"HI," BATI NI WELCY kay JD nang sagutin nito ang tawag niya.
"Are you okay? Kagigising mo lang ba? How are you feeling?" sunud-sunod na tanong nito.
Napangiti ng magaan si Welcy. "Yeah. Just a few minutes ago."
"I wanted to go there, pero kasi hindi ako pinayagan dahil nasa baba na daw ang mga press."
"Its okay. Ayos naman na ko," wika niya.
"How dare she! I'll teach her a lesson!" halos pasigaw na wika nito.
"Hey, relax. Sampal lang yun, I guess I needed that para sana maalala siya pero wala eh," aniya sabay tawa ng mahina.
Hindi ito sumagot kaya nagtaka siya.
"H-hon? Are still there?"
"Its not funny, Welcy."
Napabuntong-hininga siya. "I know. Pinapatawa lang kita."
"I'll go there tomorrow. Matulog ka na ulit."
"Okay."
"I love you, hon."
"Love you too."
NAPABUNTONG-HININGA si Welcy matapos silang magusap ni JD sa telepono.
Muli siyang humiga sa kama. Kagigising lang niya isang oras na ang nakakaraan. Nadatnan siya ni Sandy na nakatayo sa labas ng terrace sa kwarto niya kanina.
"Nag-usap na kayo?" tanong ni Ate Ivine.
Bumangon siya at saka tiningnan ito. "Yeah."
Alas onse na ng gabi kaya imbes na kumain ay gatas na lang ang hiningi niya. Wala naman na siyang gana dahil halos limang oras siyang nakatulog nang mawalan siya ng malay kanina.
"Are you okay? Inumin mo na tong gatas para maka-take ka na ng gamot mo," anito at iniaabot ang baso ng gatas sa kanya.
"Thank you, ate."
Nang matapos siyang uminom pati gamot ay ngumiti siya rito. Inilapag nito ang baso sa bed side table niya bago siya nito tiningnan ulit.
"Hindi ka pa ba natutulog?" tanong niya.
"No, binabantayan ko kung gigising ka pa."
Napangiti siya ulit ng haplusin nito ang pisngi niya. Alam niya na dahil sa namula daw iyon kanina nang sampalin siya ni Marian ng dalawang beses sa magkabilang pisngi.
"Its nothing, ate. I'm fine now."
Napabuntong-hininga si Ate Ivine. Marahan nitong pinisil ang pisngi niya. "Ang bait mo talaga."
Natawa siya ng magaan. "Ayos na ako. Pwede ka ng matulog. Matutulog na rin ako."
"Okay, let's talk tomorrow. Matulog ka na," anito at tumayo.
"Good night, ate."
"Good night," anito at hinalikan siya sa ibabaw ng ulo.
"NAALALA MO NA BA kung paano kayo naging magkakilala?" tanong ni Sandy kay Welcy.
"Not so. But I saw her face in my memory."
"And?"
"Just her face," Welcy said and sigh.
"Kung hindi niyo lang ako pinigilan kahapon sinabunutan ko na siya," wika ni Yassy.
"Hindi pa rin kita hahayaan, Yassy," saad ni Ate Ivine.
"Nakakainis kasi. Sampalin ba naman niya si Ate Welcy-"
"Yass," saway niya rito ng marahan.
"Aish."
BINABASA MO ANG
A Love That Started With A Gift (COMPLETED)
FanfictionThird installment of Yes, Its Love. Same Characters, just adding a few. Main Characters: Wendy Son as Welcy Son JB as JD Park Please do not take it against me about the pairing. Thank you in advance for reading. The Synopsis is part of the story...
