Chapter 8

310 10 0
                                    

Chapter 8

"Hi anak..." bati ni mama ni Haley sakanya pagkarating nya galing school.

Ngumiti sya ng pilit. "Hello, mom..." nilingkis pa nya ang kamay sa braso nito at hinalikan sa pisngi. "Ang bango mo, mom..." Siniksik pa nya ang ulo sa leeg ng mama nya na nakapaghalakhak dito.

"Para ka talagang bata..." biro nito sakanya.

"Bata pa ko mom, I'm just twenty..." sakay nya sa biro nito. Pero nawala ang pagkakangiti nya ng maalala ang nangyari s school nila.

Napayakap nalang sya sa mama nya. Kahit man lang sa yakap, maibsan ang sakit na nararamdaman nya. Pero kahit yakapin pa nya ito... masakit parin eh...

"Nak... may problema ba?" narinig siguro nito ang paghikbi nya.

Sya ang klase ng tao na kapag kino-comfort... mas naiiyak sya. "M-mom..." napalitan ang hikbi nya ng hagulgol.

Iginaya sya ng mama nya sa living room pagkatapos ay niyakap. "Anak... tell me what's wrong..." her mom even tapped her shoulder gently.

Napahigpit ang yakap nya dito habang hindi parin tumitigil ang pag-iyak nya. "M-mom... nakita ko ulit sya..." mahinang sabi nya kahit na gusto nyang sumigaw para man lang maibsan ang sakit na nararamdaman nya.

Hindi nagsalita ang mama nya pero alam nyang nakikinig ito. "Ma... masakit parin eh... masakit parin sa puso ko na yung taong mahal na mahal ko... masaya sa taong pinagpalit sakin..." iyak lang sya ng iyak habang kinukento kung anong nangyari sa school kanina.

*FLASHBACK*

"Hmm... I think you are really familiar..." sabi ni Ella kay Haley pagkatapos ng klase nila. Kaklase nya ito ng tatlong subjects. Yung major subjects nila. Naikwento kasi nito na irregular 3rd year student ito kaya nag-advance nalang ito ng ibang major para may makuha ngayong sem na to... ewan ba nya... late na itong pumasok dahil pangtatlong linggo na ng start ang klase nila pero nakapasok parin ito.

Paano nya nalaman yun? Nag-insist itong magkwento sakanya kahit na pinaramdam nya dito na hindi sya interesado pero dahil makulit ang lahi nito... pinipilit parin nitong kinekwento kung bakit ito napadpad sa Ilocos kahit na taga Manila naman talaga ito.

At dahil may pag-ka-b**ch sya... na palaging sinasabi sakanya ni Ricardo, pinandigan nalang nya, idagdag pa na snob sya kapag ayaw nya sa isang tao... hindi nya ito pinakinggan at inabala nalang ang sarili sa paglalaro ng kung ano-ano sa phone nya.

Akala nya, nakatakas na sya pero ito, nakasunod parin ito sakanya habang palabas ng school. Which hindi parin yata nito maalala kung saan sila unang nagkita. Okay na sana eh... kung hindi lang talaga sya dumating...

"Hi baby..." narinig nya ang boses ni Ella na parang may kausap. At kahit hindi sya interesado, napalingon sya rito...

Syempre, she's just a human... bound with curiosity. At nagmala- reporter sya at gustong makasagap ng bagong balita...

Gusto nya atang pagsisihan na ginawa pa nya yon dahil sa huli... wala eh! Gusto tuloy nyang maniwala ang sinasabi ng matanda na masama ang makinig sa usapan ng iba...

"Baby... meet my new classmate..." hinila pa sya ni Ella papunta sa tinatawag nitong baby. Ayaw man nya, pero ang lakas ng gf ng ex nya. "Si Haley..."

Kulang ang pagkagulat ng makita nya ang mukha ng taong iyon. "Haley..." narinig nyang mahinang sabi ni Gian sa pangalan nya.

