Nakatanggap ako ng text mula kay Dansel mylabidabs! Dansel of my life ❤ my everything ❤ tama na OA na eh . Kalalaki kong tao .
From :+63999999999
Pumunta ka dito sa FTA Ent. 2nd Floor aantayin kita. Ngayon na .
Napangiti na lang ako . Hindi na ako nagreply at mabilis na inayos ang sarili ko .
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako atsaka nagpaalam kina Mama . Mas mabuti nang alam nilang aalis ako kaysa sa layas ako ng layas ng hindi nila alam . Ang bakla tingnan 'no? Gano'n talaga .
" Mag ingat ka anak " ani Mama habang naghihiwa ng repolyo . Tumango na lang ako atsaka nagpaalam na . Kinuha ko 'yong susi ng fortuner na ibinigay sa'kin ni Dad . Hanep 'no? Nakabili na kasi siya ng bago kaya imbis na ibenta niya ay ibinagay niya sa'kin .
Pinaandar ko na yung sasakyan atsaka tahimik na nagmaneho .
*** FTA Ent .
" You're two minutes late " bungad kaagad sa'kin ni Mylabidabs ng bumukas ang elevator . Hanep . Lumabas ako ng elevator atsaka lumakad papunta sa kanya .
" Bakit? Namiss mo 'ko? " pang aasar ko sakanya . " What? Namiss? Kilala mo ba kung sino ang kausap mo? Dansel Montellion 'to ang famous actress at popular Director sa buong mundo " saka siya umirap sa kawalan . Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi bale baka mainit lang ang ulo niya . Ikaw ba naman paghintayin ng 2 minutes diba? Haha .
Naglakad na siya papunta sa isang double door na kwarto . Ako? Eto sinusundan ang mahal ko . Binuksan niya ito atsaka pumasok . Ganoon din ang ginawa ko . Sa pagkakaalam ko room 'to ng Manager niyang si Shin .
" Take a sit Mr. Dawsone " wow alam niya kaagad 'yong apelyido ko? Astig naman . Sinulyapan ko si Dansel na ngayon ay katabi ni Zach Saisen . May kung anong lungkot sa mga mata niya .
" Ikaw ba 'yong tumulong kay Dansel noong hinabol siya ng mga fans niya? " tanong ni Manager sa'kin .
" Oo " sagot ko . Tinaasan niya ako ng kilay . " I mean opo ako ho iyon " sinulyapan ko si Zach Saisen na ngayon ay nakangisi . I gritted my teeth, trying to calm my self as calm as possible akala niya ba kinalimutan ko na ang sinabi niyang kuko daw ako?
" So ikaw yung janitor ? Ang gwapo mo namang janitor? " hindi ko alam kung pinupuri ako ni Shin o Nilalait . Una kuko ngayon janitor?
Sisingit sana si Dansel kaso pinandilatan siya ni Shin . Kakaibang manager 'tong hinayupak na 'to .
"Wait? Do I look like a janitor?" Tanong ko sakanya . Ngumiti naman ng makahulugan si Manager Shin .
" Si Dansel ang nagsabi sa'kin na tinulungan siya ng isang janitor makatakas sa mga fans niya at ikaw din ata ang kasama niyang sumakay sa ferris wheel " hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinasabi ni Manager Shin .
BINABASA MO ANG
MY Miss Popular (EDITING)
Romans" I'm sorry " saad niya may nabangga pala akong kung anong ewan alien ba 'to? Kasi balot na balot eh o baka nilalagnat? Ano bang pake ko sa babaeng 'to? Iniangat niya yung mukha niya dahilan para makita ko ang kanyang mukha. Binabawi ko na yung sina...
