My Miss Popular
Mag gagabi na kaya naman pumwesto na ako sa sala ng bahay namin baka kasi maunahan ako ng bunso kong kapatid at manunuod nanaman ng Barbie and the 15 Dancing Princess ba 'yon ? Ah! Bahala na basta kailangan kong manuod ng palabas ng aking mylabidabs! Ang baduy 'no? Ang isang gwapong tulad ko ay baliw sa isang sikat na actress na malabong mapansin ako .
Binuksan ko na 'yong TV namin . Updated kami kaya flatscreen 'to haha . Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin ang isang balita. Balita tungkol sa aking pinakamamahal na babae .
Famous Actress, Dansel Montellion and Famous Japanese Actor Akihiro Yamamoto are confirmed to be dating
Napabato ako ng remote control ng wala sa oras buti nalang pagkahagis ko nito ay nasalo ni Ate En dahil kapag bumagsak ito . Lagot ako sa nanay ko .
" Ano nanaman ang problema mo Leonardo at remote control ang pinagbubuntungan mo " tumayo ako at hinila siya at itinapat ang mukha niya sa TV namin .
" Ayan . Nang malaman mo ang kasagutan sa tanong mo " saka ako bumalik sa pagkakaupo sa sofa nakakainis . Dapat talaga dyan sa report na 'yan ganito
Famous Actress Dansel Montellion and a non-showbiz but handsome man named Leonardo Dawsone are confirmed to be dating . Oh diba? Ang sarap pakinggan kaysa sa Akihiro na 'yan kuko lang 'yan ng Pare kong si Leonardo DiCaprio .
" Hahaha . Ayan lang ang pinoproblema mo Leonardo? " tawa parin ng tawa ang ate kong baliw palibhasa hindi niya alam yung nararamdaman ng isang gwapong tagahang tulad ko .
" Ay hindi . Ikaw problema ko alis ka na nga ate " pinagtabuyan ko si ate dahil eto na matapos ang walang kwentang news ay ipinalabas na ang Till I Met You ni mylabidabs!
****
" Tama! Sampalin mo mylabidabs! Bastos eh ! Sana nandiyan ako para protektahan ka " saad ko with matching actions pa .Biglang bumukas ang main door ng bahay namin . Dumating na pala ang maganda at gwapo kong nanay at tatay . Tumayo ako at nagmano sakanila . Bumaba narin si Ezra ang nakababata kong kapatid .
" Ano nanaman 'yang pinapanuod mo anak? Till I Met you nanaman ba ? " tanong ni Dad atsaka dumiretso sa kusina dala ang mga pinamili nila ni Mama
" Die hard fan ka talaga ni Dansel, anak ah . Bakit hindi ka manuod ng Titanic " wika ni Mama atsaka umupo sa sofa . Umupo na din ako sa Sofa at ganoon narin si Ezra .
" Paulit ulit ko nang napanood yung Titanic Ma " wika ko
" Kuya lipat mo sa Disney Channel ! " sinasabi ko na nga ba .
" Ayoko ! Hindi pa tapos ang Till I Met You " wika ko atsaka itinago ang remote sa likuran ko.
" Mommyyyy! Si Kuya oh! " saka siya nag pout wag kang magpapadala sa pag nguso-nguso ng kapatid mo .
![](https://img.wattpad.com/cover/68449183-288-k726828.jpg)
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...