"Magkakilala kayo, babe?" masayang tanong ni Ella kay Gian.

Maagap na itinanggi ni Haley ang tanong ni Ella sa ex nya. "No..." mariin ang pagtanggi nya dito bago naglakad palayo sa mga taong akala nya hindi na nya muling makikita.

Hindi nya alam kung magpapasalamat sya o hindi dahil saka lang pumatak yung luhang kanina pa nya pinipigilan ng nakatalikod na sya.

Agad-agad nya iyong pinunasan dahil hindi nga pala deserved ng mga ito ang luha nya.

*end of flashback*

"Anak... mawawala din lang yung sakit na nararamdaman mo ngayon..." ramdam na ramdam nya ang sakit na nararamdaman ng mama nya dahil nakikita nitong nasasaktan sya.

Masaya sya na kahit gaano pa pinaramdam sakanya na malupit sakanya ang tadhana... alam nya na nasa tabi lang nya ang mga magulang nya lalo na ang kanyang ina.

"Ma... kailan ba mamawala ang sakit? Kailan ba maghihilom ang sugat na tinamo ko dahil sa pagmamahal?" humihikbi nyang tanong ng marinig nya ang sabi ng mama nya. Mawawala? Kailan? Paano? Kung sa bawat araw na nilikha ng Dyos... pinaparamdam sakanya na hindi nya deserved mag-move-on... hindi nya deserved ang sumaya?

"Soon anak... hindi man sa ngayon... pero mawawala din yan..." Pinunasan ng mama nya ang hindi maampat ampat na luha sa mga mata nya. "Magtiwala ka lang anak..."

"Magtiwala saan?"

"Magtiwala ka sa sarili mo... na makakaya mo..." her mom smiled that comforted her. Ang ngiti ng mama nya ang nagbibigay sakanya ng lakas ngayon... ng pag-asa na sana... makakalimutan na din nyang minahal nya ang taong yun... o kung hindi man mawala ang pag-ibig na nararamdaman para dito... sana naman kahit konti lang, mabawasan yaon at matuto na rin nyang mahalin ang sarili nya na hindi nya nagawa noong minahal nya ito...

***---***

"G-gian... bakit ganyan ka?" lumuluha tanong ni Haley pagkatapos nyang marinig ang salitan ng pagmamahal ni Gian at ang 'unofficial' girlfriend nito.

hindi man lang ito natinig ng makita syang humagulgol dahil dito. Kung dati, ayaw na ayaw nito ang umiiyak sya... bakit ngayon? Bakit okay lang dito na umiiyak sya? ni hindi man lang ito natinag para aluin sya. "Hindi mo na ba talaga ako mahal Gian?"

Napaiwas ang tingin nito sakanya. Kaya hinila nya ang kamay nito palapit sakanya. "Gian... tumingin ka sakin..."

"H-hindi m-mo na ba talaga ako m-mahal?" pinigilan nya ang mga hikbi pero napahikbi parin sya. gumaralgal pa ang boses nya pero wala man lang syang nahagilap na reaksyon dito. Blangko ang nakikita nya sa mga mata nito.

"Hindi na kita mahal, Haley..." deretso nitong sagot sa tanong nya. "Kaya umalis ka na dito... umalis ka na sa buhay ko..."

Napangiti sya ng mapait. "Sige..." tumango-tango pa sya para sumang-ayon sa sinabi nito. Nagkunwari syang okay lang ang sinabi nito kahit na sa loob loob nya... durog na durog na ang puso nya. "H-hindi mo na ko makikita kahit kailan..." kusang tumigil ang luhang kanina lang ay hindi maampat-ampat.

Sa sinabi kasi nyang huling linya nya dito... nakaramdam sya ng kakaibang determinasyon... oo... gagawin nya ang sinabi nya dito... hinding hindi na sya magpapakita dito kahit kailan...

�������¼\F8�(

Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon