Kasalukuyan kaming nandito sa dining area ng bahay nila. Maganda at elegante tignan ang bahay nila mapapa wow ka sa ganda. Si Tito Archie naman na tatay ni Dansel ay madaling pakisamahan lalo na't nalaman kong business partners pala sila ng magulang ko. Ang saya lang dahil mukhang nakatadhana talaga kami para sa isa't isa. Pagmamay ari nila ang ilan sa sikat na hotel dito sa Pilipinas at maging sa iba't ibang bansa. Samantalang kami ay 5 hotel lang ang pagmamay-ari 2 dito sa Pilipinas at 3 sa US.
" So Mr. Dawsone, kamusta ang anak ko? Maganda ba ang pakikitungo niya sayo? " tanong ni Mr. Archie saka tumusok ng steak. " Opo, she's very nice. Hindi ko po inakalang may side na makulit ang anak ho ninyo " magalang kong sagot sakanya.
Ang sumunod naman ay si Mrs. Lucille na ina ni Dansel na sobrang ganda at mukhang bata pa. Pansin ko lang din na si Dansel ay kanina pa hindi umiimik at magsasalita lang siya kapag kakausapin mo siya. This is weird.
" Paano nga pala kayo nagkatagpo ng anak ko? You're not an actor right? " pakiramdam ko nilait nito yung kagwapuhan ko. Kailangan ba artista din ang shotain ng anak nito? Sh*t! I can't take this anymore . Joke lang.
" I was her fanboy since she enter the world of showbiz. Ilan beses kaming pinagtagpo ng tadhana sa hindi malamang dahilan. Ako yung tumutulong sakanya sa tuwing hinahabol siya ng mga fans niya. Napagkamalan pa nga po ang janitor nung manager niya atsaka galit na galit si Zach nung malamang gwapong janitor ang tumulong sakanya " sagot ko. Ang daldal ko no? Iba kasi ako sa mga lalaking cold. Yung mga cold na tamad magsalita at snobber . Mas mabuti lang HOT na madaldal ako. Ano daw?
" I liked this man! " sambit nung Tatay ni Dansel. I like him too as my father in law. Shit!
" Isang kang janitor? " hindi makapaniwalang tanong nung Mommy ni Mylabidabs.
" Part time job... ay este hindi po Madame dinahilan lang po 'yon ni Dansel " tumango naman si Mrs. Lucille si Dansel naman ay nginitian ako. Ibang ngiti . Ngiting masaya. Ngiting hindi mo inakala.
" By the way Mom and Dad. Payag na po ba kayo sa panliligaw ni Mr. Dawsone? " isa lang 'to sa patunay na ang mga babae ay moody. Kita mo 'tong soon to be girlfriend and wife ko in the near future, hindi umiimik kanina tas ngayon naman nagsisimula ng dumaldal. Girls are unpredictable.
" I approve. This man has the sense of humor that I want " wika ng Mommy ni Dansel. Hoo! Shet! Kinikilig ako It's official! Manliligaw na ako sa mga katulong,driver,hardinero at sa mga magulang ni Mylabidabs. Uumpisahan ko 'yan bukas.
Nung natapos na kaming kumain ay umalis na ang magulang ni Mylabidabs kaya kami ang naiwan dito at kasalukuyan kong nilalaro si Rina na super friendly at isip bata.
" Hihi Kuya! Gusto kita para kay Tita Dansie " wika nung bata habang sinusuklayan ang buhok ng manika niya.
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Любовные романы" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...