyang hinapit sa baywang papalapit sa kanya.

Napangiti siya sa ginawa nito bagaman ay nahihiya siya dahil napatili ang mga kagrupo niya at napa 'ooh' naman ang mga kagrupo nito. Natawa na lang siya at saka yumuko. But the camera keeps on flashing.

"You're here kaya okay na okay ako," bulong nito sa tenga niya. Bahagya siyang napaigtad dahil naramdaman niya ang init ng hininga nito sa balat niya.

"I like that, JD, good, okay do some more," ani ng photographer.

Tumingin ito sa kanya at ganoon din siya. He had that serious look but she smile. He then smile at inilapit pa lalo ang mukha sa kanya. Dahil hindi na niya kaya ang mga titig nito ay idinantay na lang niya ang noo sa pisngi nito at saka tumingin sa camera.

NAPANGITI SI SANDY habang nanonood sila sa pictorial nina JD at Welcy. The two was just so adorable to watch together.

Kahit na nahihiya si Welcy ay dinadaan na lang nito sa ngiti at tawa. And she love to see that her friend is feeling loved and being in love.

Alam nilang apat na hindi madali ang mga pinagdaan nito noon and Welcy deserves everything that is happening right now. As much as possible ay ayaw nilang malaman ng iba na wala pa rin itong naalala sa nakaraan nito. Kahit na meron ay hindi pa buo iyon. At iyon ang ikinababahala nito.

Pero dahil concern sila dito ay hindi nila ito pababayaan hanggang sa maalala nito ang nakaraan ng pagkatao nito.

"They really are in love," narinig niyang sabi ni JM na nakalimutan na niyang nasa tabi pala niya.

Nilingon niya ito at ngumiti. "Yeah. They are."

"Ngayon ko lang din nakita si JD na ganyan."

Napangiti si Sandy. "Its good to see him smile more often."

Napatingin siya rito nang maramdamang nakatingin pa din ito sa kanya. JM smile and so she did. They just do that for how many seconds hanggang sa marinig nila na sumigaw ng 'Its a wrap' ang photographer.

Napatikhim si Sandy at saka inayos ang pagkakatayo. Bigla kasi siyang nakaramdam ng kakaiba sa uri ng titigan nila kanina ni JM.

"Uhm, excuse, JM, puntahan lang namin si Welcy," paalam niya.

"Yeah, sure," anito at ngumiti.

Umalis na siya dahil pakiramdam niya ay lulubog na siya sa pakiramdam na hindi niya alam kung ano.

A Love That Started With A Gift (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon