Leonardo's PoV
Nagising ako dahil medyo sumakit ang balikat ko. Nangalay siguro dito pala kami sa sala nakatulog. Nilingon ko sa kaliwa si Dansel na mahimbing na natutulog. Mukha siyang inosente kapag tulog. Hindi mo maiisip na artista pala 'to.
Napangiti ako siguro mas gugustuhin ko na lang na gumising na siya kaagad ang makikita ko.
" Hey, I'm melting " pfft.
" Tulog tulugan ka ah? " dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga magagandang mata. " Goodmorning " bati ko atsaka siya hinalikan sa noo. Napangiti naman siya.
" Punta tayo sa palengke? " binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Palengke? Anong naisipan nito.
" What? Anong trip mo? " umayos siya sa pagkakaupo atsaka pinisil ang ilong ko. Crush niya siguro yung ilong ko.
" Gusto ko lang " simple niyang sagot.
" Kaya tumayo kana at pupunta tayo ng palengke " napabuntong hininga na lang ako at umakyat papuntang kwarto.
Nagbihis lang ako atsaka nag-ayos ng simple pero may dating. Naks! Bumaba na ako para hintayin si Dansel.
" Honey, are you going to buy something? " tanong ko kay Dansel na kabababa lang galing guest room.
" Yup, Puro nalang kasi chicken ang kinakain natin. I want something new " pagkasabi niya noon ay parang kuminang ang mga mata niya. Pfft. Cute.
" Let's go? " tumango na lang ako. Pumunta kami sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Biglang kumunot ang noo ni Dansel. " What? " tanong ko sakanya. " We're going to commute " ano?!
" Honey naman " pagmamaktol ko. Commute? Okay lang naman sa'kin kaso nasanay na kasi akong sasakyan ko ang ginagamit ko pang transportasyon.
" Tara naa! Ayoko ng mabagal " tumango na lang ako atsaka ibinulsa ang susi ng kotse ko. Paglabas pa lang namin ay pinagkaguluhan na siya sabi na eh sana ginamit nalang namin ag sasakyan ko para hindi siya pinagkaguluhan.
" Yes, I'm sorry. Nandito po ako para magpahinga okay? May nextime pa po " magalang na sagot ni Dansel sa mga fans niya sa batangas.
" Sige po " nakngiting sagot ng mga fan niya. Pinayagan naman ni Dansel na makapag papicture ang mga fans niya. Mabuti na lang at medyo konti lang.
Pumara ako ng jeep atsaka sumakay na kami.
" Sa may palengke lang po " wika ko atsaka ibinigay ang bayad. Kulang na lang yumukod na ako dito sa jeep, masyado ba akong matangkad? O maliit lang talaga ang jeep?
" Si Dansel 'yon diba? "
" Sila na pala ni Leonardo DiCaprio? "
" Bobo, Leonardo Dawsone 'yan "
" Hindi sila bagay, masyadong maganda si Dansel "
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romance" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...
